The Consequence - Chapter 24

34K 745 27
                                    


Posted 20 June 2018

 CHAPTER 24

Maagang nagising si Araya upang asikasuhin ang mga bata. Unang araw ng mga ito sa eskwela at gusto niya na siya pa rin ang mag-aasikaso sa mga ito. Noong araw din na iyon ay nagsabi sa kanya si Ethan na siya na ang maghahatid sa kambal. Mayroon din siya nakatakdang meeting sa maynila sa araw na iyon kung kaya at kailangan niyang umalis ng maaga.

Sa loob ng isang buwan na magkasama sila sa iisang bubong ay noon na lamang muli umalis ang lalaki upang asiksuhin ang negosyo nitong naiwan sa maynila. Nang tanungin niya ito ukol sa trabaho nito ay napag-alaman niyang ito pala ang dating boss ng boss ng boss ng boss ng boss niya na natapunan niya ng kape sa pasilyo. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon dahil iyon rin ang parehong araw ng una nilang pagkakakilala.

Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na si Araya. Napag-usapan kasi nila ni Liza na magpupunta muna sila sa wet market upang mamili ng sariwang sangkap para sa almusal at baon ng kambal. Dahil din matigas ang kanyang ulo ay hindi niya na iyon binanggit pa kay Ethan kung kaya ay nag-iwan siya ng sulat sa bed side table.

"Good morning, love. Gone to the market with Liza and Trey! "

Nakangiting inilapag niya ang sulat sa lamesa. Ang hula niya ay mauuna pa siyang makauwi kaysa ang magising ang lalaki. Kinintalan niya ito ng halik sa noo bago tuluyang lumabas. He sleeps like a log.

Tahimik pa sa paligid ng lumabas siya ngunit nakita niya na bukas na ang ilaw sa may kusina. Marahil ay gising na si Liza. Umakyat muna siya sa silid ng kambal upang silipin ang mga ito bago hanapin ang kasambahay. Pababa siya ng hagdan ng makarinig ng mahinhin na tawa ng isang babae. Napalingon siya sa kusina, sarado nang muli ang ilaw. Noon niya napansin ang bahagyang awang sa pintuan sa main entrance.

"Gusto mo ba lutuan din kita ng almusal?" Narinig niya ang tinig ni Liza. Napakunot ang noo niya, kausap ba nito si Trey? Pagsilip niya ay nakita niyang nakatayo ang dalawa sa labasan. Si Trey ay nakatalikod mula sa pinto, ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa. Habang si Liza ay nakaharap sa lalaki. Hindi kumikibo o nagsasalita si Trey.

Sinasabi na nga ba niya at may gusto ito sa lalaki. Naghintay pa siya nang ilang sandali at tinignan kung sadagot ba si Trey ngunit hindi ito nagsalita. Noon ay naisipan niyang magpakita.

"Good morning!" Masaya niyang bati sa dalawa. Tumango lang sa kanya si Trey habang si Liza ay bumati rin sa kanya. Bakas muli ang pamumula sa mukha nito.

"Tara na at baka magising pa si bossing." Biro niya. Dumating rin naman agad ang sasakyan at agad din silang umalis.

Bago lumabas ng gate ay may kung anong kinuha ang driver mula sa guard at iniabot iyon kay Trey. Tinignan muna iyon ni Trey at kinapa-kapa. Nang matapos ay humarap ito sa kanya.

"Miss. Package po naka-address sa iyo." Isang brown short envelope ang iniabot sa kanya ni Trey. Kunot noong kinuha niya iyon. Kinapa niya rin, mukhang mga papel ang nasa loob niyon.

"Baka galing sa office, mga requirements ko for resignation." Hula niya nang makapa ang ilang mga papel. Naka-sealed iyon at mukhang mahirap buksan. Baka mapunit niya pa. Nagresign na kasi siya sa kanyang dating trabaho. Ilang araw din nila iyong pinagtalunan ni Ethan. Ayaw kasi siya nitong pagtrabahuhin at kahit anong pilit niya hindi rin siya makapagtrabaho at makakumpleto ng walong oras. Napagdesisyunan niyang mag resign nalang muna at humanap nalang ulit ng trabaho kapag bumalik na ang kambal sa school at sa trabaho si Ethan. Naka one month leave kasi ang huli at sa bahay lang nag-aasikaso ng mga bagay-bagay.

Inilagay niya sa espasyo sa likod ng sandalan ang envelope. Tsaka na niya iyon aasikasuhin.

NAKABALIK sila Araya sa bahay na tahimik pa. May araw na ngunit mukhang tulog pa ang mag-aama. Dumiretso siya sa silid ng kambal at hinayaan si Trey at Liza na ipasok ang mga gamit. Gigisingin na niya ang dalawa para paliguin.

The Consequence [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon