Chapter 13

103 4 3
                                    

Continuation of Flashbacks

Annie's POV

Hindi ako mapakali sa narinig kong usapan nina Gerald at Dianne. Kailangan kong makumpirm kung pareho na nga ng inuuwian ang dalawa. Kashuttle ko si Gerald kaya makikita ko kung sasakay si Dianne. Narinig ko kanina na magsasabay ang dalawa. Nauna ako sa shuttle para makita ko kung sabay nga sila. After 5 minutes ay umakyat na ang dalawa sa shuttle. Nagtakip ako ng jacket ko para hindi ako makita ni Dianne pero nagiwan ako ng kaunting siwang para makita ko kung saan sila uupo. Para namang nananadya ang tadhana at dito pa sila naupo sa.likod ko. Kumpirmado! Pareho na nga sila ng inuuwian at sabay pa silang uuwi. Magkatabi pa sa shuttle. Lalo akong nanggalaiti. Naririnig ko pang nagtatawanan ang dalawa. Para talagang close na close na sila. Pinakinggan ko ulit ang usapan nila.

"Kamusta na yung ex mo? Nagtetext pa ba sayo?" Narinig kong tanong ni Gerald.

"Hindi na. Sinopla ko na siya noong nakaraan. Hindi na ako guguluhin non." Sagot naman ni Dianne.

"That's good to hear! Ang kapal na lang niya kung guguluhin ka niya. Kapag ginulo ka pa niya ulit, sabihin mo may boyfriend ka na." Narinig ko ulit na sabi ni Gerald. Close na nga talaga ang dalawang ito.

"Eh sino namang boyfriend ko? Alam naman nun na walang nanliligaw sakin. Tsaka iisipin niya, ang bilis ko siyang napalitan." Sabi ni Dianne.

"Edi ako ang sabihin mong boyfriend mo." Nasamid ako bigla sa narinig kay Gerald. Talagang may chance na magkagustuhan nga ang dalawang ito. Lalong nabuhay ang galit sa dibdib ko. Natahimik na ang dalawa. Umandar na ang shuttle. Sinubukan kong silipin ang dalawa. Napalingon din agad ako sa unahan dahil nakita kong nakahilig si Dianne sa balikat ni Gerald. Nakakagalit talaga. Bakit ba kasi si Dianne pa? Naunang bumaba ang dalawa. Malapit lang pala ang subdivision nila sa company. Madali akong makakapagmanman sa day off ko.I need more proof. Hindi talaga ako matatahimik....

-----

Dianne's POV

Hindi ko alam kung namalikmata lang ako o talagang si Ate Annie ang nakita ko sa van na service namin. Nilingon ko ulit ang van pero hindi ko na nakita ang loob non dahil tinted ang salamin. Naipilig ko ang ulo. Siguro ay naguiguilty lang ako kaya kung anu-ano ng naiimagine ko.

"Anong iniisip mo?" Naglalakad na kami nang magtanong si Gerald.

"Wala. Akala ko kasi si Ate Annie yung nakita ko sa service kanina." Sagot ko.

"Bakit? Anong problema kung makita mo si Annie sa service?" Takang tanong sa akin ni Gerald.

"Malaki kasi ang gusto nun sayo kaya hindi ko maikuwento na magkaibigan na tayo. Ayokong magalit siya sakin." Nagulat ako.nang tumawa siya sa sinabi ko.

"Ano namang ikagagalit niya?? Wala naman kaming relasyon. Wala din akong gusto sa kanya." Natatawang sabi niya.

"Kahit na. Ayoko pa ding magalit siya. Masasaktan yun." Sabi ko.

"So kapag niligawan kita, hindi ka papayag dahil sa kanya?" Nasamid ako sa tinuran ni Gerald. Siya daw? Manliligaw?

"H-hindi ko alam." Nagulat ako sa sarili ko iyon ang nasabi ko.

"Wala tayong commitment sa kanya kaya wag kang maguilty, okay?" Oo nga naman. Hindi ko na kasalanan kung sakaling mainlove sa akin ang engineer na ito.

"Hehe. Kung anu-anong naiisip ko sa sobrang dami ng ginawa ko ngayong araw." Nasa tapat na kami ng boarding house na tinutuluyan ko. Hindi ko namalayang nandito na pala kami dahil sa paguusap namin.

Don't You Remember? (Ongoing Revise and Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon