Chapter 20

72 5 0
                                    

Continuation of Flashbacks

Dianne's POV

Kailangan ko na ulit pumasok sa trabaho. Hindi pwedeng magpaapekto ako kay Annie at sa mga tsismis na sinasabi niya tungkol sa akin. Napagusapan na din namin ito ni Gerald. He will report Annie to HR kapag ginawa niya ulit yun. Papasok pa lang ako sa production area nang makasabay ko si Annie sa may pinto. Kung nakakamatay lang ang tingin nito ay bumulagta na ako. Binangga niya pa ako dahilan para mapaatras ako. Nakita namn iyon ni Ate Jacka.

"Annie, ano ka ba? Pwede bang wag mong masyadong personalin si Dianne? Sobra ka na ah." Inis na sita dito ni Ate Jacka. Marahas namang lumingon si Annie sa amin.

"Ako pa ang namemersonal. Inaano ko ba yan?" Mataray ding wika nito.

"Hindi ka na nga pinapatulan nung tao. Alam mo kung sinong mukhang tanga sa inyong dalawa, ikaw. Ikaw ang nagiimbento ng kuwento, ikaw ang nagkakalat ng kung anu-ano. Napakaunprofessional na ng tingin sayo ng mga tao." Mahabang litanya ni Ate Jacka. Namula naman ang mukha ni Annie sa narinig. Totoo namang hindi ko siya pinapatulan. Gaya na din ng sabi ni Gerald sa akin. I will not stoop down on her level.

"Sige! Magkampihan pa kayo." Sabi ni Annie at pabalyang binuksan ang pinto ng air shower. Nagkatinginan na lang kami ni Ate Jacka.

"Pasensya ka na, Ate. Pati ikaw nadadamay." Sabi ko kay Ate Jacka.

"Kinakaya kaya ka kasi niya eh. Tsaka totoo lang naman ang mga sinabi ko." - Ate Jacka

"Ang dami ng naaapektuhan dahil samin ni Ate Annie. Magresign na lang kaya ako?" Nakayukong sabi ko.

"Eh kung dagukan kita dyan? Dahil sa kanya, magreresign ka? Siya ang may problema, Dianne. Hindi ikaw. Hindi naman naging sila ni Ser Gerald para maging bitter siya sayo. Wala kang ginawang masama." - Ate Jacka

Tama din naman si Ate Jacka. Pero kung lagi na lang ganito, kung araw-araw magkakaroon ng komprontasyon dahil sa amin, mas makakabuti siguro kung magreresign na lang ako.

"Wag na wag mong itutuloy yang binabalak mo. Ako ang magagalit sayo, Dianne." Pumasok na kami sa air shower. Nasa loob na kami ng production. As usual, may mga kausap na naman si Annie at alam kong ako na naman ang topic. Hindi ko sila pinansin at nagderederecho ako sa puwesto ko. Gusto kong maiyak na naman sa sobrang sama ng loob. Sobra na talaga siya. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Nagbukas ako ng IM ko at nakita kong online na si Gerald. Nagmessage naman agad ito sa akin..

G. Yap: Ok ka lang dyan?

D. Dionisio: Honestly, hindi. ;(

G. Yap: Why??? Gusto mo puntahan kita dyan???

D. Dionisio: Wag na. Don't worry, nandito naman si Ate Jacka. I just found it so unfair.

G. Yap: Bakit? Nagaalala na ako sayo. Parang gusto kong maguilty.

D. Dionisio: Ano ka ba? Bakit ka maguiguilty? Unfair lang kasi wala naman akong ginagawa kay Annie. Wala naman kayong relasyon. Bakit niya ako ginaganito? Parang gusto ko na lang maglaho.

G. Yap: It's not your problem anymore. Siya na ang may problema, Yan. As long as your conscience is clean, hindi mo kailangang magpaliwanag sa kanila.

D. Dionisio: Ang dali namang sabihin niyan eh pero parang mahirap para sa akin kasi kaibigan ko siya.

G. Yap: Kung kaibigan ka niya, she will never do those things to you.

Napabuntong hininga ako sa takbo ng usapan namin. Oo nga naman, hindi ako tatratuhin ni Annie ng ganito kung talagang kaibigan niya ako.

Don't You Remember? (Ongoing Revise and Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon