Chapter 7

149 5 7
                                    

Dianne's POV

Habang tinitingnan ko ang mga pictures ni Gerald sa FB, hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Sa picture ay masayang masaya siya lalo na sa mga picture na kasama niya ang girlfriend niya. Nakakatawa dahil nakita ko sa timeline ni Gerald na kabirthday ko ang girlfriend nito ngayon. Maliit din kagaya ko ang babae. Naalala ko ang sinabi niya dati na weakness niya ang babaeng maliliit at magaganda. Hindi ko naiwasang malungkot ulit. Naiinggit ako sa babaeng nakikita ko ngayong kasama niya sa picture. Kami noon ni Gerald ay wala man lang pictures na naipost sa FB. Kung meron man ay hindi naman siya pumayag na ipost ko iyon sa FB sa hindi ko malamang dahilan.

Asar talo pa ako. Habang tinitingnan ko ang mga pictures nila, tumugtog naman sa radyo ni Belle ang kanta ni Adele na "Don't You Remember?". Lalo tuloy naging malungkot ang pakiramdam ko.

When will I see you again?

You left with no goodbye

Not a single word was said

No final kiss to seal any sins

I had no idea of the state we were in.

But I know I have a fickled heart and a bitterness

And a wandering eye, and heaviness in my head.

But don't you remember? Don't you remember?

The reason you loved me before

Baby please remember me once more...

Tumulo ang luha ko pagkarinig sa kanta. Naisip ko, naaalala niya pa kaya ako? Naiisip niya pa kaya ang mga pinagsamahan namin noon? Sumasagi pa din kaya ako sa isip niya. Nasa ganoon akong pagiisip nang magmessage si Gerald!

Gerald Jimenez Yap

Hi Yan! Kamusta?

Maikli lang yung message pero kakaibang saya ang naramdaman ko pagkabasa dito. Hindi ko tuloy malaman kung sasagutin ko o hindi. Bahala na!

Dianne Dionisio

Hi :) okay lang. Ikaw? kumusta?

Typing....

Gerald Yap Jimenez:

Okay lang. Better than before! :)

Nawala ang ngiti ko sa reply niya. Totoo nga, mas masaya siya ngayon kaysa dati, nung kasama niya pa ako. Hindi ko napigilang balikan ang alaala ng nakaraan....

Continuation of Flashbacks

Back to work. Kailangan ko na ulit mabuhay ng normal. Kawawa naman ang pamilya ko kung aabsent ako ng aabsent sa trabaho. Nakita ko sa viewing window ng area namin si Ate Shine at Ate Annie.

"Hi mga ate!" Masayang bati ko sa kanila.

"You're back!" Sabi ni Ate Annie.

"Ano okay ka na ba??" Tanong ni Ate Shine.

"Kailangan maging okay. Sayang lang luha ko sa kanya." Hindi na pilit ang ngiting naipapakita ko. Nagagawa ko na ulit maging masaya kahit papano.

"Good! Mabuti naman at natauhan ka na. Hindi yung pati trabaho mo naaapektuhan ng walang kwenta mong ex. He doesn't even deserved a tear from your eyes." Natutuwang sabi ni Ate Annie.

"True! Bata ka pa, Yan. Makakakita ka pa ng guwapo. Gaya nun oh!" Napatingin ako sa ininguso ni Ate Shine. Naglalakad palapit sa area namin ang isang guwapong nilalang. Matangkad, maputi, tsinito. Perfect creature. Pambuo ng araw. Kaya lang hindi ko siya kilala.

"Sino ba yun?" Inosenteng tanong ko.

"Gagang to! Hindi mo kilala yan?" Mahina pero madiing wika ni Ate Annie.

"Hindi." Sagot ko.

"Yan lang naman yung ultimate crush niya. Si Gerald Yap." - Ate Shine

"Korekted by! Siya nga!" Kinikilig na wika ni Ate Annie.

"Siya ba yun? Hindi ko siya nakilala. Sa loob kasi mata lang ang kita. May justice naman kung bakit siya ultimate crush ni Ate Annie." Natatawang sabi ko. Siya pala yung inassist kong engineer nung nakaraan. Yung engineer na nagpakilig sa akin ng konti. Napangiti ako. Kaya pala siya crush ni Ate Annie dahil sobrang guwapo niya.

"Hands off ka na diyan, Dianne. Ako ang magiging girlfriend ni Ser Gerald, soon." Parang nangangarap na sabi ni Ate Annie. Nagkatinginan kami ni Ate Shine at nagtawanan. Inirapan naman kami ni Ate Annie. Pumasok na kami sa gowning area at nagbihis ng aming uniform. Nakasabay namin ang poging engineer. At gaya nung una kaming magkita ay pasulyap sulyap na naman siya sa akin. Si Ate Annie naman ay halatang nagpapacute sa crush. Nakasabay din namin ang poging engineer sa air shower kaya lalong kinilig si Ate Annie. Dahil medyo maliit ang air shower ay medyo siksikan kami sa loob. Hindi tuloy sinasadyang nagkadikit kami ni Gerald. Ang bango bango talaga ng engineer na ito. Parang laging bagong ligo. After a minute ay nakalabas na kami sa air shower. Kanya kanyang punta sa puwesto. Nagulat ako nang pigilan ako ni Ate Annie.

"Palit tayo ng puwesto, Yan. Dun ka sa mga machine ko, smooth lang doon." Sabi sa akin ni Ate Annie.

"Sige. Chance mo na ito. Andon si pogi sa puwesto ko." Biro ko sa kanya. Kinikilig namang pumunta sa puwesto ko si Ate Annie. Parang nakaramdam naman ako ng konting panghihinayang sa desisyon kong makipagpalit sa kanya. Naipilig ko ang ulo sa mga naiisip.

Nakaharap na ako sa computer. Maganda ang takbo ng production namin. Wala masyadong problema. Inaantok antok na ako dahil hindi masyadong busy. Nagulat pa ako nang magpop up ang message box ng IM ko sa computer ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Ser Gerald ang nagIM sa akin.

G. Yap: Hi. How are you? ;)

Naramdaman ko na naman yung kilig na naramdaman ko nung nakaraang inassist ko siya.

D. Dionisio: Okay lang po. :)

G. Yap: Are you sure?

Nagtaka naman ako sa message niya. Anong ibig niyang sabihin?

D. Dionisio: Po??

G. Yap: Wag mo sanang isiping tsismoso ako. Nabanggit kasi sakin ni Shine na broken hearted ka.

Natawa naman ako sa message niya. Si Ate Shine talaga!

D. Dionisio: Opo. Pero okay na po ako. :)

G. Yap: Hindi nga?

D. Dionisio: Opo ser. Salamat sa concern. :))

G. Yap: Okay! If you need someone to talk to, here's my number 09273248039.

D. Dioniso: Thank you Ser. :)

Nagtaka naman ako. Siya pa talaga ang nagbigay ng number niya. At dahil mabilis akong makamemorize ay nasaulo ko agad ang number niya. Ano namang itetext ko sa kanya? Hmm, this is interesting. Mukhang may tama nga sa akin ang isang ito. Eto na naman ako, nagsstart na naman akong magassume. Baka concern lang talaga. Hindi naman siguro ako ang type na babae ni Gerald. Nagmessage ulit sa akin ang poging engineer.

G. Yap: Wag mong sasabihin sa iba ang number ko ha?

D. Dionisio: Okay Ser! :)

Tuluyan na akong napangiti. Balak ko pa namang ikuwento kay Ate Annie ang nangyari ngayon. Huwag na lang. Baka magalit pa sakin iyon at ang bilin ni Ser Gerald na huwag sabihin sa iba ang number niya. Swerte ba ako ngayon at isang guwapong nilalang ang nagbigay sa akin ng number niya?....

End of Flashbacks

------

Napangiti ako sa naalala. Isa lang iyon sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko. Ang mapansin ng isang kagaya ni Gerald ay dream-come-true para sa lahat ng babaeng nangangarap magkaroon ng guwapong manliligaw. Sayang nga lang at hindi ko naingatan ang pagkakataong ibinigay sa akin ng tadhana....

To be continued....

Vote and comment xoxo

Don't You Remember? (Ongoing Revise and Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon