The Truth - Chapter 18

23.3K 475 27
                                    

*warning spg joke might be offending em really sorry*
Kapag tinanong si Araya paano nagpropose si Ethan ang sagot niya:
"Ayun, eiut."
Tawa kayo please. Hahaha. Sorry na. Hahaha.

Chapter 18
23 July 2018
Unedited

"Araya, you should tell Ethan about your situation. Mahirap ang ganito." Nag-aalala ang mukha ni Doktora Rio na pinaalalahanan si Araya. Napayukp ang dalaga sa magkadaop na palad.

"I can do this, Doc." Tumingin siya sa doktora at ngumiti nang bahagya. "I survived the first one, surely this too, right?" Napahawak siya sa sinapupunan. Kailangan niyang maging malakas. Nasasanay na siya sa mga bahagyang pagkirot ng balakang at naitatago na niya iyon sa pamilya.

"I agreed with you the first time dahil akala ko ay sasabihin mo rin afterwards." Malungkot na sabi ng doktora. "Paano kung magkaroon ka ng emergency situations? Hindi mo na maitatago ang lagay mo, Araya." Napakagat labi siya. She does not want to bother anyone. She has always been an independent woman. She does everything alone. Hindi siya humingi ng tulong. Higi't lalo kung kaya niya naman.

Simula sa pag-aalaga kay Rayan noong mga bata pa sila, pagtataguyod sa kanyang pamilya ng bumagsak ang kumpanya ng kanyang daddy at hanggang sa pagbubuntis sa kambal. Noong ipinanganak niya na ang mga ito ay wala na naman siyang nagawa sa pagtulong ng kanyang magulang sa pagpapalaki sa mga anak. Kailangan niya kasi magtrabaho para makatapos si Rayan sa pag-aaral at may maipakain sa pamilya.

"Doc, kinaya natin before. Hindi nalaman ng magulang ko, di ba?" Binigyan niya nang nagmamakaawang tingin ang doktora. Napabuntong hininga ito at napa-iling.

"This is much more complicated than before, Araya." Pagpapaalala muli ng doktora. "You know, I have grown close to you and the twins. You are like  a daughter to me. Kapag may nangyari na sa tingin ko ay hindi mo kakayanin ay sasabihin ko na kay Ethan ito." Seryosong saad ng doktora. Tunay na naging pangalawang ina na niya ang doktora. Isa pa ay ang anak nga nito ang pedia ng kambal.

"Doc, walang mangyayaring masama, promise. Strong ako 'di ba?" Sinabi iyon ni Araya na tila mas pinapaalalahanan ang sarili kaysa sa doktora. Napahawak siya sa sinapupunan. The odds of having a successful pregnancy in this sutuation is three in a million. Three in a million! She might be very lucky sa unang pagkakataon, ngunit suswertehin ba siya ulit sa ikalawa?

"I am not supporting your decision but it's always our patient's discretion. But I did told you what I will do in the future, Araya."

"I THINK you should go with this." Itinaas ni Nathalia ang isang blue lace evening gown sa kanyang harapan. Backless iyon at heart-shape ang harapan sabay may nakapatong na lace fabric na siyang bumubo sa close-neck and long sleeve style nito.

"May baby bump na ako, masyadong hapit?" Turo niya sa kanyang baby bump na kapag tinutigan mong maigi ay mapapansin mo.

Tonight, Ethan will throw their engagement party sa bahay nila. At heto siya, kasama si Nathalia, naghahanap ng maisusuot.

"Hmmm. Sabagay. Super body hugging. I'll look for somethingelse." Nakangiting saad ng kanyang bestfried.

Mabuti na lamang at hindi muna ito dumiretso sa Baryo Paraiso at doon muna sa kanila namalagi hanggang bukas. Kaya ito at mayroon siyang kasamang mamili ng damit.

"What about this?" May ngiti sa mga labi na ipinakita ni Nathalia ang dunod na damit. Napatayo sa kinauupuan si Araya nang makita iyon. "Uy, ang ganda!" Ini-abot ni Araya ang frabric at hinaploas iyon.

It was a grey satin dress. Bagsak ang style noon! Sleeveless iyon na humahapit sa ibaba ng kanyang boobs paakyat sa kanyang balikat. Ang kabilang parte naman ay bagsak lamang. May gradient pa sa bandang baba.

"This is perfect!" She noted. Hindi mahahalata ang baby bump niya roon dahil may crunchy design ito sa bandang tiyan at isa pa ay bagsak lang ang damit.

"Sige, ito na ang iyo akin na iyong blue." Nakangiting saad ni Nathalia tsaka dinala sa counter ang mga damit.

Pagkatapos mamili ay nag-ikot pa silang magkaibigan sa mall. Kailangan din iyon ni Araya. Kaunting lakad at exercise.

A week from now ay ikakasal na sila ni Ethan. Oo, wala pang halos isang linggo noong magpropose ito sa kanya at heto ay ikakasal na sila sa susunod na linggo. Gusto kasi ng lalaki na bago pa man lumabas ang bunso nila ay kasal na sila. Lahat ng preparations ay ito na ang nag-ayos. Simula sa venue hanggang sa mga dokyumento ay ito na rin ang nag-ayos. Ang tanging ginagawa lang niya ay mamili kung alin ang gusto niya at ito na ang bahala.

Kung hindi pa nga siya nagpumilit na siya na ang bahala sa wedding dress ay pati iyon ay aakuin na ng lalaki. Napangiti siya, Ethan is a very wonderful man.

"San mo nga ulit nakilala Ethan?" Tanong sa kanya ni Nathalia. Kunot noong tinignan niya ito. "So coffee shop na pinagtatrabahuhan ko dati. Pero, siya yung nakabili sa company namin sa dati kong work. Bakit?"

Umiling lang ito at ini-abot kay Trey ang paper bags ng pinamili nila. "Tatambay sana ako dun, baka makatyempo." Biro ng kaibigan. Napatawa siya at hinampas ito ng mahina.

SINALUBONG ni Ethan si Araya at ang kaibigan nito sa pintuan. Kakarating lang ng mga ito mula sa mall.

"Hi, Etahn!" Bati sa kanya ng kaibigan ni Araya na kung hindi siya nagkakamali ay nag-ngangalang Nathalia. "Hello, Nathalia." Bati niya rito bago ito nginitian.

"Hello, love." Hingit niya payakap si Araya nang tuluyan itong makalabas sa sasakyan. "Hello, Love." Bati sa kanya nito pabalik. Hinalikan niya ito sa noo bago niya kinuha ang dala-dala nito.

"Akyat na ako ha? Baka maiyak lang ako dito." Biro ni Nathalia bago umakyat sa guestroom. Natatawang tinanguan lang ni Araya ito.

"How was your day?" Inalalayan ni Ethan si Araya papasok ng bahay. "I am fine. Doc Rio said baby is fine." Nakangiti niyang bati sa lalaki. Nagalalakad sila patungong master's bedroom nang biglang kumirot ang tagiliran ni Araya.

Wala sa sariling napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Ethan sabay napahawak sa balakang. Napatigil sa pagkukwento ang lalaki. "Kitten? What happened."

Napakagat sa labi si Araya at pinilit magsalita. "Nasobrahan ata kami sa lakad." Kwento niya at kumapit sa braso nito. Tumitindi ang sakit noon!

"Araya fuck I am taking you to the hospital." Mariing saad ng lalaki at agad siyang binuhat. Magpuprutesta pa sana siya nang biglang bumigay ang kanyang mga mata at tuluyang mahimatay.

- hello people! Oh, alam niyo na ha? Sa coffee shop daw 😌

The Consequence [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon