Chapter 15

109 5 4
                                    

Continuation of Flashbacks

Dianne's POV

Madilim na ang kuwarto pagmulat ko ng mata. Pawis na pawis din ako at pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako. Babangon ako sana pero parang may nakadagan sa akin na mabigat. Paglingon ko sa kanan ko ay nakita ko si Gerald na natutulog. Nakayakap siya sa akin. Tsaka ko lang naalala na wala pala ako sa boarding house. Luminga linga ako sa paligid. Nasa kuwarto niya siguro ako. Alam kong madilim na sa labas dahil may bintana sa kuwarto niya. Nilingon ko ulit siya. Tulog na tulog pa din siya. Kahit medyo madilim ay kita ko pa din ang guwapo niyang mukha. Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Alas 9 na pala ng gabi. Kaya pala tulog na siya. Nakaramdam ako ng gutom. Mukhang kailangan ko na siyang gisingin.

"Gerald.." Tawag ko sa pangalan niya. Hindi ito gumalaw. Hindi pa nagigising. Tumagilid ako paharap sa kanya at bahagya siyang niyugyog.

"Gerald, gising." Panggigising ko dito. Nagmulat ito ng mata. Nang makita niyang gising na ako ay napabalikwas siya ng bangon. Binuksan niya ang ilaw sa kuwarto.

"Kanina ka pa gising? Sorry nakatulog ako. Sorry kung nakayakap ako. Nagdedeliryo ka kasi kanina ang taas ng lagnat mo." Dire diretsong sabi nito.

"Okay lang. Pasensya na naabala pa yata kita. Uuwi na ako." Akmang bababa ako sa kama niya pero pinigilan niya ako.

"Dito ka na matulog. Bumili ako kanina ng toothbrush mo at pambahay. Ang taas ng lagnat mo kanina. Kung gusto mong maghalf bath, hinanda ko na yung tubig dyan sa banyo. Ipaghahanda kita ng pagkain." Nakita kong may banyo sa loob ng kuwarto niya.

"Kaya ko na naman eh. Pwede na akong umuwi." Pagpupumilit ko.

"Please makinig ka sa akin. Hindi ka pwedeng umuwi. Pano kung lagnatin ka ulit? Wala ako sa tabi mo. Walang magbabantay sayo." Seryosong sabi ni Gerald sa akin. Natouched naman ako sa sobrang concern niya sa akin.

"Salamat." Tanging nasabi ko. Inabot niya sa akin ang toothbrush at damit. Nagtaka ako.na may panty at bra pa. At tama lahat ang size. Napatingin ako sa kanya.

"Paano mo nalaman ang size ko?" Tanong ko.

"Ah eh, tiyamba lang. Sige maligo ka na ipaghahanda na kita ng pagkain." Pagkasabi nun ay dali dali na itong lumabas. Halatang ayaw pagusapan yung tungkol sa tinanong ko. Natawa na lang ako at pumasok sa CR.

May tubig na ngang nakahanda sa CR. Maligamgam na ang tubig. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nilagnat. Hinalikan niya ako nang bigla akong makaramdam ng hilo. Hanggang dun na lang ang naaalala ko. Naku baka may nasabi akong hindi dapat sa kanya. Nakakahiya.

Naligo na ako. Siniguro kong mabango ako bago lumabas ng banyo. Sa loob na din ako nagbihis. Favorite color ko pa ang binili niya. Terno na tshirt at shorts na dilaw. Sakto din ang size. May suklay na sa banyo kaya dito na din ako.nagsuklay. Paglabas ko ay wala pa siya. Baka naghahanda pa ng pagkain. Ayoko namang bumaba dahil hindi lang naman siya ang nakatira dito. May mga kasama siya. Nakakahiya kapag nakita nila ako. Ilang sandali pa ay pumasok  na sa kuwarto si Gerald. May dala itong tray ng pagkain. Ibinaba niya ito sa side table.

"Feeling fresh?" Nakangiting tanong niya sa akin. Tumango ako. Natakam ako sa pagkaing dala niya. Pork menudo ang ulam, may mainit na sabaw, may prutas at may juice pa. Lalo akong ginutom. Pero nagtaka ako na pangisahang tao lang ang nakahanda.

"Hindi ka kakain??" Takang tanong ko sa kanya.

"Tapos na ako kanina. Para sayo talaga yan." Nakangiting sagot nito.

"Angdami naman yan kung akin lang yan. Share tayo." Sabi ko.

"Kailangan mong ubusin yan. Alam mo ba kanina, you're so fragile. Hinang hina ka talaga kaya you need to eat all of this." Gustong matunaw ng puso ko sa pagaalalang nakikita ko sa kanya para sa akin. Hindi ko ito nakita kay Kevin. Hindi ko ito naramdaman sa kanya.

Don't You Remember? (Ongoing Revise and Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon