Sydney
"Ms. Conde got the highest score in the quiz.... again" inabot na saakin ng prof ko 'yung papel ko at bumalik naman na ako sa upuan no'n. tinignan ko lang 'yung papel ko ng mka-upo ako. why isn't it satisfying anymore?
kinrample (crample) ko 'yung papel ko no'n at lumabas muna ng classroom. nakakawalang gana makinig ngayon. nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng hoodie ko at naglakad lakad sa school nang may makabangga saakin. napatingin ako sa naka-bangga saakin at agad siyang nag bow "sorry R-Ria! hindi ko sinasadya.... n-nag--" napatigil siya nang tumango ako at nag tuloy tuloy mag lakad. wala ako sa mood mainis ngayon
"parang bumait si Ria ngayon 'no?"
"anyare sakaniya?"
"nag babagong buhay na ba siya?"
"dahil ba 'to kay Yuta?"
napatigil ako at tumingin sa mga naririnig kong nag bubulungan at kita ko ang pagka-gulat sakanila "gusto niyo bang simulan ko ulit sainyo?" agad silang umiling no'n at nagmamadaling umalis. umirap ako at nag lakad ulit
biglang nag vibrate 'yung cellphone ko no'n kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag. number ni ate Momoka ito dito sa Pilipinas. ini-slide ko 'yung green button at nilagay sa tenga ko ang cellphone ko no'n "Sydney! gising na si Yuta" nagulat ako no'n at napahawak ng mahigpit sa cellphone ko
"Sydney! di ka na bumalik sa classroom" lumingon ako no'n at nakita ko si Nikeesha na hawak ang bag ko "bakit parang may sakit ka? okay ka lang ba?" hinawakan niya ako sa balikat ko no'n at huminga muna ako ng malalim. ang nauubusan nanaman ako ng hangin
"gising na daw si Yuta"
**
sabay sabay kaming nakarating sa hospital no'n at nakita namin sa labas si tita at ate Momoka. agad kaming lumapit at niyakap ako ng mama ni Yuta "chinecheck (check) pa siya ng mga doctor" tumango ako no'n sa sinabi ni ate Momoka
"halos 1 month din nating hindi nakasama si Yuta" sabi ni Nikeesha. Oo, January na ngayon. 1 month siyang ganyan
napatingin kami sa alley nang makarinig ng footsteps at sila Tristan pala 'yon. "pwede na daw pumasok" sabi ni Ten kaya napatingin kami sakaniya. agad na pumasok si tita at ate Momoka. na-semento nanaman ako sa kinatatayuan ko
"tara na" tumingin ako kay Xia na nakatingin lang sa pintuan ng kwarto ni Yuta. pumasok na siya kaya sumunod ako
tinignan ko si Yuta na naka-tingin lang sa paligid na parang nag tataka " Kibun wa yoidesu ka?" agad na sabi ng mama ni Yuta at hinawakan pa ang huli sa kamay niya pero nagtatakang tingin lang ang binigay niya [are you feeling well?]
"Watashi wa koko de nani o shite iru nda?" sagot naman niya kay tita "Naze hito ga takusan iru nodesu ka?" dagdag na tanong niya. hindi ko maintindihan 'yung sinasabi niya pero alam kong tanong 'yan [what am i doing here? // why are there alot of people?]
"t-ng-na wala akong maintindihan" biglang sabi ni Johnny kaya agad siyang binatukan ni Jeffrey at nag ssssh sign at nag gesture na siya rin daw
"naaalala mo ba ako?" tanong ni ate Momoka na naging dahilan ng pag tingin namin sakaniya. bakit nakakaramdam nanaman ako ng paninikip ng dibdib? kailangan ko na ba talagang mag pa-oxygen?
tumango no'n si Yuta at tumingin muli sa paligid niya "pero di ko sila kilala" narinig ko ang pag gasp ng mga kasama ko. pinilit kong wag mag react. wag ngayon. di dapat ako maging mahina "ma, bakit ako nandito? wasn't I supposed to enter highschool today?"
"ganito din 'yung nangyari sa kaibigan ko nung highschool. pero siya, isang specific na tao lang ang di niya maalala" sabi bigla ni Tristan
"may balat ka ata sa pwet kaya mga nagiging kaibigan mo may amnesia. unfriend na kita" sabi ni Mark pero agad siyang siniko ni Tristan
" 'wag na nga kayo mag biruan" sita ni Lisa na parang naluluha
"Doc, anong nangyari sa anak ko?" tanong ni tita at agad na tumango ang doctor kaya bingyan siya ng way nila Winwin para makalapit ng kaonti sa bed ni Yuta
"your son is experiencing Retrograde amnesia since na-trauma siya sa nangyari sakaniya. nakalimutan na niya ang mga present happenings. na-stuck siya sa past memory. hindi pa natin masasabi kung maibabalik ang memory niya for now. Hmm mrs. Nakamoto, please see me at the office" tumango si tita no'n at agad na sumunod sa doctor
"Momoka, bakit ang daming tao? bakit ako nandito?" tanong ni Yuta habang nakatingin sa ate niya
"feeling ko una palang nagka-amnesia ka na. nakalimutan mo na akong tawaging ate" medyo natawa ang mga kasama ko no'n dahil ganyan talaga mag-asaran ang mag kapatid na 'yan "pero Yuta, sila 'yung mga kabigan mo ngayong college"
"college?" nagtatakang tanong ni Yuta
"Hi! ako si Nikeesha! pinaka-cute mong classmate. ito si Tristan, Mark, Jeffrey, Johnny, Jennie, Roseanne, Lalisa, Ten, Xia, Winwin at si Ria. wala si Dean kasi sa Manila siya nag aaral." pag papakilala ni Nikeesha pero halata sa boses niya na parang paiyak na siya kaya agad siyang inakbayan ni Winwin
"ako pala pinaka-close mo sa block natin" sabi ni Winwin at nanginginig na ngumiti
"uy mas close kami" pagsi-siko ni Ten kay Winwin
narinig namin ang pag bukas ng pintuan kaya agad kaming napalingon at si tita pala "guys labas muna tayo, mas kailangan nila mag usap" sabi ni Jennie kaya tumango kami. naramdaman ko pa ang pag hawak ni ate Momoka sa balikat ko kaya ngumiti lamang ako ng kaonti sakaniya
"akala ko sa movie lang nangyayari 'yung mga ganito" di makapaniwalang sabi ni Jeffrey at tumango naman si Johnny no'n
"dahil kay Yuta naging kaibigan natin si Ria pero siya pa 'yung nakalimot lahat" sabi naman ni Roseanne. nakatingin lang ako sakanila no'n dahil di ko alam kung ano ba ang gustong sabihin ng bibig ko
"mukhang mawawala rin naman si Ria dito" napatingin ako kay Xia na ang talim ng tingin saakin at umirap pa siya bago umalis
"bakit ganiyan ba ang mindset ni Xia?" tanong ni Nikeesha na halata mong naiinis parin sa ugaling pinapakita niya
"malay mo tama pala si Xia" sabi ni Winwin kaya sakaniya naman ako tumingin. hindi siya nakatingin saakin no'n at nakita ko pa ang pag siko sakaniya ni Nikeesha
"alam kong kasalanan ko. hindi niyo na kailangan isampal sakin." umalis ako 'don sa corridor na 'yon dahil mas bumibigat lang ang pakiramdam ko.
nang nasa hagdan na ako ay nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. hindi nanaman ako makahinga. bakit lagi ako nakakaramdam ng suffocation? "Ria, ayos ka lang? I think you have an anxiety attack" napatingin ako sa humawak sa balikat ko at si Ten pala "sayang hindi na gumana ang plano natin. tadhana na ang gumawa ng paraan" ngumisi siya no'n at umupo sa hagdan atsaka niya ako hinila paupo
"gusto kong kalimutan niya ako pero hindi sa ganitong paraan" sabi ko at tumingin sa kamay ko. huminga ako ng malalim dahil nagbabadya na ang mga luha ko
"kulang pa nga 'yang nangyari sakaniya" napatingin ako kay Ten dahil di ko masyado narinig ang sinabi niya kaya nagtataka akong tumingin "sabi ko, kung di mo na mahal si Yuta, hindi ka ganiyan ka-affected. gusto mo parin siya no'?"
"may mangyayari ba kung sabihin kong oo"
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Short Story"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...