The Consequence - Chapter 3

64.9K 1.1K 76
                                    

Chapter 3

Hila-hila ang may katam-tamang laking maleta, tinungo ni Araya ang isa sa mga hotel na pagmamay-ari ng pinsang si Amanda. Gusto niya munang lumayo sa kanilang tahanan kung kaya't napagpasiyahan na niyang umalis doon. Pagod na siya sa pag-suway sa mga magulang. Gusto naman na niya ng pahinga, katahimikan at kapayapaan.

"Good morning, your name, ma'am ?" Ani babae sa front desk ng hotel. Ngumiti siya at ini-abot ang VIP Card na binigay sa kanya ni Amanda noon. 'Yun muna ang pansamantala niyang ggmitn. Walang ano man ang babayaran kapag mayroon ng ganoon. 'Yun muna ang gagamitin niya habnag wala pa ang sweldo niya.

Nabigay na niya kasi ang lahat ng mayroon siya sa kapatid. Nag-iwan na lamang siya ng sasakto sa pamasahe para sa sarili. Napapikit siya. Dahil sa kanyang mga magulang, lalong lalaki ang kanyang gastos.

"Room number 1508, Miss Smith, enjoy your stay, ma'am", nakangiti na bati ng babae. Ngumiti siya at tinaguan na lamang ito. Hindi na siya nag-abala pang magpatulong sa mga kawaksi ng hotel. Gusto niyang mapag-isa, at alam na niya ang patutunguhan.

Tinungo niya ang pinakamalapit na elevator at doon sumakay patungo sa ika-labing limang palapag. Mag-isa lamang siya sa loob ng elevator car, kung kaya't sumalampak siya sa carpeted floor nito. Muli na naman niyang naalala ang libo libong problemang kinakaharap niya, idagdag pa ang hindi niya pagpasok sa kanilang opisina. Paniguradong bawas iyon sa kanyang sweldo, malaking kawalan na iyon sa kanya lalo pa at hirap siya sa pera.

Habang iniisip ni Araya kung paano pagkakasiyahin ang perang natira sa kanya ang huminto sa ika-limang palapag ang lift na kanyang sinasakyan. Mabilis siyang napatayo bago pa bumukas ang pinto. Gumilid siya sa pinakadulo ng lift at yumuko. Sampung Segundo na ang lumipas ngunit napansin niyang hindi pa rin pumapasok ang kung sino man ang nasa kabilang panig. Dali-dali siyang nag-angat ng ulo upang suwayin sana ang kung sino mang poncio pilatong nasa pinto, ngunit tila ay napipi at naipit sa pagitan ng kanyang mga labi ang mga salitang itatapon sana rito. Sinubukan niyang magsalita ngunit sa titig nito sa kanyang mga mata ay talo pa niya ang nakalulon ng dila.

"My... my... what a small world, smart-mouthed beauty." Narinig niyang saad ng lalaki. Kung papuri iyon ay hindi niya alam, mas napansin niya ang paraan ng pagtitig nito sa kanyang mga mata. Para siyang napapaso. Naiinitan. Nababaliw. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang paggalaw ng bibig nito. Mula sa pagsasalita nito hanggang sa pag-angat ng kaliwang bahagi ng labi nito.

Araya! Tila ay bumalik siya sa kanyang wisyo. Gusto niyang sampalin noon din ang sarili sa ginawang pagtitig sa lalaki. Humakbang ang lalaki papasok at halos mapadausdos siya paupo ng dumiretso ito sa kanyang posisyon.

"Day dreaming, my lady?" nakangising saad nito saka isinandal ang kaliwang kamay sa dingding ng elevator katapat ng kanyang tainga. Hindi pa ito nakuntento at ginawa rin sa kabila, naiwan siyang nakakulong sa gitna ng bisig nito. Gusto niyang gumalaw, itulak ito at tumakbo, pero napako siya sa kinatatayuan. Intimidating. She found him intimidating to the point that she couldn't move even her eyes.

"Day dreaming about what? Would you mind sharing?" aroganteng saad nito. Nakagat niya ang kanyang mga labi, hindi ngayon ang tamang oras upang sagutin ito. Baka madagdag pa sa problemang kakaharapin niya kapag binara niya ang lalaki.

Pero sa totoo lang ay kasama naman na talaga ito.

"Maybe you are the one daydreaming, Mister. I do not have all the time in the world to daydream about shits." Diretsang saad niya sabay inilapat ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib ng lalaki. Buong pwersang itinulak niya ito. Kung hindi niya pa ngayon ito itutulak ay baka bumigay siya at patulan ang pang-aakit nito sa kanya. Pero kagaya nga ng kanyang sinabi kanina, she would not dare to add this man in her list of problems. Kahit kasama na naman ito talaga.

The Consequence [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon