The Truth - Chapter 9

24.9K 482 47
                                    

Date Posted; 8 July 8, 2018
Chapter 9
Unedited

"Ethan?" Nilalaro ni Araya ang ang one-day old na stubbles ni Ethan. Hinihila niya pa nga iba kapag kaya ng kuko niya. "Kitten, no." Suway nito ng bumunot ulit siya ng isa. Natawa si Araya. Humingi siya ng paumanhin dito at hinalikan ang baba nito.

"Pwedeng magtanong?" Saad ni Araya habang kinikiskis ang ilong sa baba nito. Nakikiliti siya sa ginagawa pero hindi niya tinitigilan. "Of course. Is that your question for the day?"ani Ethan. Napatingin siya sa orasan. Past twelve na, ibig sabihin ay martes na. "Pwede." Pagkibit balik niya. Hindi niya napansin ang paglipas ng oras. Ethan's stamina is unmistakably high.

"Fire away, kitten." Saad ng lalaki. Naramdaman ni Araya an paglapat ng malambot na kumot sa kanyang likuran. Huminga siya nang malalim bago nagsalita.

"Did you really love her?" buong lakas niyang tanong. Naramdaman niya ang tensiyon sa katawan nito. Ilang saglit pa ay hinagod nito ang kaniyang likod.

"Well, yes of course. I told you I am a one-woman man." Pagsisimula nito. Bago pa ulit ito magsalit ay nagtanong siya.

"Since when?" her voice was kind of low and hurried.

"Hmm. We were in the university back then." So, not since childhood. "She told me that she loved me since we were kids. You know, we were best of friends. I always see her as my sister."

"But you told me she's your first kiss. You're in college, then?" Tanong niya ulit, Na-curious lang talaga siya. "Nope. She kissed me when we were kids. Around ten years old? The week my mom was buried." Paliwanag nito. Tumango-tango si Araya.

"When did you stop loving her?" Tanong niya ulit.

"I stop loving her as woman but I never stop loving her as a sister and best friend." Saad nito. Suprisingly, she was not jealous. "She left me, she did not trust me. That's not love for me." He said with a hint of sadness in his voice. "We've been friends for life. Then she left me because she thought I needed a child more than I needed her."

Napatingin siya sa mga mata nito. Ngumiti ito. "But I am thankful that she did." Napakunot ang noo niya. His hands went on the either side of her waist. Ini-angat siya nito upang magka-harap ang kanilang mga mata. "Because I found you, Kitten. I found the woman I will spend my life with."

Napapikit si Araya at humalik sa labi nito. "I am thankful, too. Because you found me. Twice. You found me and our angels."

"Kaya, 'wag ka na magselos, okay?" saad nito at hinagod ang kahabaan ng kanyang buhok. Tumango lamang siya at yumakap ulit dito. "And please promise me you will trust me. I'll give you what you want, what you need." She felt his lips on top of her head. "I'll give you my world, Kitten and I will never let you go."

"I love you." Ulit ni Araya. "I love you. I love you. I love you." Ani Araya at ulit ulit na kinintalan ng halik ang lalaki sa mga labi. "I will always love you."

ISA pang pag-kuyom sa kanyang kamao ay sigurado na si Araya na babaon ang kuko niya sa palad at magsusugat iyon. Muli niyang pinunasan ang pawis na hindi na ata natigil sa pagtulo mula sa kanyang noo. Napalingon siya sa paanan ng kama. Handan ang lahat ng gamit niya, siya na lamang ang hindi.

Kinuha niya ang telepono mula sa bed side table at tinawagan ang isang taong hindi niya inaakalang magiging kaibigan niya.

"Cristina di Viscenti," saad ng malambing na tinig sa kabilang linya.

"Cristina," ang tangi niyang nasabi. Narinig niya ang paghina ng ingay sa kabilang linya. Marahil ay nasa isang photoshoot ito. Napabuntong hining siya, "Did I disturb you? I can call later." Hingi niya ng paumanhin.

The Consequence [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon