The Story
Flashbacks
Everything started betwen me and Gerald because of a rebound love. Ano nga ba ang rebound love? Ito yung kapag brokenhearted ang isang tao, minsan may mahahanap siyang pwedeng makapagpatigil ng pagdurugo ng puso niya. Sasalo sayo kapag hindi ka na kayang saluhin ng dati mong minahal. That' s exactly what happened between us.
Eh sino nga ba si Gerald? His full name is Gerald Jimenez Yap. He was our department engineer. Yes, we're working in the same company. Akala ko nga hindi niya mapapansin ang isang kagaya ko. Kasi ba naman te, makalaglag panty ang kaguwapuhan. Kamukha niya si Chris Tiu. 5'11 ang height, maputi at tsinito. San ka pa diba? Eligible bachelor nga siya sa kumpanya namin. Walang asawa at walang girlfriend. Matalino at magalang. Lahat yata ng kadepartment ko nagkacrush sa kanya.
Noong nagtatrabaho ako sa companyng tinutukoy ko, I was in a relationship with Kevin. He was my long time boyfriend. Naging kami noong mag18 years old ako. He was my bestfriend kahit na nga 6 years ang age gap namin. We were really happy that time. Nagpaplano na nga kaming magpakasal. Oo, tama.. Kulang na lang sa amin ay kasal. I was deeply inlove with him at ganoon din naman siya sakin. Pero totoo ngang malaking factor sa isang relationship ang time and communication. Dahil sa kakulangan nito ay maaaring masira ang lahat kahit pa napakatagal na ninyong kilala ang isa't isa...
-----
Tapos na ang shift ko. Maagang nagshut down ang company para sa annual assembly ng mga heads ng kumpanya. Masayang masaya ako dahil sa wakas maaga akong makakauwi meaning I will be able to visit my future in-laws at ganoon na din ang future husband ko na walang pasok nang araw na iyon. Hindi na muna ako uuwi sa bahay tutal maaga pa naman. Hindi ko na tinext si Kevin para masurprise ko siya. Bumili na din ako ng paborito niyang hopia. Isang box para pambawi sa mga araw na naging busy ako sa trabaho...
After an hour of travelling, nakarating din ako sa tapat ng gate nila Kevin. Kakatok na sana ako nang kusang bumukas ang gate. Napangiti ako. Pati gate yata ay inaasahan na ang pagdating ko. Pumasok na ako pero nakita kong sarado ang main door ng bahay nila Kevin. Unusual na sarado ang main door. Tiningnan ko ang mga pares ng tsinelas sa may doorstep. May isang unfamiliar na tsinelas doon na pambabae. Maya-maya pa ay may narinig na akong naguusap. Alam kong mali ang manubok pero nanatili lang ako sa labas ng pinto, nakikinig sa mga naguusap sa loob ng bahay.
"So what are your plans now?" Boses ng babae ang narinig ko. Ngayon ko lang narinig ang boses na iyon. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko.
"Sasabihin ko na kay Dianne, Cath. Bumubuwelo lang ako." Boses ni Kevin iyon. Anong sasabihin niya sa akin at sino si Cath? Lalo tuloy akong kinabahan sa mga naririnig ko.
"Make sure of that sweetie! Nakakagulo na siya masyado sa atin." Boses ulit ng babae. Sweetie? Nakakagulo sa kanila? Ano daw? Tama bang mga naririnig ko?
Sumilip ako sa siwang ng pinto dahil hindi na nagsalita ang dalawa. Kitang kita ko na naghahalikan ang dalawa. Nanlaki ang mata ko at napakapit sa pinto dahilan para bumukas iyon. Awtomatiko naman silang nagkalas. Gulat na gulat si Kevin nang makita ako samantalang parang wala namang reaksyon ang babaeng malandi!
Matagal bago ako nakarecover sa nasaksihan ko. Nalaglag na ang dala kong isang box ng hopia. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na iyon. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko sa mga pisngi ko. Nagtatakbo na ako pauwi nang makabawi sa pagkabigla. Narinig ko pang tinawag ako ni Kevin pero nagderederecho ako sa pagtakbo. Hindi ko kinaya ang mga nakita ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang patuloy na bumabalong mula dito. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kuwarto ko. Padapa akong umiyak ng umiyak. Trying to convince my self na hindi totoo ang lahat, na nananaginip lang ako.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Si Kevin ang nagtext.
"I am sorry for what you saw. Let me explain Dianne." Iyon ang sabi niya sa text. I choose not to reply at pinatay ang cellphone ko.
Mula nang araw na iyon ay hindi ako tumigil ng kaiiyak. Pati trabaho ko ay apektado na. He was my first love and I can't afford to lose him. Pero may third party ng involve. Why is this happening??...
End of Flashbacks
----
"Gravity lang yang Kevin na yan ah. Sa ganda mong iyan, nakuha pang mambabae." Komento ni Belle nang huminto ako sa pagkukuwento.
"Ganoon talaga. Walang permanenteng bagay sa mundo." - Ako
"Walang permanenteng jowa kasi inaagaw ng malalandi." Natawa ako sa reaksyon niya. Parang nangyayari lang sa harapan niya ang mga kwento ko kung makapagreact ang bestfriend ko.
"Know what sis, kasalanan ng Kevin na yan kung bakit loser ka ngayon eh. Kung hindi siya nambabae edi sana hindi mo nakilala si Gerald. Hindi ka mabrobroken hearted ng bonggang bongga." - Belle
"Loser talaga?" - Ako
"Eh anong tawag mo sayo? Winner? Tingnan mo nga yang mata mo. Pwede ng lagyan ng damit, mukha ng maleta!" - Belle
Napaisip ako sa sinabi ni Belle. May point siya. Pwede ko ngang sisihin si Kevin sa nangyayari sa akin ngayon. Napailing ako. Choice kong magsinungaling kay Gerald at choice kong maging miserable. Walang ibang dapat sisihin sa nangyayari sa akin kundi ang sarili ko...
********
To be continued....
Vote and share xoxo!