Stuck on you. .

5.1K 43 6
                                    

Ang lambot ng kama, ang bango ng amoy, ang sarap naman matulog dito, ang lamig parang may aircon. Ano yung liwanag na nakikita ko? ang alam ko sa bahay naming kahit twelve noon na wala ka pa ding makikitang araw dahil sa mataas na bahay sa likod namin. Eh bat ang liwanag?

“Teka nasan ako?” tiningnan ko ang paligid ang hindi ito ang kwarto ko. Ang lake ng kwarto na tinulugan ko at iba na ang damit ko!! Nakagown ako kagabi ah! Bakit ang lake ng jacket ko??!!! Nakagray akong jacket  na sobrang lake. Hindi naman yung tipong hanggang tuhodd sa lake yung hanggang hita. 

“AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” nagpapanic na ko kasi hindi ko alam kung nakaninong bahay ba ko? sinong nagpalit sakin ng damit? Pinagsamantalahan ba nila ko? kinidnap na ba ko? wala akong pambayad. Pero kung kinidnap naman ako grabe naman todo effert sa pagkidnap sakin ah! Ang ganda ng kwarto pang mayaman.

Pagtingin ko sa pinto nakita ko si Kean nakatayo. “Sabi ko na nga ba sisigaw ka hahaha panic mode agad? haha” bwisit  na lalakeng to!!

“bat ako nandito?! S-si” hindi ko matuloy ang sasabihin ko kasi baka hindi naman sya yung nagpalit sakin ng damit. Igulong pa ko nyan.

Umupo sya sa kama as in sa tabi ko talaga sya umupo. Hindi ko alam kung kikiligin ba ko kasi nasa bahay ako ng Cross ko o maiinis kasi katabi ko ang Bakulaw na to. Ay TANGA! Iisa nga lang pala sila! Tanga talaga! BUBU ko ay!

“Sino nagpalit sayo ng damit? Yun ba?” tumango lang ako sa kanya. “Syempre sino pa ba” inakbayan nya ko at palapit na ng palapit ang mukha nya sakin

“BUBUGBUGIN KITA!! Kahit nasa bahay nyo pa ko bubugbugin kita!! ” itinulak ko sya palayo sakin. Maa-out of balance ata ako. Malalaglag  na ko sa kama. Kalahati ng katawan ko nasa bingit na ng kamatayan ano to? yung mini heart attack lang sa hagdan! O.O nagsoslow motion ang paligid ko. Unti- unti akong bumabagsak.

Dahan dahan

Dahan dahan

Hindi ko maigalaw ang katawan ko pabalik sa kama. Tatama na ang ulo ko sa sahig.

Nang biglang

 may humawak sa kamay ko at hinila ito pabalik sa kama. Sa lakas ng force ng pagkakahigit nya sakin

O.O <------- Kean

O.O <------- Ako

Nalapit ang mag labi namin ng hindi sinasadya. Nagtititigan lang kaming dalawa at pareho kaming gulat na gulat.

"Ang aga - aga namang tukaan yan. Hindi pa nagtotoothbrush nagtutukaan na. Ang mga bata talaga ngayon. Talaga naman." may narinig kaming boses matanda. Naghiwalay kaming dalawa at hiyang hiya ako. paksyet naman oh! Sya pa ang first kiss ko pero consider as kiss pa ba kahit accident kiss yun?! Sagutin nyo ko!! 

Kean                                                                   Ako

(n///n) <----------------------------> (n///n)

 Nasa magkabilang dulo kami ng kama. AHHHH!! si Cross nahalikan ako! ay hindi Bakulaw pala! Ano ba? talaga? Ang gulo naman. 

"Buti na lang Master Kean wala ang Daddy mo ngayon." hindi ko narinig na sumagot ang Bakulaw na yun. Siguro tumango lang sya. "hahahahah" pahina ng pahina ang tawa ng sa tingin ko ay matandang babae "Oh Master Kean pasabi sa girlfriend mo kakain na bumaba na kayo!!!" sigaw nya. Hinidi nya ko girlfriend!! Ang girlfriend nya SI PENNY YUNG MALAKAS SUMAMPAL!!

"Hoy daldakina tara na kakain na" naramdaman kong tumayo na sya. Kahit may hoy na ang pagkakasabi nya hindi man lang nya ko sinigawan. 

tumalikod ako at nakita ko sya palabas na ng kwarto. Kuhain ko nga ang unan at ihagis ko sa kanya. Kinuha nya ang first kiss ko bwisit!! 

Please find my own Cookie MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon