The Consequence - Epilogue

34.4K 614 41
                                    

Date Posted: 25 June 2018
Please play song -> (Say Something - A great big world)

EPILOGUE

Rinig sa buong bulwagan ang pag-singhap ng mga tao sa paligid. "I won't marry you, Ethan." Muling saad ni Araya. Nagsimula ang bulungan sa paligid ngunit hindi siya nagpa-apekto. Naaninag niya ang pagbagsak ng mga kamay ni Ethan ngunit nanatili pa rin itong nakaluhod. Determinadong nag-anagat siya ng tingin at tinitigan ito sa mga mata. Halos magsisi siya sa ginawa at halos bawiin niya ang sinabi. Muling nag-unahan ang mga luha sa kanyang mga mata. He is crying.

May naglandas na luha sa mata ng lalaki. Nakatiim bagang ito ngunit tuloy-tuloy lamang ang mga luhang tumutulo sa mga. Gusto niyang abutin ang lalaki at punasan ang mga luha nito ngunit hindi niya magawa. Hindi pwede. Muli siyang yumuko, "I am sorry, Ethan." Saad niya at mabilis na tumalikod dito at tumakbo palayo.

Pagod na iniluhod ni Ethan ang dalawang tuhod. Binitiwan niya ang box at pinanuod ang babaeng pinakamamahal na tumakbo palayo sa kanya. What have he done to deserve this? Tumingin siya sa paligid at sinalubong ang kanyang mga mata ng mga taong nasa harapan, naaawa ang mga ito sa kanya. Mas lalong nagtagis ang kanyang bagang. He never need pity from any of them.

"Daddy!" Napalingon siya sa anak. Tumakbo ito patungo sa kanya at mabilis siyang niyakap na tila naiintindihan nito ang mga nangyari. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod habang buhat buhat ang anak na babae. Hinanap niya si Rain at noon niya nakita ang pigura nitong tumatakbo kasunod ng ina.

"Daddy don't cry." Narinig niyang saad ni Aya at naramdaman niya ang mga malilit na kamay nitong pumupunas sa kanyang mga luha. Umiiyak na rin ito. This sweet girl has him around her little fingers. Sobrang napalapit na ito sa kanya hindi kagaya ni Rain na mas malapit sa ina. "Daddy is fine, my baby." Pilit niyang idiniretso ang tinig sabay hinalikan ito sa noo. Yumakap ang bata sa kanyang leeg. "Let's follow mama." Bulong nito.

Nilingon niya si Phil at tinanguan ito. Nakita niyang sinundan ni Trey at Mad si Araya. Hindi niya pinansin ang sino man sa loob ng bulwagan at agad naglakad palabas doon. Gulong gulo ang kanyang isipan. Hindi niya lubos maisip na hihindi ito sa kanya. She said she loves him.

"MAMA! Si Aya." Rain said. Nilingon niya ang anak. Sabi ni Mad ay kasama daw ito ni Ethan pabalik na daw ang mga ito doon sa bahay. Yumukod siya upang halikan ang anak sa noo. "She will be here, big boy." Ginulo niya ang buhok nito. "Go upstairs and pack some of your toys, okay?" Kumunot ang noo nito na tila nagtatanong kung bakit.

"We will go to an adventure. Now, go!" saad niya at giniya ang anak na umakyat sa silid. Agad siyang pumasok ng inookupahan na silid at itinuloy ang pag-aayos ng mga gamit. Napabalikwas siya nang magbukas ang pinto.

"Araya." His voice full of sadness. Gumapang iyon sa kanyang pagkatao. Isinara niya ang bag bago tumayo ngunit nanatili siyang nakatalikod. Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya.

"What are you doing?" Bulong nito. Napapikit siya. Ayaw niyang tignan ang lalaki. Hindi niya kaya. "Talk to me. Please." Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang braso. Nais niyang humarap dito at yakapin ang lalaki. "I am leaving you, Ethan." Malat ang tinig na sinabi niya ang mga salita. Napapikit siya. Hindi... hindi na siya iiyak.

"W-why? Wh-y all of a sudden. You said you love me." Sinubukan niyang bawiin ang mga braso ngunit hindi iyon binibitiwan ng lalaki. Hindi niya kayang sumagot. Gusto niya lang lumayo. "Don't leave me. Please." Naramdaman niya ang paglapat ng katawan nito sa kanyang likuran. Ang mga kamay nitong nakahawak sa kanyang braso ay naglandas sa kanyang harapan, pumalupot ang mga braso payakap sa kanya. "Don't leave me, love. Please." Bulong nito. She felt him inhaled the scent of her hair. Hindi niya napansin ang pagpipigil ng hininga. "I love you. Don't leave me," His voice was broken and she could feel her hair getting damp with his tears. Humigpit ang yakap nito sa kanya at noon ay hinayaan niya ang mga luha na tumulo.

The Consequence [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon