Sydney
"bakit ka ba paharang harang?"
"sorry po"
"chill lang tayo Ria. ang aga pa! atsaka first day palang oh? papangit ka niyan sige ka!" tinignan ko ng masama si Nikeesha pero nag peace sign lamang siya saakin kaya inirapan ko nalamang siya. isa pa 'tong panira
"hay nako kalma tayo bebe gurl okay? keep it lowkey muna for the first week para kabog tayo sa mga susunod pang week! para akalain nila na good girls tayo tapos ma-shookt sila sa darating pang weeks. oh diba?" napatingin naman ako kay Xia ng sabihin niya iyon kaya ngumiti ako at nakipag apir sakaniya
"the best ka talaga!"
"Ria, aren't you going to your class?" napatingin ako sa lalaking kumausap saakin. nag isip muna ako kung kilala ko ba ito pero dahil di ko siya mahanap sa kasulok sulok ng brain cells ko ay umirap nalamang ako
"none of your business though. alis. panira ka ng araw" sabi ko at nag lakad na palayo sakaniya at sa mga kaibigan niya. ang toxic naman ng mga tao. first day na first day.
Nag lakad ako papunta sa likod ng school at sumandal 'don. agad akong nairita nang maka-amoy ako ng usok ng sigarilyo at tinakpan ko ang ilong ko atsaka masamang tumingin kay Xia na akala mo hindi aware na may asthma ako
"ano ba! ang baho! umalis ka nga!" iritang sabi ko sakaniya
"luh manipis na nga lang 'to eh! arte nito!" inis na sabi niya rin saakin atsaka tinapon ang sigarilyo niya at tinapakan 'yon. tumingin ako kay Nikeesha na busy lang sa pag aayos ng kaniyang sarili. sinabi ko naman na sakaniya na maganda na siya pero ayaw paawat.
tumingin ako sa ibabang bahagi ng pader na ito at nakakita ako ng spray paint. inalog ko 'yon para alamin kung may laman pa at mayroon naman. tinakpan ko ang ilong ko atsaka nag spray sa pader ng school
나랑 꼭 똑같은 사람 만나 쓰러기 새끼 (idk if it's right lol sorry / i hope you meet someone exactly like you, you piece of sh-t)
"ano nanaman 'yan?" tanong ni Xia habang naka-crossed arms at nakatingin sa sinulat ko sa pader
"it's for me not to tell and for you to know" sabi ko atsaka ngumisi sakaniya bago umalis doon sa likod ng campus dahil baka mahuli nanaman ako. ako nga pala si Sydney Dabria Conde. 17 years old and a 2nd year college student. great right?
"huy Ria, baka gusto mong pumasok no'?" pagpapaalala ni Nikeesha na naka cross arms pa at mataray na nakatingin saakin. wow uso cross arms ngayon no'? tumango na ako at nag simula na kaming pumunta sa una naming klase. si Nikeesha yung parang mabait kong konsensya. siya nagsasabi saakin na lowkey lang pero di naman niya ako pinapatigil sa mga ginagawa ko. simpleng maldita rin 'yan eh
pagkapasok namin sa classroom ay automatic na napatigil ang pag iiyak ng lahat. gulat ata silang kaklase nila kami eh. umupo ako sa likuran kung saan malapit ang ikalawang pintuan ng classroom. tumingin si Xia dito sa katabi kong ayaw umalis. sa tingin ko baguhan 'to?
"alis ka na" bulong nung isa naming kaklase pero ayaw patinang ng ate mo girl. aba
"bakit? may pangalan ba niya itong upuan?" tanong niya sa kaklase namin sabay tingin kay Xia "sino ka ba dito? anak ng may ari ng school?" wow matapang. natawa si Xia no'n sabay angat sa kwelyo ng uniform ng babaeng ito kaya napatayo siya "ano ba!"
"di mo ako kilala?" hindi makapaniwalang tanong ni Xia. tinignan lamang siya ng masama nitong babae. uy nice, this is getting interesting "paano kung ako nga ang anak ng may ari nitong school? may magagawa ka? umalis ka na bago pa mag init ulo ko sayo" pabalang na binitawan ni Xia ang kwelyo ng babae at muntik na itong mawala sa balanse pero nakahawak siya sa upuan
"akala mo kung sino" bulong pa nito pero umalis din siya at lumipat sa bandang harapan. well, pamilya talaga nila Xia ang may ari nitong school pero hindi niya 'yon pinagyayabang dahil ayaw niyang naririnig na kaya siya nagsisiga sigaan dito sa school ay dahil anak siya ng may ari. ewan ko lang kung naniniwala ang iba na siya ang maaaring tagapag-mana. pero baka kuya niya. ewan natin
Yuta
"ayan ha napagod akong mag tour sayo dito sa school! dapat nga may bayad eh!" pag rereklamo ni Ten pero hindi ko na siya pinansin pa dahil sa may nakita akong sulat sa pader ng school. Naka-korean iyon kaya hindi ko maintindihan
"ano 'to? required ba na may ganito sa school niyo?" tanong ko sabay hawak pa doon sa sulat na mukhang bago lang ang pagkakapintura dahil dumikit pa ang ibang paint sa daliri ko. doon ko naman nakita sa paanan ni Winwin ang spray paint. may naalala ako bigla
"ah hindi. baka tropa nanaman nila Ria 'yan" sabi ni lang ni Ten at nilagpasan na namin ang pader na iyon upang makapunta na sa building kung nasaan ang classroom namin. pagkarating namin sa tapat ng classroom ay sobrang tahimik. bakit sa iba hindi naman? cool naman sa province na 'to. "mukhang kaklase natin sila Ria ah"
"edi ibig sabihin kaklase natin si Nikeesha?" napatingin ako kay Winwin no'n dahil halata mo sa boses niya ang pagka-excite. nawala naman ang ngiti ng huli nang mapansin niyang natatawa kami ni Ten "nagtatanong lang ako"
"defensive mo!" sabi ko na natatawa parin "pero sino ba 'yang Ria na 'yan kanina ko pa naririnig sainyo eh"
bahagya kaming nagulat nang tumunog ang bell kaya binuksan na ni Ten ang pintuan upang makapasok kami. umupo nalamang kami sa pinaka-malapit na upuan na nasa harapan at saktong pag pasok ng prof namin
----------
[A/N: hi guys, sa mga nakabasa ng story ko na Little Secret at Little Lies, may character po ako dun na si Sarahfina Conde. remember na may bata siyang kapatid na si Sydney? well ito na siya hahahaha. mana mana lang]
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Short Story"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...