Meet Dianne Dionisio
I was a newbie production operator in a Multinational manufacturing company. I was hired July 2010. Ako ang pinakabata sa grupo namin. Naging madali naman ang pagtatrabaho sa companyng iyon dahil nagkaroon ako ng mababait na ate sa trabaho. Sina Ate Shine, Ate Annie, Ate Jacka, Ate Jane and Ate Janice. Lahat sila ay baby ang turing sa akin. Meron din akong kasingedad sa department namin pero hindi ko siya masyadong kaclose, si Lea. They were very supportive to me that time most specially when I suffered from a serious heartbreak. Hindi ako nakatapos ng college dahil na din sa kagustuhan kong makatulong agad sa aking mga magulang. Nakaone year lang ako sa course na Psychology. Noong pumasok ako sa company ay may boyfriend ako, si Kevin. 3 years na kami noon at dahil pareho kaming naging busy ay doon nagsimula ang conflict sa relationship namin...
------
Meet Gerald Yap
When I first saw Dianne, she was still a probationary employee, running for rwgularization. I was mezmerized then by her simplicity. Dahil bawal ang make-up sa department namin ay lumutang talaga ang ganda niya. By the way, I am Engineer Gerald Yap. Im working with the same company as Dianne for 5 years. Department engineer ako nila Dianne. Alam kong hindi ako kilala ni Dianne pero naging bisita ako ng Friendster acount niya nang makita ko siya. She is in a relationship dahil sa Married ang status niya sa FS. I don't know why I felt disappointed when I saw her account. There is really something special about her but I am still asking my self if I can love again after my break up with Geraldine. Well that was 2 years ago. If destiny would let me and Dianne to ne together, then that will make me happy. Alam kong maling magwish na magbreak sila ng boyfriend niya, pero yun ang gusto kong mangyari. (evil grin *_*)
-----------
Dianne's POV
Magtithree years na pala simula nang huli kaming magkita. Tatlong taon na pala akong mag-isa at hindi masaya. Ako si Dianne Dionisio. Isang simpleng babaeng may mga simpleng pangarap. Pangarap na hindi ko naman na din kailangang matupad dahil wala na ang nagiisang taong pinagaalayan ko ng mga pangarap na nabuo ko. Sabi ng mga kaibigan ko I have to move on and go on with my life. Nagpapatuloy naman ako sa buhay ko. Pero hindi pa ako nakakamove on. Nakakatawa pero kagaya din ako ng mga babaeng single pa din hanggang ngayon pagkatapos ng isang malalang break up. Nagtatrabaho para sa sarili at sa pamilya. Nagigising sa umaga para pumasok sa opisina at uuwi sa gabi pagkatapos ng walong oras na trabaho. Walang lovelife, walang night life, walang mga gimik. In short, boring ang buhay ko. Pero okay lang. Sabi nga nila, we have our own choices in life at ito ang choice ko. Choice kong maging malungkot....
--------
"Diaaaannnnnne!" Grabe, kulang na lang matanggal ang tutuli ko sa tenga sa lakas ng sigaw ng room mate kong si Belle. Nagtatatalon pa ito sa tuwa nang makapasok sa kuwarto namin.
"Anong problema mo? Bakit sumisigaw ka?" Tanong ko. Natanggal ko ang headset na nakapasak sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya.
"You won't believe what I saw, Yan!" Naeexcite nitong sabi sa akin.
"Ano ba yun?" Nabibitin ko namang tanong. Bruha talaga itong babaeng to kahit kailan.
"Nakita ko na yung account ng ex mo!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Belle. Account daw ng ex ko? Ibig sabihin account ni Gerald!
"S-sure ka??" Hindi ako makapaniwala. Ang alam ko binura niya na lahat ng social networking accounts niya since the break up.
"Oo, sis! Kaya lang may bad news." Nag-iba ang excited mood nito into sad mood.
"Anong bad news?" Parang alam ko na ang susunod niyang sasabihin sa akin.
"May girlfriend na siya." Sabi ni Belle at yumuko dahil sa lungkot.
"HAHAHAHAHA!" Yun lang ang reaksyon ko sa ibinalita niya. Pero ang totoo, para na namang kinurot ng bonggang-bongga ang puso kong sugatan pa din hanggang ngayon.
"What's funny? Naku girl, are you okay?" Nilapitan ako ni Belle at hinipo ang noo ko, tinitingnan kung may sakit ako.
"I'm okay. Natawa lang ako sa reaksyon mo. Parang mas nalungkot ka pa kaysa sa akin." -Ako
"Of course! I feel you noh? Ganyang ganyan din ako doon sa ex kong walangya!" - Belle
Napangiti ako sa ginawa niyang pagpout ng lips niya. Kilalang kilala na namin ni Belle ang isa't isa. Alam na niya kung anong mga ayaw at gusto ko. She's like a sister and a bestfriend in one.
Teacher si Belle sa school na malapit sa boarding house namin. Magtatatlong taon na din kami sa boarding house na tinutuluyan namin. Hindi na kami naghanap ng ibang mauupahan dahil mabait naman ang ibang tenants sa bahay lalo na ang land lady. Ako naman ay nagtatrabaho pa din sa isang manufacturing company malapit lang din sa subdivision na tinitirhan namin. Nakatagal pala ako ng tatlong taon sa kumpanyang nagdulot sa akin ng lahat ng hinanakit at sama ng loob.
"Ano ba kasi talagang nangyari sa inyo ni Papa Gerald mo? Akala ko pa naman kayo na talaga hanggang huli." Naputol ang pagiisip ko nang magtanong si Belle. Walang alam si Belle sa totoong dahilan ng paghihiwalay namin ni Gerald.
"Long story, sis! Boring." Tinatamad na sagot ko sa tanong niya. Tumama naman ang unan niya sa mukha ko. "Aray! What's that for?" Gulat na tanong ko.
"Para yan sa kaengotan mong sumagot. Boring yung story mo pero iniiyakan mo pa din gabi-gabi kahit tatlong taon na ang dumaan. Baka gusto mong bato na ang ibato ko sa mukha mo?" - Belle
"Grabe ka naman! Kaibigan ba kita?" - Ako
"Eh ako? Kaibigan mo ba? Ayaw mo ngang ikuwento sakin kung ano talagang nangyari sa inyo." - Belle
Napatingin ako kay Belle. Oo nga. Simula nang maghiwalay kami ni Gerald, wala akong napagsabihan tungkol dito kaya siguro hanggang ngayon nasasaktan pa din ako.
"I want to hear it from you. Ayoko lang magtanong ng magtanong dahil alam kong masasaktan ka lang at iiwas sa mga tanong ko." - Belle
Hindi pa din ako kumibo. Napayuko ako. Ready na ba akong sariwain ang lahat? Makakaya ko na bang magkuwento ulit?
"Kahit magstart ka from the very beginning of your story, I won't mind. I am here to listen." - Belle
Belle's right. I have to spill it out. Ito na siguro yung paraan para makapagsimula sa pagmomove on ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang magkuwento.
"Ready ka na ba sa story ko??" Tanong ko kay Belle.
"Super ready!" Excited na sagot ni Belle.
And my love story goes like this....
To be continued....
please vote and comment.. xoxo!