Chapter 12

114 5 3
                                    

Present

Dianne's POV

Natapos ko ng isulat ang dapat ikukuwento ko kay Belle. Hanggang ngayon kasi ay tulog pa siya. Papasok pa ako sa trabaho kaya naisip ko na lang isulat yung continuation ng story namin ni Gerald. Malamang kasi bukas ay kukulitin na naman niya ako para ikuwento ang nangyari sa amin ni Gerald noon. Hindi na nga ako nakatulog sa pagsusulat ng ikukuwento ko sa kanya. Maliligo na sana ako nang tumunog ang cellphone. May notification ako sa FB. Nanlaki ang mata ko nang makitang nagmessage si Gerald sakin.

Gerald Yap: Hey! Nawala ka na!

Nagisip muna ako kung rereplyan siya o hindi. Minabuti ko na lang din magreply. Baka isipin niya suplada ako.

Dianne Dionisio: Sorry, may pasok kasi ako. Nakatulog ako.

Nagsinungaling na lang ako. Hindi ko kasi alam ang irereply ko.

Gerald Yap: Doon ka pa din ba nagtatrabaho?

Dianne Dionisio: Oo, MH na ako ngayon.

Gerald Yap: Good for you!

Hindi na ako nagreply. Ayoko na ding humaba ang conversations namin sa FB. Baka umasa ulit ako na magiging okay pa kami. Nagpasya na akong maligo. Habang nasa banyo ay iniisip ko pa din si Gerald. Bakit kahit sa chat ay nararamdaman ko ang bitterness ni Gerald sa akin? Bakit parang may gusto siyang marinig sa akin? Naninikip ang dibdib ko kaya napatay ko ang shower. Naramdaman ko na lang na unti-unting pumatak ang luha ko hanggang sa nauwi ito sa hagulgol. Marami akong pinagsisihan. Napakarami. Marami akong gustong ibalik pero hindi na pwede. Kailan ba matatapos itong paghihirap ng kalooban ko? Hanggang kailan ba ito?.....

-------

Continuation of Flashbacks

Dianne's POV

I really had fun last night. Hindi ko alam kung date bang matatawag yun. Pero sobrang naging masaya ako. Hanggang dito sa trabaho ay hindi ko maalis sa isip ko ang naging paguusap.namin ni Gerald kagabi. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko siya at ang mga sinabi niya. Sa sobrang pagiisip ko ay hindi ko napansin na nasa harap ko na si Ate Annie.

"Hoy, bakit ka tulala dyan?" Tanong sa akin ni Ate Annie.

"Ay, andyan ka pala Ate. Wala. May naisip lang ako." Bigla naman akong naguilty. Hindi ko masabi sa kanya na si Ser Gerald ang dahilan.

"Iniisip mo na naman yang ex mo. Ikaw talaga, hindi ka mapagsabihan." Napapailing pang sabi sa akin ni Ate Annie.

"Hindi, Ate. Hindi siya ang iniisip ko." Hindi ako makatingin sa kanya.

"Asus! Kunwari ka pa.. Uy teka, anong tingin mo kay Ser Gerald?" Nagulat ako sa tanong niya. Bakit siya nagtatanong sa akin ng ganito?

"Anong ibig mong sabihin, Te?" Isinara ko agad ang IM ko dahil baka magmessage si Ser Gerald at mabasa pa ni Ate Annie.

"Anong tingin mo sa kanya? Bagay ba kami?" Muntik akong masamid sa sumunod niyang tanong. Parang kinabahan ako bigla sa tanong niya.

"Ahmm, hindi ko siya kilala personally. Tingin ko babaero." Huwoow, ano ba itong pinagsasabi ko?

"Babaero? Bakit mo nasabi?" Halatang napukaw lalo ang interes ni Ate Annie sa sinabi ko.

"Guwapo kasi siya. Mukhang hindi stick to one at faithful." Gosh! I'm sorry, Gerald.

"Ganon? Eh kung babaero siya bakit hindi niya ako pinapansin?" Tanong ulit nito. Mauubusan na yata ako ng isasagot.

"Hindi ko din alam, Ate. Gusto mo itanong ko?" Biro ko na lang sa kanya.

Don't You Remember? (Ongoing Revise and Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon