The Consequence - Chapter 2

77.3K 1.3K 38
                                    

 Chapter Two

Naalimpungatan si Araya dahil sa matinding hiyawan mula sa labas ng kanyang pintuan. Ito na naman po tayo. Naisaad niya sa sarili at padabog na tumayo mula sa pagkakahiga. She hated mornings in this house. Nakapikit pa ang kanyang mga mata nang tuluyan siyang makatayo at makapag-suot ng tsinelas.

"Lumayas ka sa bahay ko!" Patuloy na sigaw ng kanyang ina. Kung tama ang kanyang hinala ay nag-aaway na naman ang mga ito. Kung nabubuhay lamang ang kanyang tiyahin ay malamang ngayon pa lang ay nag-iimpake na siya at duon muna tumuloy, kasama ang pinsang si Amanda.

Napabuntong hininga siya ng mas lalong lumakas ang sigawan habang papalapit siya sa kanyang pintuan. Kailan ba titigil sa pag-aaway ang mga magulang ko? Naiinis sa saad niya sa sarili. Simula't sapul ata na nagkamalay siya ay walang linggo na hindi ito nag-away.

"Hoy, babae! Bahay ko rin 'to, wala kang karapatang palayasin ako!" Tanging nasabi ng kanyang ama sa mahabang lintanya ng kanyang ina. Kung maaari lamang siguro ay umusok na ang ilong niya sa inis dahil kay aga-aga ng mga itong mag-away.

Padabog niyang binuksan ang pinto ng kanyang kwarto dahilan upang sabay na mapatingin sa kanya ang kanyang mga magulang. Sa itsura niya ay alam na ng mga itong hindi siya natutuwa.

"Mama, Papa, pwede ba! Kahit isang linggong katahimikan man lang dito sa bahay!" Naiirita niyang saad. Wala nang ginawa ang dalawa kung hindi mag-away, mabuti nga at hindi ito naghihiwalay. "Tuwing umaga na lang! Kahit kaunting pahinga lang naman ang hinihingi ko!" Nahahapong pakiusap niya sa mga magulang.

Simula ng makapagtapos siya, tatlong taon na ang nakakaraan, sakaniya na nakapatong ang lahat ng pangagailangan sa kanilang tahanan at sa bunso niyang kapatid. Buti na nga lang at sarili na nila ang bahay nila kung hindi ay sigurado siyang kukulangin ang dalawang trabaho niya upang buhayin ang kaniyang pamilya.

Narinig niya ang bulungan ng kanyang ama at ina. Nagtatalo pa rin ang mga ito sa kung sino ang nagpasimula ng away. Napabuntong hininga na lamang siya at muling padabog na isinara ang pinto ng kanyang kwarto. Umupo siya at sumandal sa may pinto, sapu-sapo ng dalawang palad ang kanyang ulo, simula ng bumagsak ang kumpanya ng kanyang ama ay hindi na muli ito nagkaroon ng interes sa business dahilan upang mas lalong tumindi ang away ng mga ito.

Sa dinami-rami rin ng problema niya ay hindi man lamang niya mahingahan ng sama ng loob ang mga ito. Lagi niyang kinikimkim ang sama ng loob sa sarili. Wala sa sariling isa-isang lumabas sa isip niya ang larawan ng mga problema niya at laking gulat niya ng biglang sumulpot sa kanyang isip ang mukha ng isang lalaki.

Tapos na ang part time job ni Araya sa coffee shop na pinapasukan. Mabilis niyang tinanggal ang apron at nagpalit ng tsinelas. Nang matapos siya ay mabilis na rin siyang nagpaalam sa mga katrabaho. Gusto na niyang umuwi at magpahinga, alas-nueve pa ang pasok niya kinabukasan.

Dali-dali siyang lumabas sa exit door ng mga employees. Nakuha niya pang magpaalam sa guard. Madilim na sa paligid at may kalayuan ang iikutin niya papunta sa sakayan. Bago ipinagpatuloy ang paglalakad ay huminga muna siya ng malalim. Aja, Araya! Bulong niya sa isipan at muling naglakad.

Habang naglalakad ay naagaw ng isang magarang sports car ang kanyang atensyon. Nakaparada ito sa may sidewalk. Kung hindi siya nagkakamali ay isa iyong McLaren MP4 12C, isang napakamahal na sports car. Napangiti siya sa sarili, noon ay napakahilig ng kanyang ama na ipakilala sa kanya ang mga sports car, kaya naman kahit hanggang ngayon ay hindi na niya matanggal sa sarili ang paghanga sa mga ito.

Nang marating niya ang usual na antayan niya ng jeep ay tanaw pa rin niya ang magarang sasakyan. Wala sa sariling pinagmasdan niya ito, sa pagkaka-alam niya ay 2011 inilabas ang unang mdelo nito.

The Consequence [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon