Dianne's POV
Habang sakay ako ng taxi, hindi ko napigilang lingunin si Gerald. Nakita ko siyang nakatanaw pa din kaya napatingin ulit ako sa unahan ko. Why do I have this feeling na may gusto siya sa akin? Assuming na naman ba ako o gumagana lang ang womanly instincts ko? Hindi naman siguro siya magsasayang ng oras para sa isang kagaya ko lang na samahan sa pagiikot at paghahanap ng bahay sa katirikan ng araw and take note, siya pa ang nagoffer. Hayy, nakakatorete na magisip tungkol sa kanya. Pinilit kong ibalik ang atensyon ko sa daan. Baka lumampas pa ako.
Malapit na ako sa amin nang makareceived ako ng text galing kay Tatay.
"Nak, nasan ka na? Nandito si Kevin. Gusto ka daw niyang makausap."
Nabuwisit ako bigla sa text ni Tatay. Nawalang bigla ang lahat ng saya na kanina ko pa nararamdaman. Ang lakas talaga mangbadtrip ni Kevin. Nakahinto na ang taxi sa may tapat ng bahay namin. Pagkabayad ko ay halos ibalibag ko ang pinto ng taxi. Napatingin tuloy sa akin si Mamang Driver. Marahas ko ding itinulak ang gate at padabog na pumasok sa bahay. Nasa sala si Kevin at nakaupo sa sofa. Paawa effect na naman ang itsura ng mokong. Nakakapikon talaga. Tumayo ito pagkakita sa akin.
"H-hi Dianne." Alanganing bati sa akin ni Kevin.
"Ano na namang ginagawa mo dito? Para ka namang intsik. Tanghali kung manligaw." Mataray na wika ko sa kanya. Ang totoo, hapon na noon. Alas tres na ng hapon.
"Gusto lang talaga kitang makausap, Dianne." Parang nagmamakaawang sabi ni Kevin.
"Kung ang iniisip mo ay makikipagbalikan ako sayo dahil hiwalay na kayo ng babae mo, let me make this clear to you, hindi na tayo magkakabalikan. Ever!" Hininaan ko ang boses ko dahil baka marinig kami ni Tatay.
"Patawarin mo na sana ako, Dianne." Akmang lalapit siya sa akin pero umatras ako kaya napigil siya sa kanyang balak.
"Umalis ka na Kevin habang may natitira pa akong respeto sayo." Hindi ko na siya tiningnan. Nakakapikon talaga ang itsura niya. Hirap na hirap na talaga akong pagtiwalaan siya. Lulugo lugong lumabas ng bahay namin si Kevin. Ni hindi ko na siya hinatid ng tanaw at sinara ko na ang pinto. Pagkasara ko ng pinto ay lumabas si Tatay galing sa kusina. Nanguusisa ang mga titig nito sa akin.
"Nak, niloko ka ba ni Kevin?" Tanong ni Tatay.
"Po??" Kunwari'y nagulat kong sabi.
"Pasensya ka na kung narinig ko ang usapan niyo ni Kevin. Hindi kasi kita matanong, kahit ang nanay mo, kung ano ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay ninyo. Hindi ka naman magdedesisyong lumipat ng bahay kung hindi malalim ang dahilan." Mahabang wika ni Tatay. Wala na akong magagawa. Buking na ako.
"Tama po ang narinig niyo, Tay. Niloko nga po ako ni Kevin." Nakayukong pagamin ko kay Tatay.
"Mabuti at nakilala mo ng maaga ang lalaking iyon. Tama lang ang desisyon mong wag ng makipagbalikan sa kanya." Nagulat ako sa kahinahunang ipinakita ni Tatay. Dapat ay galit na ito.
"Di po kayo galit, Tay?" Takang takang tanong ko.
"Nakita ko naman na naihandle mo ng maayos ang sitwasyon mo ngayon. Kung nakikita siguro kitang umiiyak ay baka nagalit na ako ng husto sa dati mong nobyo." Nakangiting sagot ni Tatay.
Napangiti ako at lumapit kay Tatay. Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam kong tuloy tuloy na ang pagmomove on ko. Salamat sa suporta at pagmamahal.ng mga taong malalapit sa akin..
Kinagabihan ay tinulungan ako ni Nanay at ni Donna na magimpake ng mga gamit na dadalhin ko bukas. Kahit hindi sila nagsasalita ay bakas naman ang lungkot sa mga mukha nila. Gusto kong matawa dahil para akong magaabroad kung makapagemote sila. Pero pagbibigyan ko sila, moment nila ito!