Sydney
Graded recitation namin ngayon sa Intro to IR. chill lang ako kasi nag aral naman ako. sa maniwala kayo o sa hindi, DL ako. oo DL. Dean's Lister. di kapani-paniwala diba? feeling ko nga nakawit lang ako dito eh.
pero ang di ko matanggap ay graded recitation agad eh first day namin. ano kaya 'yon? may hang over kaya kami sa vacation. napa-irap ako nang maisip ko ang mga ito. ayoko pa naman ng ganito "Ms. Conde" napatingin ang lahat saakin nang banggitin ng prof ko ang apelyido ko. bored akong tumayo at tumingin sakaniya "what are the theories of International relations?"
"Realism, Liberalism--"
"what is realism then Ms. Conde?" hindi na nga niya ako pinatapos ay nanghahamon pa ang tono niya. ano bang gusto niya? mas magaling siya? alam ko naman 'yon kaya nga ako nag aaral at prof ko siya para matuto ako diba? nakakapang-init ng ulo
"Realism assumes that nation-states are unitary, geographically based actors in an anarchic international system with no authority above capable of regulating interactions between states as no true authoritative world government exists" ngumisi ang prof ko no'n nang sumagot ako. is he belittle-ing me?
"how about the sovereign state?"
"it is rather than intergovernmental organizations, non-governmental organizations, or multinational corporations, are the primary actors in international affairs. Thus, states, as the highest order, are in competition with one another."
tumango tango siya no'n at hindi parin mawala ang ngisi. ano bang gusto niyang palabasin? "it's true that you're good but don't forget the attitude Miss. you can sit down now" umirap lamang ako no'n at nakita kong nakatingin ang iba kong mga kaklase saakin kaya tinignan ko rin sila. agad naman silang umiwas no'n. bina-badtrip ako ni sir
nang ilibot kong muli ang mata ko ay halos matunaw ako sa kinauupuan ko. hindi ko alam kung namamalik mata lamang ba ako. bakit siya nakatingin saakin? bakit siya nandito? "oh, Ria, parang nakakita ka ng multo? ay, crush mo?" tinignan ko ng masama no'n si Nikeesha ng sabihin niya iyon
"hindi" mahina pero madiin kong sabi atsaka sumandal sa aking upuan. hindi ko alam kung bakit siya nandito. hindi ko alam kung bakit sa school na ito pa niya piniling mag aral. hindi ko alam kung bakit pa siya bumalik. bumabalik ang lahat ng inis at galit na nararamdaman ko sakaniya
Yuta
nang marinig ko sa prof ko ang Ms. Conde ay tila ba mas bumilis ang pag tibok ng puso ko. hindi ko alam kung dapat ko bang hilingin na siya iyon o hindi. hindi pa nga siguro ako handa na makita siya ulit. pero siya ang pinunta ko dito.
narinig ko na na sumagot siya at parang malulusaw ang puso ko nang marinig ko ang boses niya. pero bakit ganon? ang lamig ng paraan ng kaniyang pag sasalita. bumuntong hininga ako atsaka lumingon kung nasaan siya. parang nahulog ang puso ko nang makita ko ang maganda niyang mukha, ngunit walang emosyon.
sobrang nag bago siya. sa pag galaw niya, sa ayos ng buhok, sa lahat. pero nakikita ko parin sakaniya si Sydney. si Sydney na minahal ko ng sobra.
tinignan ko ng maigi ang kaniyang mata. sobrang iba ang mga tingin niya. para bang wala siyang kinatatakutan. pero masaya ako, masaya ako na tulad parin siya ng dati. pinapamangha niya parin ang mga teachers sa paraan niya ng pag sagot. kung pwede nga lang na palakpakan ko siya eh.
hanggang sa kaniyang pag upo ay di ko maalis ang tingin ko sakaniya. sobrang taray ng kaniyang mga mata. bakit bigla siyang nag bago ng ganito?
hindi ko alam kung dapat ba akong magulat nang mapatingin siya saakin. ayokong umiwas. kitang kita ko kung paano nag bago ang emosyon sa mata ni Sydney. nakikita ko muli yung Sydney na sweet. yung Sydney na kahit ata lamok ay di kayang saktan
bakit ang sakit? wala naman siyang ginawa para saktan ako pero ang sakit?
agad siyang bumalik sa iritang mata niya nang kausapin siya ng isa siguro sa kaibigan niya "uy, lakas ng loob mong tumingin sa likuran ah?" napatingin ako kay Ten nang bumulong siya saakin. binigyan ko siya ng nagtatakang mukha. bakit? masama na ba tignan ang ex girlfriend?
"ano ka ba. kahit sino kaya ni Ria. 'yang tatlo na 'yan? magagaganda lang 'yan pero kinatatakutan sila dito sa school. well si Nikeesha nakakausap naman ng maayos" kinatatakutan? paano 'yon nangyari? atsaka Ria? anong Ria? sinong Ria?
"Mr. what are you discussing about?"
**
Matapos kong maibalik sa office yung mga gamit ng prof ko ay nag lakad na akong muli pero napatigil ako sa balcony ng school kung saan makikita mo ang garden. nanlaki ng bahagya ang mata ko nang makita ko si Sydney.
naka-crossed arms siya at naka-taas kilay na nakatingin sa babaeng masama ang tingin sakaniya ngunit kita mo ang luha sa mata niya at napaka-gulo rin ng kaniyang buhok. hindi ko narinig ang pinag usapan nila pero nang umalis si Sydney ay sinundan ko siya,
mahirap siyang habulin dahil nasa labas siya at tinitignan ko lang siya sa balcony. nang umakyat siya ay tumigil muna ako dahil baka mahalata niyang sinusundan ko siya.
dumaan siya sa kung nasaan ang mga lockers. pumunta lamang ako sa gilid no'n. sapat na para makita ko siya. nag labas siya ng pentel pen no'n at may sinulat doon sa isa sa mga locker. wala talagang emosyon ang mga mata niya. sobrang sakit makita na ang laki ng pinag-bago niya
agad din siyang umalis no'n kaya pumunta ako doon sa kung saan siya nag sulat.
착한 것만으론 아무 것 할 수 없다 (Being good doesnt get you anything )
napakunot ako ng noo ko dahil sa hindi ko maintindihan ang sinulat niya pero at the same time, napangiti rin ako dahil sa hindi parin siya nagbabago. mahilig parin siya sumulat ng phrases. pero ngayon kung saan saan na siya nag susulat. siya rin siguro ang may gawa nung vandalism sa likod ng school
"Yuta Nakamoto! nandito ka lang pala!" napalingon ako nang may tumawag saakin at si Ten pala iyon na patakbong lumapit saakin "nasa canteen na si Winwin. tara na doon at baka ibigay pa kay Nikeesha ang lunch natin"
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Nouvelles"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...