Continuation of Flashbacks
Dianne's POV
I had the most wonderful restday. Ewan ko ba. Hindi ko naramdaman kay Kevin ang sumaya ng ganito. To think na naging bestfriend ko siya bago ko siya maging boyfriend. Nasa office na ako. Papasok na ako sa department namin nang makasalubong ko si Ate Jacka.
"Kamusta rest day, Yan? Balita ko.may kadate ka." Bati sa akin ni Ate Jacka na may kakaibang ngiti sa labi.
"Po?" Takang tanong ko.
"Oo, Yan. May picture pa nga kayo eh." Kinindatan ako ni Ate Jacka at tsaka ito tumalikod. Anong picture iyon? Paano nila malamang may kadate ako??
"Hi Dianne." Bati sakin ni Lea na hindi ko naman talaga ganun kaclose. Kasama ko din siya sa iisang department at kaclose ito ni Ate Annie.
"H-hi." Simplene tugon ko sa pagbati niya.
"Guwapo nung kadate mo nung restday ah. Jowa mo na ba yun?" Tanong nito na ikinagulat ko. Ano bang nangyayari sa mga taong ito??
"Oo nga daw. Ang sweet niyo pa nga eh. Nakakakilig yung pictures niyo." Dagdag pa ni Ate Shine. Hinila ko si Ate Shine at pabulong na kinausap.
"Ano bang pinagsasabi niyo? Anong pictures yun?" Tanong ko kay Ate Shine.
"Nasa email na yun. Nagulat din kami." Dali-dali akong nagbihis at pumasok sa loob. Binuksan ko agad ang computer at naglog in sa mail ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ay pictures agad namin ni Gerald ang tumambad. Apat na shots yata iyon na magkahawak kami ng kamay. Sa snakeroad kuha iyon. Nakaaddress pa iyon sa lahat ng kadepartamento ko pati na sa engineering department. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko dahil aa kahihiyan. Tiningnan ko sa IM kung nakaopen na si Gerald. Online na ito. Hindi pa ako nakakapagmessage ay may nareceived na akong IM galing sa kanya.
G. Yap: Relax, Yan. I saw it already. Dont panicked. Im on my way dyan sa dept niyo.
D. Dionisio: Do you have any idea who sent this pictures?
G. Yap: Galing kay Annie lahat, Yan.
Tiningnan ko ulit ang sender at galing nga kay Ate Annie lahat. Sinundan niya pala kami.
G. Yap: Wala tayong dapat ikatakot. Atleast we dont need to explain kapag nakita nila tayong magkasama. We can report this to HR. Bawal din itong ginawa ni Annie.
D. Dionisio: Wag na nating iparating sa HR. Ako ng bahala kay Ate Annie.
Iiwan ko na sana ang puwesto nang paglingon ko ay nasa likod ko na si Ate Annie.
"So, kayo na nga ba??" Sarkastikong tanong nito.
"Ate Annie, let me explain." Mahinahong sabi ko sa kanya.
"Anong ieexplain mo? Na matagal.na kayong magkaibigan ni Gerald at hindi mo man lang sinabi sa akin? Yun ba?" Nagsimula na itong magtaas ng boses.
"Ate, huwag tayo dito magusap. Baka mapagalitan tayo." Mahinahon pa ding sabi ko sa kausap.
"Isang tanong, isang sagot Dianne. Kayo na ba ni Ser Gerald??'' Tanong ni ate Annie.
Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sagutin. Bahala na!
"Oo ate, kami na. Kahapon lang." Matatah na sagot ko sa tinatanong niya.
"Ang kapal mo!" Nanggagalaiting tinalikuran ako ni Ate Annie. Nabangga nito ang halatang nagmamadaling si Gerald pero dere deretso ito sa pagalis. Agad naman akong nilapitan ni Gerald. Mabuti na lang at hindi pa namin working hours.
![](https://img.wattpad.com/cover/14920036-288-k976634.jpg)