The Consequence - Chapter 22

34.6K 762 29
                                    

Dedicating to miss @mjvelasc0 for your continues support! Thank you so much, you guys! (Sorry ngayon lang nadededicate bc ang tagal kong nawala hindi na ako marunong hahah. Kanina ko lang nadiscover :P )

A/N: Dahil Father's day bukas at araw ng paborito kong male character. Here is an update! <3 Thank you all again for reading. Malapit na tayong matapos 😊. Nagpapalit ako ng mga cover ng books ko hahah. Para uniform sana. Pero hindi ko mapalitan yung dito sa TC tsaka sa Untold hahaha. Peyborit ko kasi. What you all think? Palitan ko ba? Hahah. Anyway, tama na daldal, happy reading!

The Consequence
Updated 16 June 2018


Did she hear it right? Did she? Did he say he loves her?

Napa-awang ang labi ni Araya. Hindi siya makapaniwala. Tama ba ang naririnig niya? Hindi ba siya nag-ha-hallucinate? Sinabi nitong mahal siya nito? Napatingin siya sa mga mata nito, may kislap iyon at ang mga labi nito ay bahagyang nakangiti. He was intently looking at her!

Biglang umihip ang bahagyang malakas na hangin. Napapikit siya upang iwasan ang buhangin na pumasok sa kanyang mga mata. That same moment she felt him tugged her closer to him before his lips touched hers. Nabato siya sa kinatatayuan, ang kanyang mga kamay ay napalapat sa matipunong dibdib nito. He said he loves her and now he is kissing her.

Totoo ba ito? Ayaw niyang mangarap ngunit... His lips moved against her soft lips and she felt her head tilting to one side to give him a better angle. This man said he loves her. Kapag kuwan ay naramdaan niya ang sarili na pinulupot ang kamay sa baywang nito. She smiled slightly when she heard him groan. Hinigpitan niya ang yakap sa lalaki at hinayaan itong sakupin ang kanyang mga labi. Oh, she loves him so much!

"Mama?" Napahiwalay si Araya kay Ethan. Sa gulat ay napahawak siya sa kanyang mga mata at kunwari ay kinusot kusot iyon. Napaubo naman si Ethan. Nag-angat siya ng tingin habang kinukusot pa rin ang mga mata.

"Did your eye caught something, Mama?" Tanong ni Aya na humikab pa kasabay ng huling salita. "Come here, Kitten. Hihipan ko." Saad ni Ethan. Napatingin siya rito ng masama dahil may malisya ang pagkakasabi nito. Muli nitong hinawakan ang kanyang baba at marahan iyong hinila. He gently blew air directly into her eyes to remove that 'something' she caught with her eyes. She blinks rapidly afterwards. Kunwari ay natanggal na. Naramdaman niya ang paglapat ng kamay ni Aya sa kanyang pisngi. "Let me kiss it, Mama." Aya said ang gave her a kiss on her right eye. "Thank you, Aya." She said and kissed her back on her cheeks. Pagkatapos noon ay bumalik lang ito sa pagkakasiksik sa leeg ng ama. "Daddy, sleep." Bulong nito.

"Aakyat ko lang siya, Kitten." Saad ni Ethan at hinalikan siyang muli sa noon.

NAGTUNGO si Araya sa kusina upang tignan kung ano ang maaari niyang ihanda sa hapunan. Ayon kasi kay Ethan ay dito na lamang sila maghapunan at ihahatid na lamang sila nito pauwi kinabukasan. Ayos lang naman daw sa lalaki kung hindi pa nila gustong manirahan doon. Hindi naman daw siya namimilit. Kagaya nga nang sinabi nito ay, "We'll take it slow, Kitten. I won't rush you into anything."

Napangiti siyang muli. The man said, "I love you, too" to her. Ibig sabihin ay narinig nito ang binulong niya. Binuksan niya ang ref at tinignan ang laman noon. Napakunot ang noo niya. Walang laman iyon masyado, puro mineral water at juice at ilang chocolates. Walang pagkain na pwedeng iluto. Nang isara niya ang pinto niyon ay halos mapatalon siya sa gulat nang mag-angat siya ng tingin. Blue eyes pierced right through her jet-black ones.

"Ethan!" Napasigaw siya at napahawak sa kanyang puso. "Nakakagulat ka naman." Saad niya. Hindi ito umimik. Nanatili itong nakasandal sa hamba ng pinto, ang dalawang braso ay magkapatong sa tapat ng dibdib. Nakatitig lang ito sa kanya, seryoso ang mukha. She crossed her arms and lean against the refrigerator, mimicking him. Tinaasan niya ito ng kilay, hindi pa rin umiimik.

The Consequence [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon