Continuation of Flashbacks
Dianne's POV
Pagpasok ko sa production ay nakita kong nagkukumpulan si Lea, Ate Jane, Ate Janice at Ate Annie. Napalingon sa kinaroroonan ko si Ate Jane at bumulong kay Ate Annie. Nakita kong palapit na sa akin si Ate Annie. Napaatras ako dahil ayoko ng gulo.
"Kamusta ka naman? Balita ko, naglilive in kayo ni Ser Gerald ah." Sarkastikong sabi nito. Hindi ako sumagot. Lumapit na din sina Lea, Ate Jane at Ate Janice sa akin.
"Ikaw ha? Di ka nagkukuwento. Ano? Live in ba kayo ng jowa mo?" Tanong ni Lea sa akin.
"Saan niyo naman nakuha ang balitang yan?" Mahinahon ko pang tanong.
"Nakita ko kasi kayo na parehong galing sa iisang bahay at parang parehas kayong bagong ligo. Nagkataon kasing malapit sa bahay niyo ang bahay ng kaibigan ko sa subdivision niyo." Natawa ako sa sinabi niya. Ang gagaling talaga nila gumawa ng istorya. Ang dudumi ng isip.
"Mukha lang bagong ligo, live in na agad?" Natatawang sabi ko. Mukha namang napikon si Ate Annie sa inasta ko.
"May gana ka pang matawa. Pwede ba Dianne? Aminin mo na lang kasi na malandi ka talaga." Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Sumosobra na talaga ang isang ito.
"Alam mo, matagal na akong nagtitimpi sa mga ginagawa mo. Alam na alam mong bawal yan. Pasalamat ka at hindi kita nirereport sa HR. Sobra ka na! Unang una, wala kang pakialam kung magkalive in man kami o hindi ni Gerald. Pangalawa, wala kang karapatang magalit dahil hindi naging kayo ni Gerald at sa inaasta mo, kahit siguro magbreak kami ay hinding hindi ka niya papatulan. Masahol pa ang ugali mo sa iskwater. Naturingan kang may pinagaralan!" Pagkasabi ko nun ay hinawi ko silang apat dahil nakaharang sila sa dadaanan ko. Deredereho ako sa puwesto ko. Hinintay ko kung susundan ako ni Annie pero limang minuto na ang nakalipas ay hindi pa din ito sumunod. Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko ang mga nasabi ko kay Annie. Tama lang naman siguro ang ginawa ko. Sobra na siya. Wala siyang karapatang sabihan ako ng kung anu-ano. Nagsimula na akong magtrabaho. Nakita kong palapit sa puwesto ko si Ate Jacka. May kahulugan ang ngiting nasa labi nito.
"Good job, Annie." Nakangiting sabi sa akin ni Ate Jacka.
"Good job po saan?" Takang tanong ko.
"Narinig ko yung sinabi mo kay Annie at sa grupo niya. Tama lang yun sa kanila. Kulang pa nga iyon kung tutuusin. Sana noon mo pa sila nilabanan." Sabi ni Ate Jacka. Narinig at nakita pala niya ang lahat ng nangyari kanina.
"Nakakapuno na din kasi ate. Parang ako yung nagiging sentro ng mga buhay nila." Malungkot kong wika sa kanya.
"Hanga nga ako sayo. Sayo ko nakita yung tunay na meaning ng katapangan. Hindi naman porket magaling ka mangompronta o manira ay matapang ka na. Minsan yun pa yung mga taong duwag." - Ate Jacka
"Pinalaki kasi ako ng mga magulang ko na may respeto sa kapwa. IpinagpapasaDiyos ko na lang ang lahat ng ginagawa ni Ate Annie sa akin. Pero may hangganan din pala yung pagtitiis ko." - Ako
"Wag ka ng magalala. Kapag may ginawa na naman si Annie na foul, ako na mismo magrereport sa kanya sa HR." - Ate Jacka
"Salamat, Ate." Ngumiti ito at tinapik ako sa balikat bago ito pumunta sa station niya. Medyo narelieved ako sa nagawa ko. Lumuwag yung pakiramdam ko. Sana lang hindi na ako gawan pa ng masama ni Ate Annie...
------
Annie's POV
Nagulat ako sa ginawa ni Dianne. Kaya niya din palang magsalita at ipagtanggol ang sarili niya. Akala ko hindi talaga siya naapektuhan sa mga pinaggagawa ko. Kahit napahiya ako ng kaunti sa mga sinabi niya, may part pa din sa puso ko na gustong magcelebrate dahil alam kong apektado si Dianne sa mga ginagawa ko.