The Consequence - Chapter 7

49.3K 1K 34
                                    

Date Posted: 19 August 2017

Chapter 7

Mahinang pag-sara ng pinto ang gumising kay Araya. Marahang kinusot niya ang mga mata bago tuluyang magmulat. Napatingin siya sa puting pinto, nakasara iyon. Sinuyod niya ang paligid, wala ring tao.

Akmang tatayo siya nang maramdaman ang bahagyang pag-lamig at pagkirot ng binti. Nang tignan ang sarili ay biglang bumilis ang kmtibok ng kanyang puso, wala siyang damit!

Napahigpit ang hawak niya sa kumot at muling tumingin sa paligid. Iyon naman ang kanyang silid, ngunit bakit wala siyang damit? Napahawak siya sa ulo, kumikirot iyon. Noon ay naalala niya ang pagpunta sa bar at pag-inom ng alak. Pilit pa rin siyang nag-isip. Paano siya nakarating doon sa kanyang silid?

Bahagya pa lang ang liwanag sa bintana, sumisikat pa lang ang araw. Napalingon si Araya sa lamesa, ala-singko pa lamang. Sa tabi ng orasan ay naroon ang mga damit na masinop na nakatupi. Ito ang mga damit niya kagabi!

Pinikit niya ang kanyang mga mata. Pilit inaalala ang mga nangyari.

"Sleep now, kitten". Nanlaki ang mga mata ni Araya. Parang sirang plaka sa kanyang isip ang tinig na iyon.

"Oh my God, Araya! What have you done!"

Mabilis siyang tumayo paalis sahigaan. Kung tama ang nasa isip niya, may bakas pa marahil sa higaan. Tumayo siya dal-dala ang kumot na nakatapis sa katawan. Malinis ang higaan, walang bahid ng anuman. Napahawak siya sa dibdib. Tinitigan maigi ang higaan, pilit iniisip ang mga nangyari.

Noon ay napansin ni Araya na maayos na nakalatag sa kama ang isa pang puting kumot, kagaya ng kumot na nakatapis sa kanyang katawan.

Bakit dalawa ang kumot? Sigaw ng kanyang isip. Muli niyang ipinikit ang mga mata, inaalala ang mga kaganapan.

Kung anong pinto ang bubukas iyun ang silid ko.

Parang lantang gulay na napaupo si Araya sa sahig. Nakatingin sa pintuan. Oh my, God!

Namula ang pisngi ni Araya, noon ay parqang malamig na yelong bumuhos sa kanyang ulo ang mga nangyari. Nagkamali siya nang pinasukang silid! 'Tila ay parang nagsipagtayo ang mga balahibo niya habang pabalik balik sa kanyang isip ang imahe ng lalaking nakapaibabaw sa kanya.

Napahawak siya sa bibig. Nakipagtalik siya sa lalaking nasa kabilang silid! Sa lalaking hindi niya alam ang pangalan ngunit nakahalikan niya ng tatlong beses, sa pagkakatanda niya!

Mabilis na hinanap ni Araya ang smartphone. Nang sa wakas ay mahanap iyon ay agad niyang binuksan ang app na flo. Tracker iyon ng kanyang period dahil irregular siya.

December 3
Low chance of getting pregnant.

Naibagsak ni Araya ang ulo sa kama. Kinabahan siya. Ang pagkawala ng kanyang virginity ay napakalaking bagay para sa kanya, ngunit wala na siyang magagawa. Hindi na niya iyon maibabalik pa. Ngunit ang pagkakaroon ng anak ay hindi niya ata kaya pang idagdag sa mga problema niya.

Noon din ay naalala niya ang text ng kapatid. Napabuntong hininga siya. Hindi siya pumasok kahapon, kaltas iyon sa kanyang sweldo. Muli siyang tumingin sa orasan, mayroon pa siyang dalawang oras para mag-ayos at pumasok.

Laylay ang balikat na tinungo ni Araya ang banyo. Kahit pagod at masakit ang katawan ay kailangan niyang pumasok at harapin ang mga tinakbuhang problema. Kinapa niya ang puso upang hanapin roon ang pagsisisi sa nangyari. But surprisingly, there's no regret ther. Just a glint of happiness she was not ready to acknowledge.

2 months later

"GAANO ka naman kapabaya, Araya!" Sigaw ng kanyang ina. Isang linggo na ang nakakaraan simula nang bumalik siya sa kanilang bahay. Nahiya na kasi siya sa pinsan, magdadalawang buwan na siya sa hotel nito.

Napapikit siya nang maalala ang nangyari sa hotel na iyon. Muli ay tumulo ang kanyang mga luha. It has been two months, maayos ang lahat, ni kuko ng lalaki ay hindi na niya nakita. Isang bagay na hindi niya alam noon kung ikakapasalamat niya o ikalulungkot.

Naramdaman ni Araya ang bisig na yumakap sa kanya. "Ate, huwag ka na umiyak," Si Rayan, ang kapatid niyang bunso. Inihilig niya ang ulo sa balikat ng kapatid. Mabuti pa ito ay naiintindihan siya.

Nakita niya ang naglandas na lungkot sa mga mata ng ina. Napaupo ito sa mono-block at nasapo ang ulo. Alam niyang sobrang mali ng timing ng lahat ng nangyayari. Ngunit ano pa ba ang magagawa niya? Narito na ang problema. Hindi niya kayang isantabi ito. This is the consequence of her actions.

Noong nakaraang buwan ay nanaginip ang kanyang daddy ng mga numero, sa paniniwalang swerte iyon ayon sa mga sabi-sabi ay tinaya nito ang malaking halaga ng pera. Sa kasamaang palad, naglaho iyon na parang bula. Hindi totoo ang sabi-sabi, hindi nanalo ang kanyang daddy. Ano pa nga ba ang kanilang magagawa? Wala na ang perang pinag-ipunan niya. Ang tanging totoo na lamang na alam niya ay isa siya sa pinakamalas na babae sa buong mundo.

But this baby is not a problem and will never be. This is a gift. And she will accept and take care of it with all her life.

"I am sorry, baby, hindi ko sinasadyang sigawan ka," nakaluhod sa kanyang harapan ang kanyang ina. Pinunasan nito ang mga luhang naglandas sa kanyang mga mata. "Isa kang napakabuting anak, Araya. Kahit sino ay maghahangad na magkaroon ng anak na kasing buti mo. ", ani kanyang ina sabay malambing na pinisil sa kanyang baba.

Pinunasan nito ang sariling luha, "and I am very much sure you will be a great mom too." Bulong ng ina sabay haplos sa kanyang sinapupunan.

Buntis siya. Cliché. One-night stand and here comes the prize. Napatawa siya. Hindi niya sinisi ang kahit sino man, kahit ang sarili. Wala siyang sisisihin, papalakihin niya nang mabuti ang anak kahit wala itong ama.

Kahit gusto niyang sabihin sa lalaki ang nangyari ay hindi niya naman iyon magagawa. Ni isang beses ay hindi na niya muli pang nakita ito, may panahon pa nga na nagtatanong siya sa mga katrabaho sa coffee shop kung dumaan ito, ngunit wala, walang dumating na lalaking may asul na mga mata. All that has remain of him was the memory of his touch and the proof of it, his baby.

Tumingin siya sa sinapupunan at hinaplos iyon, sana ay makuha mo ang mga mata niya, baby.

"Bukas ay uuwi tayo sa zambales, huwag ka na pumasok sa iyong trabaho. Magpadala ka ng sulat. Duon muna tayo, may maliit na lupa ang nanay doon, mas madali ang pamumuhay," nakangiting saad ng ina. Marahan siyang tumango sabay niyakap ang ina. "Thank you, Ma.'

May kirot man sa kanyang puso, umaasang makikita muli ang lalaki, ay pinabayaan niya iyon. Kung malalaman nito iyon ay mabuti kung hindi ay mabuti pa rin, bahala na si batman. Kaya niya ang sarili. Kinakaya niya lagi.

The Consequence [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon