the hospital

4.5K 37 1
                                    

Nasa hospital lang ako at hinihintay syang gumising. Actually na gising na sya dahil sa injection takot pala ang daldalitang to sa injection. Kung makikita nyo lang ang hitsura nya nung tinurukan parang bata nakayakap pa sa Tita nya. Sa room na sya at nagpapahinga. Nasa loob pa kasi ang Tita nya pwede naman pumasok kaya lang ayaw ko umeksena sa moment nila. Dito na lang muna ako sa labas.

"Kean" lumabas na ang Tita nya sa room nya. "thank you ha' ngumiti na lang ako sa kanya."Uuwi muna ako walang magbabantay kay Leah pero okay lang daw umuwi ka na."

"hindi po hindi po ako uuwi okay lang naman po yun" wow ang galang ko ngayon samantalang kanina sinagot sagot ko teacher ko.

"Sige ikaw ang bahala" nakangiti syang umalis ng hospital.

"Sir hindi po kayo uuwi?" ay bingi ang driver ko.

"hindi ako uuwi kaya umuwi ka na. Wag kang magkakamaling magsumbong baka gusto mong ipaligpit kita sa tatay ng kaibigan ko" hehehe ang galing talaga pag may kaibigang tatay ay drug lord daming matatakot

"Yes Sir" umalis na sya agad. Sige sabihin nyo kung sino ang magaling magpalusot. Syempre AKOOOOO!!! 

Umupo ako sa may pintuan ng kwarto nya. Binuksan ko ng konte para makita ko kung gising pa sya.

“Sir ano pong ginagawa nyo dyan?” may nurse na lumapit sakin

“Shhhh!! Wag kang maingay natutulog na sya” umalis na agad ang nurse pagkasabi ko nun. Pwede naman wag na lang magtanong! Ang daming tao ngayon na super curious. Lumapit sya sa nurse

“Ang gwapo nya!! Sayang ang sungit nga lang. Girlfriend nya kaya yung nasa room na yun?”

“Hindi ko alam baka hindi.”

“Eh bakit sya nasa hospital kung hindi nya girlfriend yun.” Tae ang lakas ng boses nila. Hindi na ko makatiis kasi baka magising si Leah sa sobrang ingay nila. Okay sana eh nakikinig ko kahit ang layo na nila.

“Girl palapit na sya satin. Baka nabighani na ng kagandahan mo ang cute nga nya!”

“Sabi ko sayo eh” nasa tapat na nila ko

“Excuse me.”

“Yes” sabay nilang sabi. Syet lang ang landi halatang halata. Alam kong gwapo ako pero wag naman nilang ipahalata na patay na patay sila sakin.

“Wag nga kayong maingay hanggang dun kinig na kinig ang pinagchichismisan nyo. Hospital to hindi to palengke!” tinalikuran ko sila.

“Hmmm kala mo kung sinong gwapo” humarap ulit ako sa kanila

“I know gwapo ako eh kayo? Maganda ba kayo? Nagsuot lang kayo ng uniform ng nurse feeling nyo naman magugustuhan ko na kayo. Sabi nga nya IN YOUR FACE!!” pumasok na ko sa room ni Leah.

Tulog na tulog si Leah. Kumain na kaya to. past seven na pero hindi pa sya kumakain. Lalabas sana ako para magtanong sa mga malalanding nurse kung nasan na ang pagkain ni Leah. Kaya lang nakita ko si Tom na may dala ng pagkain na binigay ng nurse. Sinarado ko na agad ang pinto. Natataranta no ko sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung sa CR naman ako magtatago baka makita ako ni Leah pagpumasok sya dun. Kung magtatago naman ako sa likod ng pinto makikita din nya ko.

OHHHHHH!!! NOOOOOOOOOOOOO!!!!

San na ko magtatago!!!

Unti – unting bumubukas ang pinto and no choice!!

Nagmadali akong sumiksik sa ilalim ng hospital bed ni Leah. Syet hindi ako kasya ang sikip -  sikip!!

Nakita ko ang paa ni Tom. Nakahiga lang ako sa ilalim habang tinitingnan ang paa ni Tom na palapit sa kama ni Leah.

Please find my own Cookie MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon