Chapter 23

90 4 4
                                    

Continuation of Flashbacks

Dianne's POV

Ilang araw na akong sinisikmura tuwing umaga. Parang maduduwal ako na hindi ko maintindihan. Natigilan ako sa ginagawa ko nang maalalang isang buwan na pala akong delayed na hindi naman nangyayari sa akin. Nanghina akong bigla. Napahawak ako sa ulo ko at napaupo. Tama ba ang iniisip ko? Nang makabawi ako sa pagkabigla ay nagbihis ako agad para bumili ng pregnancy test kit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot. Kung magpopositive man ang result ng PT ko mamaya, this is a blessing from God. Naisip ko bigla si Gerald? Matutuwa kaya siya kapag totoong buntis nga ako? Naipilig ko ang ulo. Kailangan ko munang magPT bago ako magisip ng kung anu-ano.

Nakabili na ako ng PT  kit sa malapit na botika sa boarding house. Dumiretso ako sa kuwarto at nagtungo agad sa CR. Sinunod ko ang instruction na nakalagay sa box ng PT kit. After 5 minutes kong naghintay ng resulta ay gulat na gulat ako sa nakita. Sabi sa instuction, kapag isa lang ang guhit ay negative ang result. Kapag dalawang guhit naman ay positive. Kumurap kurap pa ako dahil hindi ako makapaniwala. Pero iyon talaga ang nakikita. Dalawang guhit ang nakikita ko! Buntis ako!...

------

Present

Habang tumatagal ang pagsasama namin ni Gerald dito sa snakeroad ay lalong dumudugo ang puso. But this is what I need. I need to move on.

"Ano ba talagang naging problema natin noon, Dianne?" Tanong sa akin ni Gerald. Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya.

"I was two months pregnant when we parted our ways." Panimula ko. Gerald's reaction is like a bomb exploded right in front of him.

"You were what?" Parang nabibinging sabi ni Gerald.

"You heard me right." - Ako

"Why didn't you tell me? Why did you hide it?" Nahimigan ko ang galit sa.tinig ni Gerald.

"Because of my fears. Because of my doubts." - Ako

"So, wala kang tiwala sa akin? Ganun ba?" - Gerald

"Siguro nga. Pero hindi mo ako masisisi. I have a reason not to trust you that time." - Ako

"What?" - Gerald

"Remember that day that I asked you what IF I get pregnant. Nagulat ka nun and asked me immediately kung buntis ba ako at bakit ako nagtatanong ng ganun. Nalungkot ako sa naging reaksyon mo. I thought you were going to tell me that it's okay because you love me." - Ako

Nakita kong napayuko si Gerald. Naihilamos nito ang kamay sa mukha niya. Alam kong masasaktan siya sa mga susunod na maririnig but this is the right thing to do...

------

Gerald's POV

I was so shocked with the truth. Hindi ako makapaniwala sa narinig. All this time, totoo pala ang hinala ko noon na nabuntis ko si Dianne. Pero bakit hindi niya sinabi?? Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Pero nasaan na ang baby kung talagang nabuntis siya?

"Nasaan na ang bata?" Tanong ko sa nakayukong si Dianne.

"Namatay siya noong 2months siya sa tiyan ko."

Parang bombang sumabog sa pandinig ko.ang sinabi ni Dianne. Hindi ko napigilang balikan ang nakaraan...

-------

Continuation of Flashbacks

Gerald's POV

Rest day namin ni Dianne and I'm expecting her to come here in our apartment. Wala sina Celso at Alvin at gusto kong masolo si Dianne. Namimiss ko na siya. Gusto ko siyang makatabi sa pagtulog. Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang gate namin. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Dumating na din ang hinihintay ko. As usual ay napakaganda pa din niya. Simpleng simple sa suot na jogging pants na yellow at white na t-shirt. Wala itong make-up. Napansin kong parang namumutla ito.

Don't You Remember? (Ongoing Revise and Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon