Gerald's POV
Hindi ko alam kung bakit ako ganito kaexcited. Isang oras na lang at magkikita na kami ulit ni Dianne. Chance na naming makilala pa ng lubos ang isa't isa. Noong huli akong tumambay sa snakeroad, broken hearted pa ko noon kay Geraldine. Doon ko iniiyak lahat ng sama ng loob at hinanakit ko sa kanya. Mamaya naman, 1st time kong tatambay sa snakeroad nang may kasamang babae. At hindi lang ordinaryong babae, isang babaeng alam kong may puwang na sa puso ko. Naputol ang pagiisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Dianne.
"Hi Ser Gerald! Tara na po! Para makarami tayo ng kuwentuhan! Lol! :D"
Napangiti ako sa text niya. Mabuti na lang at bihis na ako. Nagmamadali akong lumabas ng bahay at nagtungo sa inuupahan ni Dianne. Malapit na ako sa kanila at natanaw ko na siya sa may tapat ng gate. Nagmukha na naman siyang bata sa suot niya, nakatokong ito na kulay white at red na Mickey Mouse na shirt. Nakamessy bun lang ang buhok pero napakaganda pa din niyang tingnan. Nakaupo ito sa may gutter at nang makita ako ay nakangiti itong tumayo at nagpagpag ng puwitan.
"Kanina ka pa dyan?" Nakangiting tanong ko.
"Hindi naman. Nainip na kasi ako kaya niyaya na kitang lumabas. Naistorbo ba kita Ser?" Sabi ni Dianne.
"Hindi naman. Naghihintay lang din ako ng text mo. Nakakabored din kasi sa bahay. May kanya kanya kasing gala yung mga boardmate ko." - Ako
"Tara na dun sa tambayan mo. Excited na akong makita yun." - Dianne
Napangiti ako. Muntik ko ng maitanong kung excited din ba siyang makita ako.
Naglakad na kami papuntang snakeroad. Habang naglalakad ay kung anu-ano na ang napagkuwentuhan namin. Kung tutuusin, mga walang kwentang bagay lang ang napagkuwentuhan namin pero nagiging interesting dahil siya ang kasama ko. Maya-maya pa ay papasok na kami sa snakeroad. Isa itong daan na nagkokonekta sa highway at sa subdivision. Marami ding natambay dito lalo na kung gabi. Letter S ang korte ng daan kaya tinawag na Snakeroad. May mga puno at concrete benches din dito kaya preskong presko at masarap tambayan.
"Wow! Kaya pala ito ang favorite na tambayan mo kasi refreshing ang pakiramdam at masarap tumambay." Natutuwang komento ni Dianne.
Naupo kami sa isa sa mga benches doon. Magkatabi kami at nagkakadikit ang mga braso namin. Amoy na amoy ko din ang mabango at natural na amoy ni Dianne. Matagal bago may nagsalita sa amin. Ako na ang nagopen ng topic na mapaguusapan namin.
"Are you okay now?" Tanong ko na ikinagulat niya.
"Oo naman. Okay naman ako ah. Mukha bang hindi?" Pabirong tanong niya.
"No. That's not what I wanted to say. Iyang puso mo okay na ba?" Nawala ang ngiti ni Dianne sa labi sa tanong ko.
"P-parang hindi ko pa yata masasagot yang tanong mo, Ser." Nakayukong sagot niya.
"Drop the Ser. You can call me Gerald tutal wala naman tayo sa trabaho." Suggestion ko para mabawasan ang formality.
"Wala pa namang isang buwan since me and Kevin broke up. I'm on the stage of forgiving him. Wala pa ko sa stage na kaya ko na siyang kalimutan. It's hard to let go. Lalo na yung mga pinagsamahan ng mahabang panahon. Pero hindi ibig sabihin non ay makikipagbalikan ako sa kanya. Sobrang sakit ng ginawa niya." Mahabang sabi ni Dianne. Nakita kong nangingilid na ang luha niya. All this time, Dianne was faking her smile. She's not showing her real emotions. She's trying to be strong.
"I was in the same situation 2 years ago. My ex-fiancee broke up with me because according to her, she didn't want a long distance relationship. That's what she said. At first, I wanted to save the relationship. I decided to resign and leave Manila for good and settle with her in Cagayan de Oro. She refused to be with me. She said it's really over. I was devastated, I felt depressed. I came to the point of committing suicide." Nagulat si Dianne sa huli kong sinabi.
"You were suicidal??" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.
"Yup. When my father noticed what was going on, he told me that everything happens for a reason.That it's not the end of the world for me. I woke up when my father said those words. I tried to move on even if it's hard. One month later, I found out that she lied to me. LDR was not the real reason. She was cheating on me." - Ako
"How did you find out that she's cheating on you?" - Dianne
"Binuksan ko ang email niya. I had an access on her email account. Nabasa ko yung pagpapalitan nila ng messages nung lalaki. And take note, malapit pa sa akin yung lalaki. Doon ako tuluyang nagising. I really have to move on. Wala na kasing pagasa kapag may third party involved. Kahit sobrang mahal na mahal ko siya, naglet go na ako." - Ako
"Ilang buwan bago ka nakamoved on?" - Dianne
"It took me a year para masabi kong I finally moved on. It was painful, yes, but that's how life goes. You need to get hurt before you learn your lessons." - Ako
"I hope I could do that." - Dianne
"Magagawa mo yun. You're lucky, may napagsasabihan ka ng mga nararamdaman mo. Ako noon, kinailangan ko pang maging suicidal bago malaman ng parents ko ang nangyayari." - Ako
"Mahirap nga kapag wala kang napagsasabihan ng mga nararamdaman mo." - Dianne
"It's your turn." - Ako
"Engaged na din kami ni Kevin. Kasal na lang talaga ang kulang saming dalawa. I thought we're really okay. Akala ko we had the perfect relationship. Nagkamali ako. I was so busy saving money for us at hindi ko namalayang nawawalan na kami ng oras sa isa't isa. Hindi ko naman ibinubuhos lahat ng sisi sa kanya. May kasalanan din ako. Pero masakit dahil niloloko niya pala ako." - Dianne
"Alam mo Dianne, natutunan ko sa past relationship ko with Geraldine, hindi pwedeng gawing dahilan ang kakulangan sa oras sa isa't isa para magkalakas ng loob na mambabae at manlalaki." - Ako
"I know. Kaya nga nagalit ako sa kanya. Sana nakipaghiwalay na lang muna siya bago siya naghanap. Maiintindihan ko naman." - Dianne
"Ang tanong ko ngayon, yun ba yung tamang tao na dapat iyakan at pagmukmukan?" - Ako
"Alam mo naman ang sagot doon." - Dianne
"Kahit ikaw diba alam mo. Mula doon, you can start moving on."
Ngumiti na ulit si Dianne kahit may lungkot pa din akong nakikita sa mata niya. Pero alam kong makakaya niyang magmove on gaya ng nagawa ko. And I am willing to help her.
"Thank you for showing me your favorite place and thank you for sharing your story." Nakangiting sabi ni Dianne.
"Okay lang yun. Ayoko kasing nakikita kang malungkot. I'm willing to listen kapag kailangan mo ng kausap." Nakangiting sabi ko sa kanya.
After that emotional talk, nagdecide kami ni Dianne na maglakad lakad. Hindi kagaya kanina, masaya na ulit si Dianne. Alam kong makakaya ni Dianne magmove in a short span of time. Hindi ko alam kong bakit pero gusto kong pursigihin at madaliin ang pagmomove on niya....
------
Dianne's POV
Mula nang magbreak kami ni Kevin, ngayon lang ulit ako naging masaya. Ung totoong masaya, kasama ang isang taong walang ibang alam tungkol sa akin kundi ang pagiging broken hearted. Ang taong pinagtiwalaan ako ng kuwento nila ng ex-fiancee niya. Ang taong hindi naman ako kaano ano pero gumagawa ng paraan para mapasaya ako kahit papano. He's really a good man. Napakaswerte ng babaeng magiging girlfriend niya. Isa siya sa mga lalaking totoo kung magmahal. Napatunayan ko yun sa kuwento niya tungkol sa ex niya. Kung hindi niya mahal ang taong iyon ay hindi niya tatangkaing magpakamatay sa tindi ng sakit na nararamdaman. I admired him for being brave. Brave to face all his heartaches until he finally moved on. Alam kong makakaya kong kalimutan si Kevin, sa tulong ng mga taong malalapit sakin, sa tulong ni Gerald...
To be continued....
vote and comment.. xoxo!
![](https://img.wattpad.com/cover/14920036-288-k976634.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't You Remember? (Ongoing Revise and Edit)
Literatura faktuBased on a true story.