The Truth - Chapter 22

24.8K 563 11
                                    

Guys, 3 na lang 😭 Tatlo nalang at tapos na natin ang book 2!!!! Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa! 😘

28 July 2018
Unedited

4 Months Later
December 2018

"Ethan!" Sigaw ni Araya. Kanina niya pa tinatawag ang lalaki ngunit hindi ito natitinag. Inis na tumayo si Araya at inakyat ang mag-aama.

It has been four months since that tragic day and she is sure that they are all doing well. Baby Nikki is an angel that binded her and Ethan even more. Their relationship has grown stronger than ever.

Ethan talked to her about her dire need to keep everything to herself. Hindi na daw siya nag-iisa sa buhay, bagkus ay naroon ang lalaki upang maging kasangga niya sa bawat oras. Hindi niya alam kung posible, ngunit mas lalo pa atang lumalim ang pagtingin at pagmamahal niya sa lalaki.

Ngunit hindi niya sigurdo sa mga oras na iyon.

Naka-sampung tawag na siya sa lalaki ngunit hindi pa rin ito bumababa. Ang sabi nito ay titignan lang nito ang mga bata at heto nga at hindi pa ito bumababa! Nag-aayos sila ng mga gamit sa bahay at sa darating na pasko ay magkakaroon ng kaunting salo-salo sa kanilang tahanan.

"Ethan Nicolo!" Sigaw niya ulit nang makarating sa tuktok ng hagdanan.

Sa tuwing Martes at Huwebes ay nagtutubgo ito sa maynila upang asikasuhin ang mga negosyong naiwan. Tuwing ikalawang linggo naman ng buwan ay lumilipad ito patungo sa Manhattan upang bisitahin at asikasuhing ang family business ng mga Rockefeller.

Hindi pa si Ethan ang pinaka nagpapalakad sa kumpanya, nananatiling ang lolo nito ang Chairman at CEO ng Rockefeller Empire. Ngunit malapit na itong magretiro at kinakailangang maging mas hands on si Ethan. Naalala niya ang araw na nakausap niya ang matandang Rockefeller.

"What a beautiful young woman." Iyon ang bungan ng matandang Rockefeller kay Araya. Agad niyang kinuha ang kamay nito upang magmano rito. Agad namang ipinaliwanag ni Ethan ang kanyang ginawa.

"Thank you, Sir." Nahihiya niyang saad. Halos magtago rin siya sa likod ni Ethan dahil kahit pa may tungkod ang matanda at kung minsan ay nakaupo sa wheelchair ay hindi matatago ang kakayanan nitong pasunurin ang kahit sino.

"Oh, drop the formalities. Call me John." Batid ng matanda. Napatingin siya kay Ethan. Ngumiti lang ito at hinalikan siya sa noo.

"I see why my grandson fell in love with you." Napatingin silang pareho sa matanda. "You gave birth to a beautiful twins and you evidently adore Ethan." Lintanya ng matanda na pareho nilang ikinangiti.

Muli siyang napatingin kay Ethan. "There's nothing about Ethan I could not possibly adore." She responded. Kulang na nga lang ay mag-twinkle ang mga mata ng babae.

It is true. She loves everything about Ethan. He's the sweetest, most understanding and loving person she knew. And he is hers. All of him. Gusto niyang halikan at yakapin ang lalaki sa tabi dahil umaapaw ang pagmamahal niya rito. Her man is so wonderful she might have done something good in her past life. Kung hindi lang talaga sila nasa harapan ng matandang Rockefeller.

"I missed my Amelia." Buntong hininga ng matanda. Tinignan niya ang malungkot na ngiti ng matanda. "My Amelia is my everything." Ani John. "And she used to look at me the same way you look at Ethan. Your eyes seems to sparkle everytime you look at him." May kung anong kinuha ito sa loob na bulsa ng coat.

Isang ginintuang locket clock ang inilabas nito. Binuksan nito iyon at rumihistro sa mukha nito ang pagmamahal sa namayapang kabiak. She bets that the locket contains Amelia's photo.

The older man's face soften and his eyes glowed with unshed tears.

"He always tears up everytime he talks about granma.", bulong ni Ethan sa kanya. Hindi iyon narinig ng matanda dahil nanatili itong nakatingin sa locket. Bumangon ang paghanga niya sa matanda. What Ethan said was clearly and undoubtedly true. Rockefellers are family persons. Pamilya higit sa ano pa man ang pinakamahalaga.

"I bet you love her as much, John." Ani Araya. Napatingin sa kanya ang matanda. Loving gaze still lingers in his blue eyes. "Oh, I love her more than anything." Malungkot na ngiti ng matanda. "She's my sunshine. My only love."

"You're my only love." Singit ni Ethan habang isinasalaysay ng matandang Rockefeller ang pagmamahalan nila ng namayapang asawa. Pinigil niya ang ngiti. Bumaling siya ng bahagya kay Ethan at kinintalan ng halik ang braso nito. "You're my sunshine." Tugon niya.

Ethan is definitely her sunshine. Sa hirap at ginhawa ay pinapasaya siya ng lalaki.

"So, when's the wedding?" Nagkatinginan silang pareho. Nang maospital siya ay ipinatigil ni Ethan ang preparadyon sa lahat. At nang mapagdesisyunan nila ang tungkol kay Baby Nikki ay kinansela muna ang lahat.

"We both are not ready, yet. We're still mourning." Bulong niya. May kirot pa rin sa kanyang puso. Tumango-tango ang matandang Rockefeller. "Perfectly fine with me. I understand."

Halos apat na buwan na rin ang nakalilipas nang huli nilang pag-usapan ang tungkol sa kasal. Minsan ay napag-usapan nila iyon ngunit agad din namang isinara ni Araya ang tungkol doon.

"We just lost Nikki, Ethan. Hindi pa ako handa. Hindi pa."

Minsan ay gusto niyang siya na ang magtanong tungkol doon ngunit nahihiya siya. Hindi na rin naman binanggit ulit ng lalaki. Hindi kaya ay nadiskuryahe ito noong hindian niya ito at tanggihan?

Napabuntong hininga si Araya. Minsan ay naiisip niyang tanungin ito o 'di kaya ay mapropose dito dahil ay handang handa na siya. Hindi rin niya akalain na tototohanin ni Ethan na hindi siya nito gagalawin hanggat hindi pa siya handang pakasal! Imagine their celibacy in four months! Oo, hindi pa siya handa noong unag dalawang buwan but the next two months? Oh, good grief. Patawarin ang kasabikan niya sa lalaki. Hindi niya lubos maisip kung paano nila kinaya na matulog nang magkayakap lang! She wanted to beg and ask him to take her but she can't. She won't.

Nahihiya siya. Nahihiya siya na aminin dito ang kasabikan niya sa mga haplos at yakap nito. Hinihintay ba siya nitong sabihin niya na handa na siya? Ah! Napabuntong hininga siyang muli. Hindi niya na alam ang gagawin.

Naglakad siya patungo sa silid ni Aya at agad na binuksan ang pinto. Wala roon si Ethan, maging si Aya ay wala rin doon.

Naglakad siya Patungo sa dulo ng pasilyo kung nasaan ang silid ni Rain. Tahimik sa paligid, marahil ay nagbubuo ang mga ito ng puzzle.

Marahang binuksan niya ang pintuan. Agad siyang napangiti. Her heart leap and the butterflies in her stomach rumbled.

Kaya naman pala hindi ito sumasagot. Marahan niyang isinara ang pinto saka tinitigan ang mag-aama. Ethan lay there in the middle of Rain's small bed, sleeping. Aya rest and sleepsbsoundly on top of her father's masculine chest while Rain Ethan settled on his father's side. Nakaunan ito sa braso ni Ethan habang nakayakap ang maliit na braso sa leeg ng ama.

Napahawak sa kanyang dibdib si Araya. Oh, how she beautiful is the family she created with Ethan? With a smile, Araya walked towards the small bed. May espasyo pa sa kabilang panig ng higaan para sa kanya. Agad niyang hinubad ang tsinelas at sumampa sa kama. Inalis niya ang pagkakayakap ni Ethan kay Aya at inilatag iyon sa kama. Humiga siya at inunanan ang braso nito bago niyakap si Aya.

"I love you, Ethan." She whispered before kissing him on his cheeks and closing her eyes.

The Consequence [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon