Another chapter dedicated to miss @NoveroNheriza ! You guys always thank me for updating but the real deal is I should be the one thanking all of you for reading my book T_T
Chapter *17
Date Posted: 6 June 2018
"MAMA?" Napatingin si Araya sa anak. Hinaplos niya ang buhok nito bago hinalikan sa noo. May sinat pa ito ngunit sabi ng doctor ay wala na silang dapat pang ikabahala, hindi daw bumalik ang meningitis nito at normal na lagnat lang daw iyon na marahil ay dahil sa sobrang pagod. Nang sabihin ng kanyang kapatid na walang humpay itong nagtatakbo sa pastulan kaya marahil nagkasakit ay maluwag siyang nakahinga.
"Yes, Rain Ethan?" She smiled at his son and patted his chest. Gustong-gusto niyang tinatawag ito sa buong pangalan noon pa man. Nakakunot ang noo nito na parang may gumugulo sa isipan. "Who is that man?" Rain asked. Biglang nahigit niya ang kanyang hininga. Napatingin siya sa direksyon kung saan nakatingin si Rain. He was asking about Ethan. Napakagat siya sa kanyang labi. Nakaupo sa kandungan ni Ethan si Aya habang masaya itong nakikinig sa kwento ng bata.
Nang hindi siya sumagot ay muling nagsalita ang bata. "Mama, is he our dad?" That moment, she was so shocked. She was not able to stop herself from gasping. Hindi pa natigil ang bata at tuloy-tuloy na nagsalita. "He looks like Aya. He has our curly hair. Tho, I look like you, my hair is curly. But Aya is different, everything about her is not like that of you." Tuloy-tuloy na sabi ng bata at muling sumulyap sa sofa kung saan nakaupo si Aya at Ethan. "It is a lot like him."
Matalino ang kambal, pero hindi niya akalain na mapapansin nito ang ganoong bagay. Muli siyang napakagat sa kanyang labi upang pigilan ang pag-hikbi at ang pagtulo ng kanyang mga luha. She was so not prepared about all of this.
Kanina ay matiim siyang tinitigan ng ina na sa wari niya ay nahalata rin ang kung ano man ang napansin ni Rain. Marahan lamang siyang umiling sa ina senyales niya na hindi niya nais pang pag-usapan iyon. But how could she do that now?
"Are you feeling well?" Napaangat ng tingin si Araya sa nagsalita. Natagpuan ng kanyang mga mata si Ethan na nakaupo sa dulo ng higaan ni Rain. Bakit hindi mo iyon napansin, Araya? Nakaupo pa rin sa kandungan nito si Aya. The impatient girl was just sitting in her father's lap silently watching her father talk to her brother. Parang may kung anong tumurok sa puso ni Araya. Sobrang bugnutin ni Aya at hindi ito papaya na maagawan ng limelight. Pero ngayon... ngayon ay tahimik lamang ito na tila sapat na rito ang maupo lamang sa kandungan ng ama.
Suddenly, Araya's heart went wild. Ito na ba ang senyales na mawawala na sa kanya ang mga anak? Sasama na ba ito sa lalaki kapag nalaman ng mga ito kung sino sa buhay nila ito.
"Are you my dad?", nanlaki ang mga mata ni Araya nang imbis na sagutin ni Rain ang tanong ng lalaki ay tumugon ito ng tanong rin. "You look like Aya." He said like he was just stating a blunt truth.
"Hey, Rain. That's rude." she said silently, patting Rain's head. Rinig niya ang pagkainis nito dahil walang sumasagot sa kanyang tanong. Tho, Rain is very very very patient, a complete opposite of Aya, his grumpiness will show itself sometimes.
"Rain, he's our dad. Look. His hair is curly kahit pa short lang sa kanya. And look we have the same eye color!" Aya listed excitedly. Tumayo pa nga ito upang ituro ang mga parte na sinabi. "You're our daddy, right?" This time it was Aya's turn to ask. Humarap ang bata sa lalaki at pumaywang. Mabilis na inagapan ni Ethan ang binti nito dahil baka matumba ito roon sa kama at mahulog. Ilang saglit pa ay nakita ni Araya ang signature "observing" look ni Aya. Pinaningkit nito ang mga mata at itinaas nang paunti-unti ang baba na ani mo ay nang uuyam. She have seen that a lot of times.
Napatingin si Araya sa lalaki na matiim din namang nakatingin sa kanya na animo ay hinihintay na siya ang magsalita. She unconsciously cleared her throat. Noon ay napatingin sa kanya si Aya na may malungkot na mukha, malapit na itong umiyak. Ilang saglit pa ay nagsimula nang humikbi ang bata.
Bago pa man makapagsalita si Araya ay mabilis nang niyakap ni Ethan ang anak upang buhatin at isandal sa kanyang dibdib. Tumingala ito sa nagpipigil ng iyak na si Aya. He slightly pinched her cheek and brushed her hair. Aya looks small in his hand.
"Hey, why my princess is crying?" His voice was so sweet. So gentle. Napahawak si Araya sa kanyang dibdib. Sobrang bilis nang tibok ng kanyang puso na tila ito ay tatalon palabas sa kanyang dibdib. The scene was too sweet but heartbreaking at the same time.
Inabot ni Ethan ang batok ng bata at buong pagmamahal na hinalikan ang noo nito. In return, the kid happily clanged around his neck and rested her small cheeks against his. "I knew it!", she said before kissing her father's cheeks. The moment was picture perfect and Araya knew in her heart that this will never be replaced in her memories.
"Won't you give me a hug?" Ethan asked Rain a moment later. Rain looked at his mom as if he was no longer sure if everything was true. "Go on, Rain. Give your daddy a hug." Araya said lovingly smiling at Rain with her eyes swelling with tears.
"I knew it! I am so right!" Excited na sigaw ni Rain. Tumayo ito at patakbong lumapit sa ama. Buti nalamang ay tinanggal na ang swero nito kung kaya't malaya itong nakakagalaw.
Sinalubong ni Ethan ng halik sa noo ang anak na lalaki. Kahapon lamang ay wala siya ni isang anak sa kanyang pagkakaalam ngayon ay mayroon na siyang dalawa. Isang napakagandang babae at isang napagwapong lalaki. Napapikit siya nang maramdaman ang malilit na kamay ng mga anak na yumakap sa kanya. Mahigpit niya itong niyakap pabalik na parang nais niyang mabawi ang limang taong nakalipas.
Naramdaman niyang kumawala ng bahagya si Aya sa kanya. "Mama! Mama! Let's go hug daddy!! Hindi na siya sleeping!!!" Pinakawalan ni Ethan si Aya ngunit nanatili ang kanyang mga kamay sa damit nito upang alalayan ito. Nang makawala ay agad naman nitong kinuha ang kamay ng ina at hinila patungo sa kanila.
Rain was still hugging his dad with his head resting against his chest. Tila nabato si Araya sa kinauupan, hindi alam ang gagawin. Natatakot na baka kapag sumali siya sa mga ito ay masira ang perpektong larawan.
"Come on, Kitten" Ethan said that made her heart stop beating. Inilipat ng lalaki ang hawak sa anak na babae upang hawakan ang kanyang kamay. Marahan nito iyong pinisil at hinila palapit. She smiled shyly and crawled her way up the bed and settled herself beside him. He wrapped his arms around him and made her head rest against his shoulders. Araya on the other hand caught Aya who is now jumping on the bed and made her sit in on her lap.
Tila lumulutang ang puso ni Araya. The picture a while ago was not tainted but became even more perfect. She closed her eyes and savor each and every bit of the moment not wanting to let go. Naramdaman niya ang pagtulo ng kanyang mga luha habang pilit na pinipigil ang mga hikbi sa kanyang mga labi.
Ethan's hand caress her arms that made her look up to him. He was looking at him, smiling. Moments later, she found herself closing her eyes as his lips descended, kissing her forehead lovingly.
"Thank you so much, kitten. Thank you."
BINABASA MO ANG
The Consequence [Completed]
RomanceWARNING RATED SPG!! Some scenes may not be suitable for young audiences. BOOK 1 - FIN BOOK 2 - FIN Duology When he first saw her, he knew deep inside that this girl should be his and his alone. He pursued her, followed her until he got her right in...