The Truth (The Consequence Book 2)
Prologue
Date Posted 24 June 2018
Unedited
This book will start by July 2018 (Happy Reading)It has been two weeks since Araya last saw Ethan but every day she dreams of him. And every morning she wakes up with dry tears in her cheeks. Just like today. The sting of betrayal lingers in her heart. Naghihintay na lang nga siya ng balita na ikakasal na ito sa babaeng iyon.
Her dreams would always end with Ethan's piercing blue eyes darted at her. One morning she woke up not being able to remember his handsome face. Kahit anong pilit niyang pag-alala ay hindi niya matandaan ang mukha nito. Until Aya came rushing into her room demanding to go to her father. Ang isang pinagsisisihan niya sa mga nangyari ay ang epekto nito sa mga bata. Hinahanap ni Aya sa tuwina si Ethan. Pagkagising at bago matulog. "Will daddy be here when I wake up?" She asked one evening. Pinigil ni Araya ang muling mapaiyak noong gabing iyon.
"Mama?" Napalingon si Araya sa batang lalaking marahang hinihila ang kanyang t-shirt. "Yes, Rain Ethan?" Tanong niya sa anak. Hindi ito tumitingin sa kanya. Nakatingin lang ito sa bintana kung saan siya nakatingin kanina. "Di pa ba tayo uuwi kay Daddy?" malungkot na tanong nito. May kung anong tila sumuntok sa sikmura ni Araya. Nasanay na siyang hinahanap ni Aya si Ethan... ngunit si Rain? Ngayon lang ito nagtanong ng ganoon.
"Di pa ba niya tayo susunduin?" Tanong ulit nito at yumuko. Muling tila nanlabo ang kanyang mga mata. "Sabi niya tutulungan niya akong buuin ang puzzle ko." Napaluhod si Araya sa harap ng anak. Nagsimula na kasi itong umiyak. Niyakap niya ang anak. "'Miss ko na si Daddy, Mama." Hagulgol nito at pilit pinupunasan ang mga luhang naglalandas sa mga pisngi. Niyakap niya ito ng mahigpit. Kung si Aya ay sobrang iyakin, si Rain, hindi. Sobrang bihira nitong umiyak. Bilang na bilang lang ang pagkakataong umiyak ito maliban noong sanggol pa lamang.
Napaangat siya ng tingin nang makarinig siya ng mga yabag. Naroon at nakatayo sa kanyang harapan ang ina, magkadaop ang mga braso. Malungkot ang mga mata nito na may halong pagkadismaya. Kailan man, sa loob ng dalawang linggo, ay hindi siya tinanong ng ina kung anong nangyari. Kung ano man daw iyon ay hindi siya nito papakialaman, Malaki na siya at alam na niya ang ginagawa.
Binuhat niya ang anak at marahang inihele sa kanyang balikat, parang noong mga bata pa ito. Hinintay niyang humupa ang paghikbi nito bago niya tuluyang dinala sa silid ang bata. Nakasunod lang sa kanya ang ina.
Nang lumabas siya sa silid ay naabutan niya ang ina na nagbabasa ng newspaper. Nang maulinagan siya nito ay tumayo ito lumapit sa kanya. Napasandal siya sa pinto ng silid ng dalawa.
"Araya, anak, sinabi ko sayo noon na hindi ako mangingialam." Umpisa ng ina. Napayuko siya. "pero ang mga anak niyo ang nahihirapan. Hindi kita pipiliting sabihin ang dahilan pero sana pag-isipan mong maigi, may anak kayo." Pangangaral ng ina. Napatakip siya sa mukha at napadausdos paupo.
"Ma, Ethan is not an ordinary person." Simula niya. "Kumplikado ipaliwanag." Pinunasan niya ang mga luha at tumingala sa ina. "Pero, ma. Ikakasal na siya sa ibang babae. At... at kukunin nila sa akin ang kambal."
Kumunot ang noo ng kanyang mama. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha yan, anak. Ngunit noong araw bago bumalik iyang si Ethan dito sa bahay upang sunduin kayo, kinausap niya muna kami ng papa mo." Naagaw niyon ang atensyon niya. Hindi niya naiintindihan. Kunot noong tinitigan niya ang ina. "Alam na naming ng daddy mon a bumili si Ethan ng bahay para sa inyo. Sa 'iyo. Sabi niya ay sa oras na handa na kayong pareho, aayain ka niyang pakasal." Hinawi ng kanyang ina ang kanyang bangs. "Pumayag kami ng daddy mo. Alam naming pareho na hindi ka sasaktan ni Ethan kaya pumayag kami." Saad nito at hinawakan ang kanyang pisngi
BINABASA MO ANG
The Consequence [Completed]
RomanceWARNING RATED SPG!! Some scenes may not be suitable for young audiences. BOOK 1 - FIN BOOK 2 - FIN Duology When he first saw her, he knew deep inside that this girl should be his and his alone. He pursued her, followed her until he got her right in...