274 4 0
                                    

Yuta





"oh wala ka pang isang buwan dito may tama ka na" natatawang sabi ni Ten sabay hawak sa gilid ng labi ko kung saan may band aid "si Winwin nga never pang nagalaw dito"


"bakit ikaw ba?" tanong ko sakaniya pero nag kibit balikat lamang siya "baka naman kasi natakot kay Winwin. laking tao oh" sabi ko sabay gulo pa ng buhok ng huli. eh matangkad siya eh. nakakahiya sa height ko


"si Ria talaga nag simula nung mga ganiyan dito. wala naman talagang mga grupo grupo dati. ewan ko ba diyan sa tropa ni Ria" bulong saakin ni Winwin na pati mukha ay may pag kilos "pero may grupo ka na siguro no'?"


"bakit ako magkaka-grupo? kailangan ba 'yon?" nagtataka kong tanong


"luh ang weird naman. kapag na-spot ka na dapat naka-agree ka nang kasali sakanila" nakangusong page-explain ni Winwin saakin.


tumawa ako ng sarcastic bago mag salita "seriously? mayroon pang ganiyan sa panahon ngayon? sabagay province. what do I expect?  omoshiroi" (interesting/funny) 


tinuloy ko nalamang ang pagsusulat no'n dahil nakakatawa talaga ang mga nangyayari dito. ang weird na ewan. "Nikeesha!" napatingin ako kay Winwin dahil nagulat ako sa boses niya. masyadong high pitch. halatang tuwang tuwa


"hi Winwin!" nakangiting bati ni Nikeesha kay Winwin at kumaway pa. kumunot naman ang noo ko dahil nakaupo siya sa harapan ko. agad niya namang nilipat ang tingin saakin na akala mo nabasa niya ang nasa isip ko "Yuta Nakamoto, mag ingat ka. ang dami kayang gustong kumuhang group sayo. mag stay ka lang 'kila Winwin. okay?"


umirap naman ako no'n dahil ang nonesense talaga "uso pa ba 'yan? I bet after 10 years pa bago niyo malaman ang night life" biro ko dahil naiinis na ewan ako sa mga kilos ng tao dito. but well, di ko naman sila masisisi, sadyang nakakatawa lang at ang weird


"minamaliit mo ba ako ha?" pinalo niya yung table no'n kaya may mga estudyanteng tumingin saamin. mataray akong tinignan ni Nikeesha pero ngumisi lamang ako sakaniya


"butt-hurt?" napatayo siya no'n at hinawakan ako sa collar ng uniform ko pero mas lalo lang akong ngumisi sakaniya


"Nikeesha tigilan mo na 'yan. tara na" automatic na napatingin ako sa nag salita nang marinig ko ang boses ni Sydney. hindi siya tumingin saakin dahil kay Nikeesha nakatingin na agad din namang binitawan ang collar ko.


"hmp!" umirap saakin ang huli atsaka sumunod kay Sydney at Xia. nakita ko pang tumingin saakin si Xia pero agad din siyang umiwas. crush nga talaga ako no'n


"wow, pano 'yon?" napatingin ako kay Ten nang mag tanong siya at binigyan ko isya ng nagtatakang mukha dahil di ko gets ang tanong niya "I mean, di ko alam kung coincidence lang pero ganda ng timing ni Ria huh?"

I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon