Continuation of Flashbacks
Gerald's POV
Nagawa ko din sa wakas ang matagal ko ng gustong gawin. Naibigay ko din ang number ko sa kanya. Sana naman itext niya ako. That was a simple thing pero doon ko sisimulan. I know what I feel right now. I wanna help her. Gusto kong maging masaya siya. Gusto kong alamin ang lahat tungkol sa kanya. I don't know why, basta ang alam ko, I want to be her friend. Sana lang itext niya ako. Sana hindi siya mailang kapag nagkasabay ulit kami sa pagpasok dito. Medyo nadismaya ako nang si Annie ang nakita kong nakapuwesto sa dating puwesto ni Dianne. Pasulyap sulyap sakin si Annie gaya ng lagi nitong ginagawa kapag nakikita niya ako. Alam kong masama ang maging assuming pero malakas ang pakiramdam ko na may gusto sa akin ang isang to. Baka nakipagpalit pa ng puwesto ito kay Dianne. Ang hirap namang maging guwapo. Hahahaha!
Natigil ang masamang pagiisip ko tungkol sa kanya nang makita kong naguusap si Dianne at Annie sa station nito. Nagtatawanan ang dalawa kasi kitang kita ko ang pagngiti din ng mga mata ni Dianne. Ang cute talaga nito. Parang ang sarap niyang yakapin. Naipilig ko ang ulo sa mga naiisip. Nagiging manyak na yata ako. Lumingon sa akin si Dianne at parang nginitian ako. God! Parang gusto kong matunaw. Alam kong para akong teenager na nangitian ng crush. Eh bakit ba? Single naman ako. Walang sabit.
Napayuko ako nang maalala ko si Geraldine. Siya ang huli kong naging girlfriend. Nagkahiwalay kami dahil sa 3rd party. Hindi ako ang may 3rd party, yung ex girlfriend ko. Noong nakipaghiwalay siya sakin 2 years na ang nakakalipas, ang sabi niya ayaw ay niya ng long distance relationship. Nahihirapan daw siya. She was working in our hometown sa Cagayan de Oro while I'm working here in Manila. 1 year na kaming magkalayo noon. Mabuti na lang at may access ako sa e-mail niya. Nabasa ko doon ang palitan nila ng messages ni Ronald, na kaibigan ko pa man din. Nung hindi ko pa alam ang totoong dahilan ay binalak ko pang magresign at suyuin siya. Pero mabait sakin ang Diyos at hindi Niya hinayaang maloko ako ng babaeng minahal ko noon ng sobra.
Napangiti ako ng mapakla sa naalala. Mabait talaga ang Diyos sa akin dahil kung nagresign ako ay hindi ko makikita at makikilala si Dianne. At ngayon nga ay parang umaayon sakin ang tadhana. Natigilan ako. Bakit ko ba naiisip ang mga ito? Naiinlove na ba ako kay Dianne? Hindi ba't parang ang bilis naman?
Nagulat ako nang nasa tabi ko na si Annie. Tumutunog na pala ang machine na isineset-up ko. Masyado yata akong naengrossed sa pagiisip.
"Ser, okay lang kayo?" Tanong ni Annie sa akin.
"A-ah yeah. May kailangan ka ba??" Tanong ko naman sa kanya.
"Ah wala po. Nakatulala po kasi kayo kanina kaya nilapitan ko na po kayo at pinatay ang machine niyo." Sagot ni Annie.
"Ah okay lang ako. Salamat." Matabang na sabi ko. Hindi ko talaga feel makipagusap sa mga babaeng nagpapacute. Parang nalungkot naman si Annie sa inasta ko. I'm just being honest, hindi ako nagpapaasa ng babae. Mahirap na, baka mapagisipan pa ako ng masama. Napatingin ako sa monitor ng computer nang nagIM si Dianne.
D. Dionisio: Ser, eto nga pala ang number ko. 09054678899. :)
Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Binigay na ni Dianne sa akin ang number niya. Hindi ko na pala siya hihintaying magtext. Pwede ko na siyang itext kahit anong oras. Lalo akong ginanahan sa pagtatrabaho. Mukhang matatapos ko lahat ng ipinapagawa ng boss ko ngayong araw.
--------
Annie's POV
Hanggang sulyap na lang ba ako sa kanya? Bakit ba kasi hindi man lang ako sulyapan ng isang ito? Hindi ba ako maganda sa paningin niya? Tingin ko naman ay hindi siya ganoon kabusy. Tingin ko pa nga ay may kachat siya sa IM. Pinipilit ko na ngang magkaroon man lang kami kahit maliit na informal conversation, hindi yung puro na lang tungkol sa trabaho pero parang ayaw niya akong kausap. Hindi naman ako mabaho. Sino kayang kachat niya? Bigla kong naisip si Dianne. Baka ito ang kachat ni Gerald. Pero imposible naman yun. Bakit naman ichachat ni Gerald si Dianne? Alam ko namang mas may dating ako kaysa sa kanya. Hay, pansinin mo na kasi ako. Kahit konti lang....
-------
Dianne's POV
Ano bang naisip ko at naibigay ko kay Gerald ang number ko? Hindi ko na yun mababawi. Hindi ba ko masyadong malandi sa ginawa ko? Baka isipin niya easy to get ako. Sabagay, nauna naman siyang magbigay ng number niya sa akin. I just did that para quits kaming dalawa. Itetext niya kaya ako o hihintayin niya ang text ko? Bakit ba parang naeexcite ako??
One hour left at tapos na naman ang isang araw na trabaho. Kakapasok ko lang kanina pero day off ko na ulit bukas. Another 3 days of rest. Masisimulan ko na din ang plano kong maghanap ng mauupahan. Naisip kong huwag ng isama si Ate Shine para makapaghanap din ako ng walang iniisip. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Pasaway kaming lahat kasi kahit bawal ay nakakapagpasok kami ng cellphone sa production area. Luminga linga muna ako sa paligid para masigurong walang ibang tao sa paligid. Pasimple kong tiningnan kung sino ang nagtext. Laking dismaya ko nang mabasa ang pangalan ni Kevin. Binasa ko ang text message niya:
"Dianne, please magusap tayo. Hiwalay na kami ni Cath. I hope we can fix everything."
Natawa ako ng mapakla. Fix everything? Ngayong hiwalay na sila ng babae niya tsaka niya ako babalikan. Hindi ako engot noh? Hindi na ako papauto sa kanya. Sa inis ko ay nireplyan ko siya ng "GO TO HELL!". Capslock para intense! Magsawa ka ngayon sa kahahabol sakin. Bagay yan sayo! Naisipan ko tuloy itext si Ser Gerald dahil sa sobrang inis.
"Hi ser. Kumusta!? It's me Dianne. Ingat po kayo. Lapit na uwian natin
:)" Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang maitext ko si Ser Gerald. May kakaiba talaga sa taong iyon. Parang natural na natural sa kanya ang pangitiin ako. Nagvibrate ulit ang cellphone ko. Ang bilis naman ata niyang magreply.
"Ok lang. Eto medyo tiring ang isang araw but bearable pa naman ang pagod.Oo nga. Rest day ko na bukas. :)" Huwoow! Sabay pa pala kami ng rest day. Yayain ko kayang gumala? Hahaha. Magtigil ka Dianne. Kalandian mo.
"Sige ser text kita ulit kapag nasa shuttle na ko. Magaayos pa ako ng mga stations. Ingat po! :)" Hinintay ko pa sandali ang reply niya. Wala ng reply. Baka nabusy na din sa trabaho niya. Nagsimula na akong magayos sa mga stations ko para hindi nakakahiya sa susunod na shift. Sa wakas, uwian na!
Nasa shuttle na ako nang magtext ulit si Ser Gerald.
"Sa shuttle ka na?? Ingat ka paguwi ha? Thank you for texting me." Aww. Kakakilig naman itong taong ito.
"Yes ser. Ingat din po kayo. Salamat din po." Reply ko. Nawala tuloy sa isip ko ang text ni Kevin. Napalitan ng saya ang kaninang inis na nararamdaman ko.
"Nagtataka ka siguro kung bakit ko ibinigay sayo ang number mo. Hindi ko din alam but Im so worried nung nalaman ko na nagbreak kayo ng boyfriend mo. I know it may sound weird." Napangiti ako sa text niya.
"Salamat sa pagaalala ser. Pero okay lang po ako. Balak ko na ding umalis sa lugar namin para makapagmove on agad. Nagtataka din po ako sa concern na ipinapakita niyo sa akin." - Reply ko.
"Huh? San ka naman pupunta?" - Gerald's text.
"Hehe. Maghahanap lang po ako ng boarding house na medyo malayo sa amin tapos malapit sa company." - Reply ko.
"Ah I see. Malapit sa company yung subdivision na tinitirhan ko. Kelan ba rest day mo??" - Gerald's text
"Bukas ser. Hanggang monday." - Reply ko.
"Tamang tama. Masasamahan kitang maghanap bukas. Okay lang ba kung magkita tayo ng mga 10am kahit sa may gate ng subdivision? Madali lang namang hanapin yun." - Gerald's text
Totoo ba ito? Siya ang sasama sakin? OMG!
"Sige ser. Shoot! Thank you po! :) See you tomorrow!" Natutuwang reply ko. Nagreply naman ito ng smiley at puso. May puso pa ha. Hmmm, ang guwapo naman ng makakasama ko bukas. Tiyak na magagalit sakin si Ate Annie kapag nalaman ito.
Pwede pa pala akong sumaya kahit konti. Kahit masakit ang ginawa sa akin ni Kevin. Kahit ipinagpalit niya ako sa iba. May mga tao pa palang kaya akong pasayahin. Mga taong totoong concerned kagaya ni Ser Gerald...
To be continued...
Vote and comment xoxo