This is it! This is really iz it iz it na talaga!! part TWO!!!

4.2K 23 5
                                    

Anong meron ba at pinauwi ulit ako at pinasama pa talaga si Leah. Maa AWARD ba ko? at idadamay si LEAH!! Punyemas naman oh! Pero mukhang hindi naman galit ang boses ng tatay ko. Ano bang meron ang weird nya? bat pa sya nandito? Akala ko ba aalis na sya at pupunta na ulit sa London after ng nakakastress na kasal na yun. 

Nakadating agad kami sa Villege namin. Punyemas kinakabahan talaga ko. Mas okay atang hindi ko na lang sinama si Leah dito baka masampal pa sya or something na gawin ng tatay ko. Letche! Ang tanga ko talaga! hindi ko agad naisip na hindi sya isama. Enhale! Exhale! 

"Okay ka lang ba? Chill lang kasi! hahah" Chill ka dyan! Kinakabahan nga ako sayo! tapos pagchichillin mo ko! 

"Daldakina mas okay atang pumasok ka na..." Kinakabahan talaga ako sa mangyayari ngayon.

"Okay lang nandito na kaya tayo sa tapat ng bahay nyo. Daddy mo yun di ba?" Patay na! Inaabangan pala kami. 

"Hoy pumasok ka na! okay lang kita na lang tayo mamaya!" sinara ko ang pinto at binuksan ang front door ng taxi. "Sa Wattpad Univesity. Ingatan mo yan! pag mang nangyari dyan Ipapahunting kita! Tanda ko ang plate number mo!"

"Kean" hindi ako tumitingin kay Dad. Hindi ko pa din sinasarado ang pinto at hinihintay ang sagot ng driver.

"Hoy ano na! Ihatid mo yan ng maayos at buo ha! walang galos dapat! Leah ikaw muna magbayad naiwan ko sa kotse pera ko eh"

"Loko ka! Sinama sama mo ko dito tapos pagbabayarin mo ko! Baliw ka! Hoy Bakulaw yung Dad mo palapit na."

"Sige na bye! I love you..."

"ha ano?!"

"Ang bingi mo!"

"Sabi nya.. I laa----!!" tinakpan ko ang bunganga ng madaldal na driver na to! punyemas pakialamero kung kelan hindi tinatanong saka umeextra!!

"Sige na babye!!"

"Kean bakit mo pinapaalis si Leah" hinawakan nya ko sa balikad. Lenchemas naman! HOOOOO!!!kinakabahan ako! "Leah come with us. Let's have some tea." Binuksan nya ang pinto ng taxi at pinababa si Daldakina. “Ako na ang bahala sa taxi driver na to. Pumasok na kayo sa bahay.” Ang weird ng gurang na to ngayon ah! 

Pumasok na kami sa bahay at sumalubong samin ang butler namin.

"Si Mommy?" tanong ko sa kanya. Tinuro nya ang naka-hang na kubo sa gitna ng garden sa loob ng bahay namin. GITNA ng BAHAY namin?!! May GARDEN??!!! Wala pa yan kanina nung umalis ako ah! 5am ako umalis tapos meron na! Pustahan si MOMMY na naman ang may pakana nito! umiral na naman ang pagiging interior designer nun! Dinala ang garden sa loob ng bahay namin! tsk! Tsk!

"Kean! Do you like our new garden?!" kumakaway sya samin at nakita ko na lang ang gurang kong tatay sa likod nya na nakatayo. Abnormal na ata ang pamilya ko. May bipolar pa kong tatay at MR pa kong nanay! May autistic pa kong kapatid! ako lang ata ang NORMAL sa pamilyang ito. hahah

"palitong bakulaw... san tayo aakyat nyan?"

"San pa eh di sa hagdan?! tara na nga!" pumunta kami sa gitna ng garden malapit sa fountain. "Baka ito yung hagdan?.." tinuro ko yung nakaconnect na stairs made of rope and wood sa kubo kung nasan sina Mommy. Ano ba to?! pahamak sa buhay kung tutuloy kami dito! Extra challenge! Ata to kelangan muna lampasan ng challenges bago makadating sa finish line. Ahh!! Nakakainis! Mumultuhin ko sila lalo na yung gurang kong tatay!

"Hindi ka sure! Punyemas naman Bakulaw! Bahay mo hindi mo sure kung san ang daan!"

"Kakakita ko nga lang nyan eh! pati wala pa yan nung umalis ako kanina. No harm in trying naman di ba? tara na!"

Please find my own Cookie MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon