The Consequence - Chapter 15

40.5K 859 42
                                    

To miss @mmcastillo20 bc I LOVE YOU TOO. Hihih :* Di ko nareplyan comment mo. Dito nalang :)

A/N: Sorry for th delay! 😊 I have to be away for awhile. Here is Chapter 15! 😊 I have decided to write in POVs. Enjoy Reading!!! ❤❤

CHAPTER 15

"I thought dinner by the beach?" Biro niya nang simulang paandarin ni Ethan ang yate. Hindi na siya nagulat. Nang bumaba ang kaninang nag-papaandar noon ay hindi na rin siya nagulat. No doubt, this man is capable of doing anything. Everything.

"Well, let's put a twist and make it a dinner above the sea, shall we?" Biro nito sa kanya at pilyong ngumiti. "May magagawa ba ako." Iiling-iling na saad ni Araya. He chuckeld. A manly one. Super sexy and smooth. "None, Kitten. I think you know that by now." Umiling nalamang muli si Araya at naglakad papasok sa cabin.

Pinagmasdan niya ang paligid. As expected, it was simple yet elegant. Ganoon ang lalaki. He wore simple suit, had a simple penthouse, had a simple yacht but he always oozes with manly beauty and elegance. Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang paghinto ng makina. Napalingon siya at narinig ang mga yabag na papalapit.

"Kitten, you okay there?" Narinig niyang saad ng lalaki. Pumasok ito sa loob at hinila siya sa baywang. Humalik ito sa kanyang leeg at pinalupot ang kamay sa kanyang baywang.

"We should be eating food." Bulong niya. "Pero wala naman akong makitang food?" Nagtataka niyang tanong.

"I am cooking for us." Agad siyang napatingin dito na tila nagtatanong ng are you serious?. Ngumiti lang ito at naglakad patungo sa di kalakihang lababo. Sa tabi noon ay isang ref. Inilabas ng lalaki ang isang kwdradong lalagyan. Itinagilid ni Araya ang tingin upang sana ay masulyapan ang ginagawa ng lalaki.

"Just sit there, kitten. Mabilis lang ito." Lumapit siya sa isang sofa at duon umupo. Napatingin siya sa bintana at agad siyang napasinghap. "Oh, God! This is beautiful." Bulong niya.

Nakahinto sil sa gitna ng karagatan. Napapaligiran ng bundok sa magkabilang panig. Sa paanan ng bundok ay ang mga nagnining-ning na ilaw ng mga bahay at mall. Sa dako paroon ay may mga malalaki ring barko na nagbibigay liwanag sa ibang bahagi. Sigurado siya na kapag tumingala siya paglabas ay nagsabog ang bituin sa kalangitan.

"What can I do to help you?" tanong niya sa lalaki habang may kung ano itong niluluto. Mabango iyon, kung hindi siya nagkakamali ay nakaka-amoy siya ng butter, milk at cheese. Ilang saglit pa ay tinakpan ng lalaki ang niluluto at lumingon sa kanya.

"Come here." Saad nito at inilahad sa kanyang harapan ang kamay. Iniabot niya iyon at hinila siya nito patayo. Nang tuluyan siyang makatayo ay hinapit siya nito. Lumapat ang kaniyang likod sa dibdib nito. Magsasalita pa sana siya nang biglang takpan ng lalaki ang kanyang mga mata ng isang tela. Agad siyang napahawak doon. "What is this..."

"Shhh. Come on. Follow my lead." Saad nito at humawak siya sa magkabilang kamay nito. Naramdaman niya ang malamig na hangin sa kanyang braso. Nasa labas na sila ng cabin. Kinakapa niya lamang ang daraanan habang nakikinig sa utos ng lalaki.

Nang huminto sila sa paglakad ay lalo niyang naramdaman ang malamig na hangin sa kanyang buong katawan. "Sit right here, Kitten." He said and made her sit on something soft. Something like a towel. She sat with her legs under her butt. "Stay here, okay?" Saad nito at tumango lamang siya. Kinapa niya ang kinauupuan. Sa tingin niya ay para iyong comforter.

Ilang saglit pa ay narinig niyang dumating ang lalaki. May kung anong inilapag ito sa kanyang harapan na sa tingin niya ay isang lamesa. "Now remove it." Kinapa niya ang nakapiring na tela sa kanyang mga mata at marahan iyong tinanggal.

The Consequence [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon