十六

160 2 0
                                    

Sydney






" ano ba maganda? pink or violet?" tanong saakin ni Nikeesha habang hawak yung dalawang mug na may print na 'I Love Tagaytay'


"yung black" singit ni Xia sabay kuha 'don sa mug na itim


"eh! gusto ko pastel!" sabi ni Nikeesha and she end up getting both "bigay ko nalang kay Sicheng 'yung isa hihihi!"


"ay wow Sicheng na ang tawag at may pag hihihi pa?" may pag irap na sabi ni Xia


"akala mo kiniliti 'yung kepkep eh 'no" sabi ko at kasabay no'n ang pag tulak saakin ni Nikeesha kaya irita ko siyang tinignan "luh epal!"


"bastos ng bibig!" sabi niya sabay nguso at nag lakad papunta doon sa counter para siguro bayaran yung mug. umirap lamang ako sa hangin at tumingin sa mga necklace na nandoon. magugutuhan kaya 'to ni tita? makabili nga.


matapos kong makabayad ay tumingin ako sa likuran ko. nag hahanap pa ata si Xia ng bibilhin niya


"Ria! samahan mo muna ako mag CR!" sabi ni Nikeesha at hinila ako "wait lang Xia ah!" tumango si Xia no'n kaya pumunta na kami sa CR.


hindi ako pumasok sa cubicle dahil di naman ako tinatawag ng kalikasan. tumingin lamang ako sa salamin at inayos ang sumbrero ko atsaka nilabas ang cellphone ko para tignan kung may nag text ba saakin. buti ay wala naman


tumingin ako sa isang social media ko at nakita ko pa ang post ni Yuta na kasama si Winwin. ito ata ang dahilan kung bakit naka-nguso si Nikeesha kanina


speaking of Nikeesha ay nakalabas na siya sa cubicle at nag aayos na lamang ng bangs niya "uy picture tayo!" sabi niya na hinila pa ang braso ko kaya pinindot ko ang camera sa cellphone ko atsaka nag picture "post mo 'yan ah! now na dali para pareho kayo ni Yuta na pinost kami ni Winwin"


"luh kailangan pa ba 'yon?" irita kong tanong


"post mo na dali!" umirap nalamang ako at nag post na tulad ng sabi niya







Ria Conde with Nikeesha Limlengco

just now


post ko daw


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon