Chapter 25

118 5 3
                                    

Continuation of Flashbacks

Dianne's POV

Kauuwi ko lang galing kay Gerald. Nang magising ito ay nagpaalam ako at nagsabing babalik after 2 hours. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang puso ko sa sakit na nararamdaman nito. Parang sasabog. Pagkapasok ko pa lang sa kuwarto ay nagiiyak na ako. Mabuti na lang at wala pa si Belle. Inilabas ko lahat ng luhang kanina ko pa gustong ilabas. Nagaalala naman ako sa dinadala ko kaya kailangan ko ding payapain ang kalooban ko. Kahit naman nasa alanganing sitwasyon ang relasyon namin ay hindi ko naman pwedeng ilagay sa alanganin ng buhay ng baby ko. Hindi naman niya kasalanan ang nangyayari sa akin ngayon. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Akala ko ay si Gerald ang nagtext pero galing ang message sa unknown number.

"Hi Dianne. Kamusta ka na? Kevin to." Gusto kong mairita sa pangalang nabasa ko sa text pero parang nakaramdam ako ng pagkagusto na replyan siya. All pf a sudden, I just found my self texting him back.

"Okay lang. Ikaw? Saan mo nkuha ang number ko?" Agad itong nagreply sa text ko.

"Sa mama mo. Gusto lang sana kitang imbitahin sa kasal ko. Kung hindi ka busy, isa ka kasi sa mga abay." Natawa ako ng mapakla. Ang galing naman nito. Talagang ginawa pa akong abay. Umandar tuloy ang kamalditahan ko.

"Ganun? Bkit? Buntis n ba ung babae?" Matagal bago nakasagot si Kevin sa text ko. After 10 minutes ay tumunog ulit ang cellphone ko.

"Nakakahiya man pero oo. Ayoko namang lumaki ang tiyan niya nang hindi kami kasal. Pls Dianne. I know this is too much." Nakaramdam ako ng inggit sa babaeng papakasalan ni Kevin. Ramdam ko ang pagmamahal ni Kevin sa kanya. Napahawak ako sa tiyan ko. Ganito din kaya si Gerald kapag nalaman niyang buntis ako?

"Okay, sige. For old time's sake. Kailan ba kasal mo?" Pagpayag ko kay Kevin. Wala namang masama kung aabay ako sa kasal ng ex boyfriend ko.

"3months from now. Itetext na lang namin ung iba pang details." Mukhang mabilisan nga ang preparations nila.

"Okay. Keep me updated. Text mo lang ako." Reply ko kay Kevin.

"Ikaw? Kmusta kana? Siguro andaming naporma sayo ngayon." Text pa nito. Akala ko ay hindi na ito magrereply.

"May boyfriend na ako." Tipid kong reply.

"Talaga? Walang nababanggit mama mu kahit ung kptid mo." - Kevin's text.

"Ndi pa nila alam. Kevin, mapagkakatiwalaan ba kita?" Bakit ba biglang bigla ay gusto konh sabihin ang lahat kay Kevin?

"May problema k b? Gusto mu mgkita tau? Papunta kc aq sa mall, my bibilhin aq para sa mag-ina q." Nabuhayan ako ng loob. Siguro naman ay hindi cheating ang tawag dito dahil makikipagkita ako sa ex ko. At para na din ito sa ikatatahimik ng loob ko.

"Ok. See you. Siguro sa may national bookstore nlang tau magkita. Magbibihis lang aq. Take your time. Mgtitingin din aq ng libro." Pagpayag ko sa paanyaya nito. Tama na din siguro ito. Gusto kong medyo gumaan naman ang loob ko. Nagbihis na ako. Pagkabihis ko ay nagtext ako kay Gerald. Hindi ko na lang sasabihin sa kanya na magkikita kami ni Kevin.

"Gerald, may pupuntahan lang ako saglit. Pupunta lang ako sa mall. Pagkagaling ko dun ay dederetso ako jan. Pahinga k lng. Iloveyou!" Hinintay ko ang reply ni Gerald bago ako umalis. Laking dismaya ko pagkabasa sa reply niya.

"Ingat" Hindi man lang siya nagtanong kung anong gagawin ko dun. Ganun ba talaga siya kaapektado ng arranged marriage na sinabi ng Papa niya? Humugot muna ako ng malalim na hininga bago lumabas ng boarding house. Sakay na ako ng taxi nang magtext si Kevin.

Don't You Remember? (Ongoing Revise and Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon