Chapter 5

164 6 0
                                    

Continuation of Flashbacks

Kinaumagahan, napagpasyahan kong hindi muna pumasok. Dinahilan ko na lang na masama ang pakiramdam ko. Sa nangyari kagabi ay hindi ko yata kayang pumasok at magtrabaho. Gusto ko ding magisip ng mabuti at gusto kong kausapin si mama tungkol sa balak ko. Sigurado akong papayag iyon kapag sinabi ko ang totoong dahilan.

Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko si mama na nagtitimpla ng kape sa kusina. Ngumiti siya pagkakita sa akin.

"Ayos na bang pakiramdam mo, nak??" Tanong sakin ni mama.

"Medyo po ma. Nasan si papa tsaka si Donna?" Ang tinutukoy ko ay ang kaisa isa kong kapatid.

"Bumili sila ng mga paninda sa palengke. Nakita ko kayo ni Kevin na naguusap sa labas kagabi. Nagaway ba kayo?" Bago ako sumagot ay naupo muna ako.

"O-opo ma." Matipid kong sagot.

"Bakit? Eh diba break na kayo? Tapatin mo nga ako Dianne, ano ba talagang dahilan ng paghihiwalay niyo?" Nagsimulang mangilid ang luha ko sa tanong ni mama.

"Huwag niyo na po sanang sasabihin kay papa at Donna. Siguradong magagalit ang mga iyon kay Kevin. N-nahuli ko po kasi siyang may kasamang babae nung nakaraan. N-naghahalikan po sila." Mangiyak ngiyak na wika ko. Nakita ko namang napatiim bagang si mama. Alam kong nagalit siya sa narinig.

"Anong plano mo ngayon, Yan?" Mahinahong tanong sakin ni mama.

"Gusto ko po sanang lumayo." Sagot ko.

"Lumayo? Panong trabaho mo?" Medyo gulat na tanong ni mama.

"Magtatrabaho pa din po ako pero gusto ko po sanang magboard." - Ako

Matamang nagisip si mama. Sa hitsura niya ay parang hindi niya ako papayagan. Maya-maya ay nagsalita na ito.

"Sa akin okay lang, anak. Pero sabihin mo pa din ang plano mo sa papa mo. Kung iyan bang makakapagpabilis ng pagmomove on mo." Sabi ni mama.

"Salamat ma. Sana payagan ako ni papa." Natutuwang sabi ko.

"Papayagan ka nun, anak. Madali namang kausap ang papa mo." Nakangiting pahayag ni mama.

"Mabuti naman at sinabi mo ang totoong rason kung bakit kayo nagbreak. Loko pala yang Kevin na yan. Mabuti at habang hindi pa kayo kasal ay nakilala mo na ang tunay niyang ugali." Sabi pa ni mama.

Napabuntong hininga ako at napasinghot. Naipangako ko sa sarili ko kagabi na huling pag-iyak ko na yun para kay Kevin.

Naramdaman kong niyakap ako sa likod ni mama. Nagulat ako pero saglit lang. Napangiti ako. Iba talaga kapag nanay na ang nagcomfort, walang katulad at hindi mapapantayan.

"Nandito lang ako, anak. Sabihin mo lang lahat ng problema at gagawan natin ng paraan." Malambing na sabi sa akin ni mama.

"Alam ko ma. Sorry po kung hindi ko agad sinabi sayo."  Naiiyak na sabi ko.

"Anong drama yan? Pwede bang makisali?" Narinig kong sabi ni Donna. Natawa naman kami ni mama at naghiwalay mula sa pagyayakapan.

"Bakit naiyak si Dianne?" Tanong ni papa.

"Wala yan. Broken hearted lang." Sagot ni mama.

"Bakit? Niloko ka ba ng Kevin na yun?" Seryoso na si papa this time. Nagkatinginan kami ni mama. Kinindatan naman niya ako at parang sinasabing siya na ang bahala.

"Hindi. Naghiwalay sila para magkaroon ng pagkakataong makapagisip. Siyempre masakit iyon para kay Dianne." Alibi ni mama.

"Sus! Echos lang yan ni ate!" Pangaasar naman ni Donna sa akin.

"Hindi noh? Totoo yun." Ingos ko kay Donna.

"Nagpapaalam nga itong anak mo kung pwede siya magboard. Para naman mabilis siyang makalimot at makapagisip." Segway naman ni mama kay papa.

"Kung ano namang mabuti para sa anak natin, doon na din ako." Sabi naman ni papa habang nagtitimpla ng kape niya.

"Payag ka na pa?" Natutuwang tanong ko. Gusto kong makasigurado.

"Oo naman anak. Basta isasama mo kami paglipat mo para malaman namin kung safe ka doon at dapat malapit lang din sa pinapasukan mo." Sagot ni papa.

"Opo pa. Magpapasama po ako  kay ate Shine sa paghanap ng bahay sa rest day namin." Tumayo ako at niyakap si papa. "Thanks pa!" Nainggit yata si Donna at mama. Nakiyakap na din sila sa amin ni papa.

Madami pa pala akong dapat ipagpasalamat. May pamilya akong nagmamahal at sumusuporta. Mas mapapabilis ang paglimot ko kay Kevin. At ang pagpayag ng mga magulang ko sa pagalis ko sa lugar namin ang magiging simula.

Pumasok na ako sa kuwarto pagkatapos ng kwentuhan namin nila papa. Kailangan ko din magpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si ate Shine.

"Hi ate. Musta kayo dyan?" Text ko.

"Okay lang dhay. Galing mo tyumempo. Wala ding maxadong gawa ngayon." Reply ni Ate Shine.

"Masama kasi pakiramdam ko. Papasok na ako bukas." - Ako

"Wag ka na kc maxado magisip. For sure iniyakan mo na naman kagabi yung walang kuwenta mong ex." - Ate Shine

"Hehe. Medyo. Hindi naman ganun kadaling magmove on noh?" - Ako

"Alam ko. Basta pumasok ka bukas ha?" - Ate Shine

"Okay. May sasabihin din kasi ako sayo bukas." Text ko. Hindi na siya nagreply. Baka nabusy na. Bukas ko na lang sasabihin sa kanya na magpapasama ako sa kanya. I need to rest para marefresh ang isip ko....

End of Flashbacks

-----

Nakatulog na pala ang kinukuwentuhan ko. Naghihilik pa. Parang tanga pala akong nagsasalita. Masyado akong naengrossed sa kuwento ko. Kinuha ko sa side table ko ang cellphone ko. Naisipan kong magbukas ng FB at nagulat ako sa nakita. Nagfriend request sa akin si Gerald Yap! Natigilan ako. Napaisip. Iaaccept ko ba siya o hindi? Isa itong himala. Akala ko di na niya ako mapapatawad pero heto at inadd niya ako sa FB. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Inaccept ko siya. Ganon na lang ang pagkadismaya ko nang makita ang relationship status niya. Gerald Yap is ENGAGED!

To be continued...

Vote and comment Xoxo

Don't You Remember? (Ongoing Revise and Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon