Continuation of Flashbacks
Dianne's POV
Malamig ang hanging humahampas sa mukha ko. Nakaharap kami ni Gerald sa dagat habang nakaupo sa isa sa mga benches na nakalaan para sa mga namamasyal sa baywalk. Hawak niya ang kamay ko at nilalaro laro ang mga daliri ko. This is quite relaxing. Being with the man you love while he passionately hold your hand, a really priceless moment.
"A penny for your thought?" Wika ni Gerald sabay kabig sa akin kaya napahilig ako sa balikat niya.
"Hmmmm.." Parang ayokong magsalita. I just want to savor every moment with him.
"Okay ka lang ba, Yan?" Tanong niya dahil hindi pa din ako nagsasalita.
"Okay lang ako. Basta nandito ka sa tabi ko, lagi lang akong okay." Sagot ko.
"Pero kanina, you were really upset." Sabi niya habang patuloy sa paglaro sa daliri ko.
"Sino ba namang hindi mauupset? Yung dati kong kaibigan, sinisiraan na ako ngayon." - Ako
"Sabi ko nga sayo, that's not your problem anymore. If she can't deal with our relationship, wala na tayo dun. We don't need to explain to her." - Gerald
"I just can't help it. I've been a good friend." - Ako
"God knows your heart. He is not sleeping. Everything happens for a reason. And this is happening between you and Annie because God wants you to know that she's not worth the friendship you are offering." - Gerald
"You think so?" - Ako
"Gaya nating dalawa. Kung hindi ka niloko ng ex mo ay hindi magiging tayo. Hindi kita makakasama. I want to thank your ex lover because he actually made a way for me to your heart. Hindi na kita kailangang agawin pa sa kanya." Napaalis ako sa pagkakahilig sa balikat niya at hinampas siya sa braso.
"What? May plano kang gawin yun?" Nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya.
"Ahmmm, oo." Pilyong nginitian niya ako.
"Salbahe ka. Mang-aagaw ka pa ng girlfriend ng may girlfriend." Natatawang hampas ko ulit sa braso niya.
"Matagal na kaya kitang gusto. Sinearch ko kaya yung friendster account mo." Napabuhanglit ako ng tawa sa narinig. Sobrang throwback naman ng taong ito at talagang friendster pa ang sinearch.
"Wag kang tumawa kasi nasaktan ako sa nakita kong nakalagay ma relationship status mo doon." Naalala kong Married nga pala ang nakalagay doon.
"Ano ka ba, ang tagal ko ng hindi ginagamit yung account ko na yun. Mula nung mauso ang facebook, hindi na ako nagfriendster. Hindi naman ako makapaniwalang inistalk mo ako." - Ako
"Eh wala eh. Ang lakas ng naging tama ko sayo nung una kitang makita. Nakared kang blouse noon. Short hair ka pa na nakaclip lang sa gilid. Ang ganda ganda mo nun." Di ko maiwasang kiligin sa mga naririnig ko sa kanya. Grabe, matagal na pala niya akong gusto kaya pala ganun na lang ang concern niya sa akin.
"Hindi ko napapansin o nararamdaman na gusto mo na ako noon pa. Sobrang guwapo mo kasi that's why I never assumed na magkakagusto ka sa isang kagaya ko." - Ako
"Ssshh.. Never under estimate yourself. You are special on your own way. You don't have that pretentious attitude. You are true to everyone and mostly to yourself. Wala na akong makikitang kagaya mo." - Gerald
"Kailan ka pa natutong mambola, Mr. Yap?" Natatawang biro ko sa kanya para maitago ang kilig. Hinalikan naman niya ako sa noo. Grabe na talaga sa kasweetan ang taong ito.