Gerald's POV
Tamad na tamad akong bumangon. Pero first day na ulit ng trabaho. Kailangan ko ng maligo. Kagaya nung Sabado, saglit lang kaming nagkita ni Dianne kahapon. Nagpaalam siya agad dahil masama ang pakiramdam niya. Naniwala naman ako dahil she looked really pale yesterday. At hanggang ngayon ay hindi pa siya nagtetext. Bago pa ako mabaliw kakaisip ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Mamaya ko na lang kakausapin si Dianne sa trabaho. Habang naliligo ay bumalik sa isip ko ang tanong ni Dianne. Hindi kaya buntis siya at ayaw niya lang sabihin sa akin? Iyon kaya ang pinoproblema niya? Naipilig ko ang ulo sa mga naiisip at nagtuloy-tuloy na sa pagligo. After taking a bath ay nagbihis na ako at naghanda na sa pagpasok. Tiningnan ko ang cellphone ko. Hindi pa din nagtetext si Dianne.Tama ba ang hinala ko na nagbunga ang ginawa namin? Hay Gerald! Tanga-tanga mo kasi. Nadala ka ng tukso. Hindi pa kilala ni Mama at Papa si Dianne and they will be shocked if I will introduce her to them, pregnant. Itinext ko si Papa, matagal na din bago kami nakapagusap nito.
"Hi pa, musta kayo ni Mama? Pasensya na po ngayon lang ako nakapagtext. Kinda busy these past few weeks."
Pagkatext ko ay lumabas na ako ng boarding house at naglakad papunta kela Dianne. Nang malapit na ako ay natanaw ko na siya na naghihintay sakin.
"Goodmorning, beautiful!" Nakangiting bati ko sa kanya na ikinatawa nito.
"Ang aga mo mambola, Engr. Yap. Goodmorning din!" Sabi nito at umabrisyete sa akin. Mukhang good mood na ito hindi kagaya nung mga nagdaang araw. Naglalakad na kami papunta sa waiting area ng shuttle nang tumunog ang cellphone ko. Galing kay Papa ang message.
"We're fine, son. Matagal ka na naming gustong itext pero naging busy din kami. Dumating kasi ang family ni Jessica." Napakunot noo ako sa nabasa. Jessica? Sinong Jessica? Napansin naman ni Dianne ang pagbabago sa mukha ko.
"May problema ba?" Tanong nito.
"Ah wala. Nagtext lang si Papa." Nagkibit balikat naman si Dianne. Nasa waiting area na kami nang replyan ko si Papa.
"Jessica? Sinong Jessica, pa? Is she a relative?" Alam kong narinig ko na ang pangalan niya before, hindi ko lang matandaan kung kailan at saan. Mabilis na nagreply si Papa.
"Si Jessica. Yung matagal na naming gustong ligawan mo. Their parents think that you're perfect for their daughter and we're arranging a marriage for you. Our families will have a strong bond and besides Chinese din sila Jessica." Nagulat ako sa nabasa. How come they arranged something stupid like that without consulting me first? Goddamn Chinese blood!
"Ui, okay ka lang ba talaga? You look so bothered." Nagaalala na ang tono ni Dianne. Napatingin ako sa kanya. Lalo akong nagalala. Paano nga kung buntis siya? Malaking problema kung sakali.
"W-wag muna tayong pumasok, Yan. Biglang s-sumama pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko. Ayokong pumasok ng may iniisip pero ayokong iwan si Dianne kaya pati siya ay hindi ko na papapasukin. Hinipo naman agad ni Dianne ang noo ko.
"Parang mainit ka nga. Tara na sa apartment mo, you need to rest. Itetext ko na lang si Ma'am." Sabi nito at hinila ako pabalik sa subdivision. Nagpatianod na lang ako. Paano ko sasabihin kay Dianne ang lahat ng ito?...
*****
Dianne's POV
Akala ko kaya kong tiisin si Gerald. Pero heto, nagsabi lang siya na masama ang pakiramdam, bigla na akong nataranta. Hay, I really love this man. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad pabalik sa apartment niya. May katext siya kanina at alam kong iyon ang bumabagabag sa kanya ngayon. Ayoko namang magtanong, hihintayin ko na lang siya magsabi sakin. Nandito na kami sa apartment niya ngayon. Nakahiga siya sa lap ko habang nakaupo ako sa mahabang sofa. Nakapikit siya ng mariin. Halata sa mukha niya na may dinaramdam siya. Nahaplos ko ang noo niya. Lalo tuloy akong nagdoubt na sabihin sa kanya ang totoong kalagayan ko.
"May problema ba ha, Gerald?" Tanong ko sa kanha habang hinahaplos haplos ng noo niya. Nagmulat ito ng mata at pilit akong nginitian.
"Oo, Yan. Pagod lang siguro ako." Muli itong pumikit.
"Sige, magpahinga ka muna. Babantayan kita." Malambing kong sabi sa kanya at hinalikan ang noo niya. Patuloy lang ako sa paghaplos sa noo niya. Maya-maya pa ay payapa na ang paghinga nito. Napatingin ako sa cellphone niyang nakapatong sa dibdib niya. Out of curiosity ay dahan-dahan kong kinuha iyon. Tiningnan ko ang messages niya. Galing lahat sa papa niya ang mga texts. Binasa ko ito isa-isa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kaya pala nagiba ang timpla ni Gerald. Sino si Jessica? At uso pa pala ang mga arranged marriage. Bakit hindi niya sinabi sakin agad? Naninikip ang dibdib na ibinalik ko ang cellphone niya sa puwesto nito. Gusto ko ng umalis pero tulog pa si Gerald sa kandungan ko. Naiiyak na ako pero ayokong magising siya na ganun ang ayos ko. Pinigilan ko ang nararamdaman ko kahit hirap na hirap ako. Kaya pala.. Kaya pala ayokong sabihin sa kanya dahil ayaw ng mga magulang niya sa hindi nila kalahi. Paano na ako ngayon? Paano na kami ng baby ko?....
----
End of Flashbacks
Present
"So you have read the messages that day?" Tanong sa akin ni Gerald matapos kong isalaysay ang mga nalaman ko noon. Marahan akong tumango. Naihilamos ni Gerald ang kamay sa mukha. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. Ayokong magtanong. Ayoko din namang manghula.
"I-I'm so sorry, Dianne. For not being honest with you that time. Natakot ako. Natakot akong mawala ka, natakot din akong magalit ang mga magulang ko sakin." Tiningnan ko siya at malungkot na nginitian.
"Sorry din. Sorry kung nawala ang baby. Maybe that was really God's plan for all of us." Malungkot kong sabi.
"Daddy na pala sana ako." Malungkot na malungkot na wika ni Gerald. Lalo din akong nalungkot. Kung nabuhay sana ang baby namin ay malaki na ito. At siguradong guwapo at maganda ito. Mana sa tatay niya.
"What happened between you and Kevin? You told me when you broke up with me that you still love him. Pero sabi ni Belle ay may asawa na itong iba." Nagulat ako sa sunod niyang sinabi. Akala ko ay hindi na mababanggit si Kevin. Malaki ang naging bahagi ni Kevin nang mawala si Gerald sa buhay ko. At isa un sa mga di ko makakalimutan...
*****
To be continued...
Vote and comment.... Xoxo..