Present
Dianne's POV
Naglalakad na ako papunta sa subdivision. Kalalabas ko lang galing trabaho. Simula na ng VL ko for two weeks. Mabuti at pinayagan ako ng supervisor ko iavail.ang mga naipong VL ko. For the past 2 years kasi ay hindi ako umabsent. Nagiisip pa ako kung saan ako pupunta. Pero naisip kong matulog na lang ng matulog sa boarding house at umuwi sa bahay namin bago matapos ang VL ko. Malapit na ako sa boarding house nang makita ko si Belle sa tapat ng tindahan na malapit doon.
"Dianne!" Nakangiting bati nito sa akin.
"Ang aga mo yatang magising!" Karaniwang gising kasi nito ay alas onse ng umaga.
"Maaga akong natulog kagabi eh. Alam mo naman kapag wala ka, hindi na ako napupuyat." Biro nito sa akin.
"Gaga ka talaga! Parang ako lang naman ang pumupuyat sayo. Ang dami dami mong textmate pag gabi." - Ako
Tumawa ito ng malakas sa sinabi ko. Ayon dito, kuntento na siya sa mga textmates. Ayaw na kasi niya ng commitment. Ayaw na din niyang masaktan. Medyo traumatic din kasi ang mga past relationships ni Belle. Nagyaya muna itong tumambay at kumain sa tapsihan na madalas naming kainan. Hindi pa naman ako inaantok kaya sumama na ako sa kanya.
"Sis, paano kung puntahan ka dito ni Gerald?" Kapagkuwa'y tanong nito. Hinihintay namin ang inorder naming tapsilog.
"Imposible yatang mangyari yang iniisip mo, Belle." Natatawang sagot ko sa kanya. Kahit kailan ay di na iyon sumasagi sa isip ko.
"Malay mo! One of these days, makita na lang nating may pumaparadang kotse dyan sakay si Gerald. Anong gagawin mo?" - Belle
Nagisip ako saglit bago ko siya sinagot. Ano nga bang gagawin ko?
"Siguro, susugurin ko siya ng yakap." Sagot ko sa tanong niya.
"Awwww.. siguro sobrang nakakatats yun! Nabasa ko yung ginawa mong continuation sa kwento mo. Unti-unti ko ng nagegets kung bakit ka nakipagbreak." - Belle
"Mahaba pa ang kuwento namin, Belle. Oo, mahal na mahal ako ni Gerald pero hindi pala sapat yun para mawala lahat ng inaalala ko noon." - Ako
"Tuloy mo na nga yung kuwento mo." - Belle.
Bumuntong-hininga ako at saka nagkuwento ulit kay Belle....
--------
Continuation of Flashbacks
Annie's POV
Talagang napupuno na ako kay Dianne. Bakit siya pa kasi ang nagustuhan ni Gerald? Nakakapagtaka lang, ang bilis naging sila. Hindi kaya niloloko lang kami ni Dianne na yung ex niya ang nambabae?
"Shine, di ka ba nagtataka? Masyadong mabilis ang mga pangyayari kay Ser Gerald at kay Dianne. Diba wala pang isang buwan na nagbreak si Dianne at yung ex niya?" Tanong ko kay Shine. 2nd day namin sa trabaho at wala pa kaming masyadong ginagawa kaya nakakapagkuwentuhan kami.
"Mabilis nga. Pero wala na dapat tayong pakialam dun diba?" Nainis ako sa sagot ni Shine. Kampi pa din ito kay Dianne.
"Baka naman siya ang naglandi, hindi yung ex niya?" Sabi ko pa.
"Annie, pwede ba? Masyado ka ng nagiging bitter eh. Kitang kita mo naman kung gaano kamiserable noon si Dianne. Tsaka wag ka ng magalit sa kanya kasi hindi mo naman naging boyfriend si Ser Gerald.'' Sa tono ni Shine, alam kong naiinis na ito.
"Malay ba nating magaling lang umarte yang friend mo na yan." Mapakla kong sabi.
"Tumigil ka na, Annie. Wala ka ng magagawa. Sila na. Kung gusto mo, agawin mo na lang si Gerald kung magagawa mo." Pagkasabi ni Shine noon ay tinalikuran na niya ako. Hindi ako titigil hanggat di ko nasisira si Dianne. Maraming magtataka sa bilis ng relasyon nila ni Gerald. Doon man lang ay makaganti ako sa pagtatraydor niya....