Chapter 18

105 6 4
                                    

Present

Dianne's POV

Naalimpungatan ako sa alarm ng cellphone ko. Alas sais na pala ng gabi. Wala pa si Belle sa kuwarto namin. Mukhang hindi pa ito nakakabalik. After 5 minutes, bumangon na ako at pumasok sa banyo habang naliligo. Naisip kong mauuna na lang ako sa snakeroad at itetext ko na lang si Belle. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng pambahay na hindi naman masagwang isuot sa labas. Hindi na ako nagpulbo. Wala namang magkakainteres siguro sa akin doon. Lumabas na ako ng boarding house at naglakad ng marahan papunta sa snakeroad. Nang paliko na ako sa snakeroad ay may pamilyar na bulto ng katawan akong nakita na nakatalikod sa direksyon ko. Bigla ang kabang bumundol sa dibdib ko. Hindi ako maaaring magkamali sa nakikita ko. Napaatras ako. Nagkubli ako sa malaking puno na nasa harap ko. Sakto namang lumingon ang lalaking nakikita ko. Nanlaki ng husto ang mga mata ko sa nakita. Si Gerald nga ang nakikita ko ngayon. Nanikip ang dibdib ko at nangilid ang luha ko sa mga mata ko. Naramdaman ko ang sobrang pagkamiss ko sa lalaking minahal ko ng sobra. Gustong gusto ko siyang takbuhin at yakapin ng mahigpit pero para na akong ipinako sa kinatatayuan ko. Mabuti na lang at madilim, hindi niya ako makikita. Maya-maya ay naglakad ito patungo sa direksyon ko. Lalo kong pinagbuti ang pagkubli sa likod ng puno. Pagdaan niya sa harapan ko ay hindi naman niya ako napansin. Humalo yata sa hangin ang mabangong amoy niya. Iyon pa din ang pabangong ginagamit niya. Pinilit kong ibalik ang katinuan ko. Pinahid ko ang luhang naglandas sa mga pisngi ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Belle. Dalawang ring ay sinagot agad niya ito.

"Hello. Nasan ka na? Nandito ko sa bahay. Nasa snakeroad ka ba?" Tanong agad nito.

"Oo. You won't believe what I saw." Sabi ko sa basag na tinig.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" - Belle

"Nandito sa subdivision si Gerald, sis. Nasa snakeroad siya kanina. Baka papunta na siya diyan ngayon." - Ako

"Whaat?? Nagkita kayo?" - Belle

"Hindi pa, Belle. Please kapag hinanap niya ako, huwag mo muna akong ituturo." - Ako

"Okay sige. Saglit, tawag ako ni Ate Myrna." Tinapos ko na ang tawag at dumiretso ako sa isang bench sa snakeroad. Doon ako naupo at nagisip. Nagulat talaga ako sa nakita, lalo na sa naramdaman ko. Mahal na mahal ko pa pala si Gerald. Sa nakita kong reaksyon sa mukha niya kanina ay parang masaya siya na nakabalik sa snakeroad. Bakit siya bumalik? Ako bang sadya niya?....

---------

Belle's POV

Hindi nga nagbibiro si Dianne. Nandito nga si Gerald. At nandito siya sa harap ko ngayon.

"Wala si Dianne, Gerald. Kanina kasing umalis ako ay natutulog pa siya. May usapan kasi kaming tatambay sa snakeroad. Pagdating ko naman ay wala na siya. Hindi mo ba siya nakita don?" Pagsisinungaling ko ng slight sa nasa harap ko.

"Wala siya don eh. Medyo nagtagal nga ako dun, bakasakaling pumunta siya. Pero hindi niya alam na nandito na ako. Kamusta siya?" Nagulat ako nang kamustahin niya ang kaibigan ko. Sasabihin ko ba ang totoo?

"She's fine. Simula nung maghiwalay kayo ay hindi na siya nagboyfriend." Yun na lang ang naisip kong sabihin.

"Huh? Hindi sila nagkabalikan ni Kevin?" Halata ang gulat sa mukha nito.

"Hindi. May ibang asawa na si Kevin. Nagabay pa nga siya sa kasal nun eh." - Ako

Halatang nagisip si Gerald. Maya-maya ay napabuntong hininga ito.

"Aalis na muna ako, Belle. Babalik ako bukas. Sabihin mo kay Dianne kailangan naming magusap. Nandyan lang ako sa dati kong boarding house." Tumayo na ito at dumiretso sa pinto at lumabas na ng boarding house. Mukhang hindi makakapagtago ng matagal si Dianne. Kailangan nilang magusap ni Gerald. Tinext ko ito at pinauwi na. After 5 minutes ay nasa kuwarto na namin si Dianne. Tahimik ito at as usual, mugto ang mga mata.

Don't You Remember? (Ongoing Revise and Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon