Chapter 4

159 6 0
                                    

Gerald's POV

Magtatatlong taon na pala simula nang umalis ako ng Pilipinas. Akala ko hindi na ako masusundan ng pangit kong nakaraan. Pero heto, isa sa mga kaibigan ni Dianne ang nagaadd sa akin sa Facebook. Minsan na nga lang ako magbukas ng account, ito pang sasalubong sa akin. Nakakainis pa, mukha agad ni Dianne ang nakita ko sa cover photo ng kaibigan niya. Hindi ko tuloy maiwasang titigan ang magandang mukha niya. Malaki ang ipinagbago ni Dianne. Mukhang lahat ng gusto kong mangyari sa hitsura niya ay ginawa niya. Pumuti siya ngayon at mahaba ang buhok. Napakaganda niya. Napaisip ako, iaadd ko ba ang Belle Marquez na ito o iiignore ko? Pangit naman kung hindi ko iaaccept, baka sabihin nila affected pa din ako sa ex girlfriend ko. Mabuti na din yung makita ni Dianne na okay ako matapos niya akong hiwalayan at balikan ang Kevin na iyon. Ayokong isipin niya na naging miserable ako after the break up....

---------

Belle's POV

Kanina pa ako dito sa internet shop pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako inaadd ng guwapong ex ng bestfriend. Nakakainis. Naexpired pa kasi ang data plan ko. Kailangan ko tuloy magrenta sa mainit na shop na ito. Nakailang laro na ako ng Candy Crush at Tetris, wala pa din. Konting tiis pa, Belle. Hindi naman niya siguro maiignore ang beauty ni Dianne ngayon. Maya-maya pa ay may notification akong nareceived. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang pangalan ni Gerald Yap na nagappear.

"OoooMmmmmGgggggg!!!" Alam kong Oa yung reaksyon ko. Natalo ko pa ang ingay ng naglalaro ng Dota sa internet shop. Pinagtinginan tuloy ako ng mga teenager na naglalaro sa shop. Inaccept ni Gerald ang request ko. Tinext ko agad si Dianne at naglog out na ako. Deretso ako sa cashier at nagbayad.

Patakbo akong umuwi sa boarding house. Pinagtinginan ako ng ibang mga tenants. Wala kong pakialam, kailangan ko itong maibalita agad sa maganda kong kaibigan.

"Diannnne!!!!" Sigaw ko sa kanya. Nagheheadset na naman kasi ang bruha. Nagulat pa ito at napabalikwas ng bangon.

"Ano na namang nangyari sayo? Lagi ka na lang sumisigaw." Naiiritang tanong ni Dianne sa akin.

"OMG, sis! Di ka maniniwala sa sasabihin ko! Inaccept ako ni Gerald!" Hindi ko pa din maiwasang tumili. That's a good sign for Dianne. Natulala naman ang maganda kong kaibigan sa ibinalita ko. Lagi na lang itong natutulala kapag si Gerald ang pinaguusapan. Tinabihan ko ito sa kama niya at niyugyog.

"Sis, are you okay? Di ka ba natutuwa sa ibinalita ko?" Tanong ko sa kanya kasabay ang pagyugyog sa balikat nito.

"Yeah, I'm okay." Tanging naisagot niya sa akin. Maya-maya pa ay tumutulo na ang luha nito hanggang sa nauwi sa paghagulgol. Nagalala naman ako sa naging reaksyon niya.

"Sis, bakit???" Niyakap ko siya at hinagod ang likod. Pati yata ako maiiyak sa drama ng babaeng ito.

"W-wala sis. Masaya lang ako." Sabi nito sa pagitan ng paghikbi. Inilayo ko siya sa akin at pinunasan ang luha nito.

"You should be. That's a good sign sis. Magkakaroon na kayo ng closure or kung papalarin, baka magkabalikan pa kayo." Pagpapalakas ko ng loob niya. Alam kong anytime ay maaari na namang bumalik si Dianne sa pagiging emo niya.

"Hindi ko hinihinging magkabalikan pa kami. I just want to clear everything." Wika ni Dianne.

"Oh siya, siya! Tama na yang pagiyak mo! Mabuti pa ituloy mo na ang kwento mo para maintindihan ko yang mga sentimyento mo sa buhay."

---------

Continuation of Flashbacks

Dianne's POV

Pagod na pagod ako sa maghapong trabaho. Napakadami ko palang ginawa ngayong araw. Hindi ko akalain na nakaya ko lahat gawin ang mga ipinagawa sa akin. Malapit na ako sa bahay namin nang mapansin kong parang may lalaking nakatayo sa may gate. Nakilala ko agad na si Kevin iyon. Oh Good Lord, wag naman sanang dagdagan ni Kevin ang sakit na nararamdaman ko. Nakayuko ito, nang malapitan ko ay tumunghay ito nang maramdamang may tao sa harap niya.

"Dianne." Sambit nito sa pangalan ko. Tama ba ang nakikita ko? Umiiyak ba ito?

"Anong ginagawa mo dito?" Blangko ang mukhang tanong ko sa kanya.

"Hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko. Gusto lang kitang makausap." Parang nagpapaawa ang hitsura nito. Natawa ako ng mapakla.

"Ano pang paguusapan natin?" Inis kong tanong sa kanya.

"Hindi ko gustong lokohin ka. Alam mong minahal kita. Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo." Lalo akong nangggalaiti sa galit sa sinabi niya. Umigkas ang kamay ko at nasapol ko ang pisngi niya.

"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin sakin yan!" Sigaw ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung pagtinginan na kami dito.

"Dianne, sorry. Im so sorry." Tila hindi natinag ang lalaking ito. Wala talagang pakiramdam.

"Hindi na maibabalik ng sorry mo ang mga sinira mo. Hinding hindi kita mapapatawad, Kevin." Madiin kong sabi kay Kevin. Tinalikuran ko na ito at pumasok na sa gate. Ayokong makita niya ang pagiyak ko. Ayokong sabihin niyang mahal ko pa din siya.Ayokong magmukang kawawa. Mabuti na lang at busy si mama sa pakikipagusap sa telepono, hindi niya napansin ang pagpasok ko. Dere-deretso ako sa kuwarto at doon umiyak ng umiyak. Ni hindi na ako nakapagbihis. Habang umiiyak, naaalala ko lahat ng mga masasaya naming memories ni Kevin. Sa isang iglap, nawala na lahat ang mga alaalang iningatan ko. Nawala ang pagmamahal na ibinuhos ko sa kanya dahil sa kasinungalingan at panloloko. Alam kong wala akong pagkukulang. Naibigay ko lahat sa kanya. Na kay Kevin na ang problema. Isang desisyon ang nabuo sa isip ko. Alam kong hindi ako titigilan ni Kevin. Kailangan ko ng magmove on at magpatuloy sa buhay ng wala siya. Magagawa ko lang iyon kung lalayo ako sa lugar na ito. Alam kong papayag si mama sa desisyon ko. Ito lang ang tanging paraan para mas mabilis akong makapagmove on...

End of Flashbacks

-----

Hindi na nagreact si Belle nang huminto ako sa pagkukuwento. Nakita ko na lang na tumutulo na din ang luha niya. Hindi ko napigilang matawa sa hitsura niya.

"Anong nangyari sis?? Why are you crying?" Natatawang tanong ko.

"Gaga ka! Naiyak ako sa kuwento mo. Sobra pala yung heartbreak na nakuha mo sa ex mo. Nadagdagan pa ng isa pang ex mo." Sumisinghot na sagot ni Belle.

"Ako ang nagbigay ng heartache kay Gerald. I think I deserved this." Malungkot kong wika.

Sa totoo lang, aminado ako na ako ang nakasakit kay Gerald. Pero gusto ko pa ding malaman niya ang totoo kong rason why I broke up with him kahit alam kong huli na ang lahat para dito. Mahal ko pa din siya, hindi ako nageexpect ng happy ending saming dalawa. The truth will aet me free. At kapag nagawa ko yun, pwede na akong magmove on....

Don't You Remember? (Ongoing Revise and Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon