Continuation of Flashbacks
Gerald's POV
Parang absent yata si Dianne. Bakit kaya?? May sakit kaya siya?? Oh shocks! Why am I so worried? Hindi naman kami close. Nandito ako ngayon sa loob ng area namin. Kulang na kulang ang pakiramdam ko. Pansin na pansin ko naman ang nakakairitang pagpapapansin ng mga kagrupo ni Dianne. Gusto ko sanang magtanong kay Shine kaso nahihiya naman ako. Bahala na. Paglapit mamaya ni Shine sakin ay tsaka ako magtatanong.
Maya-maya pa ay lumapit na si Shine para iabot ang mga pinagagawa ko sa kanya. Hindi na ko nagatubiling magtanong.
"Bakit parang kulang yata kayo ngayon??" Panimulang tanong ko.
"Ah opo. Absent po si Dianne eh. Broken hearted kasi." Sagot ni Shine. Nagkainteres naman ako sa sinabi niyang broken hearted si Dianne.
"Broken hearted? Yun ang nireason out niya?" Sabi ko pa.
"Naku, hindi po. Nilalagnat po siya. Masamang masama po kasi ang loob niya sa ex niya. Pano ba naman, niloko siya at nahuli niyang nakikipaghalikan sa ibang babae. Sobra nga pong naapektuhan si Dianne." Dati inis ako kay Shine dahil sa kadaldalan nito pero ngayon gusto ko na siyang yakapin sa sobrang tuwa.
"Kawawa naman siya. Kaya pala noong nakaraan parang malungkot siya." Komento ko.
"Oo nga po eh. Pinayuhan ko na din po siya na kailangan niya ng magmove on. Sa ganda niyang iyon imposibleng wala ng magkagusto sa kanya. Mukha lang talagang nene kaya napagkakamalang bata." - Shine
"Tama iyon. The world will never stop because of her heartache. Lahat naman nadaan sa ganon." - Ako
Naputol ang pagkukuwentuhan namin nang tawagin ito ng isa nitong kasamahan. Hindi ko maiwasang mapangiti. Mukhang umaayon ang panahon sa akin. Mukhang magkakaroon ako ng chance para maging kaibigan si Dianne...
Annie's POV
Nakita kong kausap ni Shine ang super duper crush kong engineer sa company na si Ser Gerald. Super guwapo naman kasi at super single. Bagay na bagay kami. Matangkad at maganda din naman ako. Konting effort lang mapapansin na ako ng ultimate crush ko ngayon.
I'm Annie Ledesma. Matagal na akong nagtatrabaho sa kompanyang ito. Mas nauna ako kay Dianne. Close kami ni Dianne at alam ko ang mga pinagdadaanan niya ngayon. Gusto kong maawa sa kanya pero katangahan na talaga ang ginagawa niyang pagiyak doon sa ex niya. She's too young to waste her time in that stupid jerk. Marami pa namang iba diyan.
Back to the topic, nakita ko ngang kausap ni Shine si crush. Tinawag ko siya dahil curious na curious ako sa pinaguusapan nila. Agad namang lumapit si Shine sa akin.
"Ui dhay, anong pinaguusapan niyo ni Crush?" Atat na tanong ko dito.
"Ah iyon? Tinatanong niya lang kung bakit kulang tayo. Napagusapan na din namin si Dianne. Nagtataka nga ako eh. Ngayon lang siya nagkainteres sa manpower natin." Tama si Shine. Kinabahan naman ako nang sabihin nitong napagusapan nila si Dianne.
"Anong napagusapan niyo tungkol kay Dianne?" Tanong ko.
"Nasabi ko lang na broken hearted siya at iyon ang dahilan ng pagabsent niya. Parang nagworry pa nga siya eh." Sagot ni Shine. Nakaramdam naman ako ng inis sa sinabi niya. Bakit magwoworry si Gerald kay Dianne? Anong meron?
"Talaga? Akala ko pa naman ako ang pinaguusapan niyo." Sabi ko na lang para hindi mahalata ni Shine ang inis ko.
"Ayy, assuming lang dhay!" Natatawang sabi ni Shine sa akin. Hindi na ako sumagot at tinalikuran na si Shine. Sa tagal ko sa kompanyang ito, ngayon lang nakipagusap si Gerald sa mga operators at nagtanong pa tungkol sa isa sa amin. Pero bakit tungkol kay Dianne? May gusto ba ito kay Dianne? Naipilig ko ang ulo sa mga naiisip. Baka talagang concerned lang siya sa grupo namin dahil kulang kami. Pero kung sakali mang may gusto si Gerald kay Dianne, hindi ako papayag. Baka masira pa ang friendship namin ni Dianne kapag nagkataon...
End of Flashbacks
------
Dianne's POV
Napapalatak si Belle sa kuwento ko. Ano na naman kaya ang magiging komento ng babaeng ito?
"Ayos yung Annie na iyon ah. Kontrabida agad hindi pa man kayo. Nakakain ba yon ng ampalaya sa sobrang bitter?" Naiinis na tanong nito.
"Ito naman. Kuwento na lang iyon. Nananahimik na yung tao ngayon. Past is past, Belle." Natatawang sabi ko kay Belle.
"Kahit na nakakainis pa din siya." Nakaingos pang wika ng kaibigan.
Si Annie at Shine ang pinakaclose ko noon. Nagbago ang lahat nang manligaw sa akin si Gerald at nang maging kami. Parang ang laki ng nagawa kong kasalanan noon. Hanggang ngayon ay galit sila sa akin. Mabuti nga at nalipat ako ng grupo at bihirang bihira na kaming magkita.
Hindi ko pa pala naikuwento kay Belle ang ginawang pagadd sakin ni Gerald sa FB at ang tungkol sa rekationship status nito. Nagdadalawang isip naman akong ikuwento ito doon dahil tiyak mababasag na naman ang ear drums ko sa tili nito.
"Ui ano na? Natulaley ka na diyan." Pukaw ni Belle sa atensyon ko nang matagal akong hindi nagsalita.
"Huh?" Wala sa sariling sabi ko.
"Ano ng kasunod ng kuwento mo? What happened next?" Tanong ni Belle sa akin.
"Excited ka naman masyado. May sasabihin pa ako sayo eh." Natatawang sagot ko.
"Ano iyon?" - Belle
"Inadd ako ni Gerald sa FB." Napapikit ako pagkatapos kong magsalita at hindi nga ako nagkamali ng hinala. Tumili na naman ito ng bonggang bongga.
"OooooooMmmmmGggggg!!! That's a good sign!" Tili nito at niyugyog pa ako. Natawa naman ako sa reaksyon niya. Good sign nga ba yun? Parang hindi, dahil sa nalaman kong status niya. Engaged na siya at for sure malapit nang ikasal iyon. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Iniwan ko siya noon at kahit paano ay nakakatuwang nakamoved on siya.
"Ano? Inaccept mo ba? Nagchat na ba kayo?" Sunod-sunod na tanong nito matapos akong yugyugin.
"Oo siyempre! Choosy pa ba ako? Hindi pa kami nakakapagchat. Nahihiya akong mauna eh." Sagot ko sa tanong niya.
"Ai gaga ka talaga. Simpleng HI lang naman ang sasabihin mo nahiya ka pa. Hindi ka naman magiiloveyou agad." - Belle
Kinuha nito ang cellphone ko at kinalikot iyon.
"Uy! Anong gagawin mo?" Pilit kong inaagaw ang cellphone ko pero iniwas nito ang kamay sa akin. Wala na akong nagawa. Hindi pa naman ako naglologout at kung maglogout man ako, naka'remember' naman ang password ko.
"Done!" Parang nagtagumpay na sabi ni Belle.
"Anong done?" Kinabahan naman ako sa ginawa ni Belle.
"Namessage ko na ang ex mo. Don't worry it's just a simple HI." Walang anumang wika ni Belle.
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Kahit kailan talaga tong bestfriend ko na to. Pero naisip ko tama na din siguro ang ginawa niya. Baka ito na ang maging simula para makapagpaliwanag at makausap ko si Gerald. Tatlong taon na din ang nakalipas at magandang simula na ang pagkikita namin sa FB. I have to say goodbye to the pain of my past, I don't have to feel it anymore. Sana nga, makaya ko ng magmove on ng tuluyan....
To be continued...
vote and comment xoxo
![](https://img.wattpad.com/cover/14920036-288-k976634.jpg)