Continuation of Flashbacks
Tatlong araw ang nakalipas mula nang mahuli ko si Kevin na may hinahalikang ibang babae. Pagkatapos din ng tatlong araw bago ako nagbukas ulit ng cellphone. Marami ng text si Kevin, nagpapaliwanag at humihingi ng pagkakataong makausap ako. Natawa ako ng mapakla. Para saan pa? Eh nahuli ko na siya. Sa mga texts niya ay lalo niya lang napatunayan sa akin na wala talaga siyang kuwentang tao. Naikuwento ko na kay mama na hiwalay na kami ni Kevin pero hindi ko sinabi ang totoong dahilan kung bakit kami naghiwalay. Siguradong magagalit iyon kay Kevin. Ayoko pa sanang pumasok sa trabaho kaso madami kaming gagawin ngayon. Kakaunti na nga lang ang bilang namin sa grupo, aabsent pa ako, baka mapaginitan pa ako ng bisor namin. Pipilitin kong maging normal ang buhay ko kahit mahirap. Kahit sobrang hirap.
Pagpasok ko sa department namin ay sinalubong agad ako ng pinakaclose kong kasamahan sa grupo, si ate Shine. Alam niya din kasi na break na kami ni Kevin dahil naikuwento ko sa kanya noong nakaraan.
"Hi Yan. Kumusta ka na?" -Ate Shine
"Okay lang ate. Dapat laging okay." Pilit ang ngiting sagot ko.
"Good. Baka magkaissue ka na naman sa trabaho, lagot ka na naman sa mabait nating bisor." - Ate Shine
"Okay na ako ate. Don't worry too much." - Ako
Lumapit din ang isa pang kasamahan namin na kaclose ko din at kabiruan. Madalas kasama namin siya ni Ate Shine sa galaan, si Ate Annie.
"Hi Yan. Ano? Hilom na ba yang sugat mo sa puso mo?" Nakangiting bati sa akin ni Ate Annie.
"Ang bilis naman dhay. Tatatlong araw pa lang nakalipas eh." - Ate Shine
"Naku yung mga ganun hindi na dapat pinatatagal. Niloko ka na, ibig sabihin kailangan mo na din maghanap ng kapalit." - Ate Annie
"Kayong tatlo diyan, pumasok na kayo at marami tayong trabaho. Puro lalake ang pinaguusapan niyo dyan." Sabat ng isa ko pang ate sa trabaho, si Ate Jacka. Nagtawanan kaming tatlo at pumasok na sa area namin.
Kahit papano, nagagawa ko pa ding ngumiti. Salamat sa mga makukulit kong ate sa trabaho na nagpapasaya sa akin. Tama sila, hindi ko dapat sayangin ang mga araw na nagdadaan sa pagiyak sa walang kwenta kong ex-boyfriend. Dapat nga siguro ay maghanap ako ng kapalit niya.
---------
My day goes smoothly. Madaming trabaho pero nakakaya naming tapusin lahat kasi masaya kaming nagtatrabaho. Nagtatype ako sa computer ko nang tawagin ako ni Ate Jacka.
"Yan! Iassist mo muna tong si Ser Gerald." Napalingon ako sa kanya. May kasama siyang matangkad at maputing lalake. At dahil mata lang ang kita sa area namin ay nalaman kong tsinito ang kasama ni Ate Jacka.
"Sige te. Saan ba siya pupuwesto?" Tanong ko kay Ate Jacka at tinanguan ang lalakeng kasama nito.
"Dito lang din sa area mo. Ikaw ng bahala ha? May tinatapos pa kasi ako." Pagkasabi ni Ate Jacka noon ay tumalikod na ito at bumalik na sa puwesto niya.
Lumapit sakin ang lalake at nagpakilala. "Hi ma'am, ako si Gerald. Department engineer ako dito. Parang ngayon lang kita nakita ulit." Sabi nito sa kanya. Alam kong nakangiti ito base sa pagkakabukas ng mata nito. Nagtaka naman ako sa "ulit" na sinabi nito. Kasi ako, first time ko siyang makita at makausap.
"Siguro po hindi niyo lang ako masyadong napapansin. Tsaka mahirap po talagang magkakilanlan dito, nakatakip kasi ang mukha." Bibang sagot ko sa engineer na nasa tabi ko. Infairness mabango siya ah. Naisip ko.