Yuta
Nag ayos na ako ng gamit ko no'n atsaka tumayo para makapag-lunch na. Hinanap ng mata ko si Sydney at as expected, kasama niya sila XIa at Nikeesha. kumunot naman yung noo ko nang makita ko si Winwin sa tabi ni Nikeesha sabay abot ng kung ano 'man iyon at bumalik agad saamin ni Ten "bakit?" nakangiti niyang tanong saakin nang mapansin niyang nakatingin ako sakaniya
"smooth mo sa part na 'yon ah" biro ko sakaniya pero umiling lang siya habang nakangiti at inakbayan na ako para pumunta na kami sa canteen.
"hay walang chocolate pudding ngayon ah" sabi ni Ten habang nakatingin sa ref na nasa canteen. ano nga ba masarap kainin? mas gusto ko nalang sa labas kumain eh. tumingin ako sa paligid no'n dahil ang tagal pa bago kami mapa-harap sa counter.
may nahagip ang mata ko no'n na pamilyar na tao. hindi ako sigurado kung siya ba 'yon "sandali lang ah" pagpa-paalam ko sa kung sino 'man kay Winwin at Ten at tumakbo ako para habulin yung babae na nakita ko sa labas ng canteen "Mina!" sigaw ko para malaman kung siya ba talaga 'yon
agad siyang tumigil no'n at lumingon saakin. nakita ko ang panlalaki ng kaniyang mata at agad na binilisan ang pag lakad niya palayo saakin. napa-iling ako no'n atsaka siya hinabol pero mas binilisan niya ang paglalakad niya.
nag elevator siya no'n kaya di ako nakapasok dahil wala akong pass. agad akong nag hagdan at nag abang saglit sa 2nd floor pero hindi tumigil 'yon kaya umakyat ako at saktong pag pasok niya sa girl's comfort room
napa-sandal ako sa pader no'n dahil sa pagod ko kaka-akyat sa hagdan. naramdaman ko naman na nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko iyon. tinatanong ako ni Ten kung nasaan na ba ako. sinabi ko nalang na mauna na silang kumain dahil may gagawin pa ako.
ang tagal ko nang nag hihintay pero hindi parin lumalabas si Mina. hindi naman niya siguro kayang mag kulong 'don diba?
ang dami nang lumalabas no'n at di ko na maintindihan ang mga sinasabi nila dahil mahina ang mga iyon. may nangyayari ba sa loob?
napatingin ako muli sa pintuan ng girl's comfort room hanggang sa nakita kong lumabas si Sydney mula roon kaya agad kong hinawakan ang wrist niya. agad din naman siyang napatingin saakin pero kinabigla ko nang makitang gulat na gulat siya at may nagba-badyang luha sa kaniyang mga mata
sinunod ko nalamang ang instinct ko na hilahin siya paalis 'don sa lugar na 'yon. alam kong maraming mata ang nakatingin saamin dahil sino nga ba ako para hilahin ang kinatatakutan nilang si Ria diba?
para saakin siya parin si Sydney. si Sydney na mabilis ma-confused sa lahat ng bagay.
"Yuta ano ba!" tinanggal niya ang pagkakahawak ko sakaniya nang makarating kami dito sa lockers kung saan kakaonti lang ang nago-occupy at kaonti lang ang dumadaan since malayo ito sa mga classroom.
tinignan ko sa mata si Sydney at masasabi kong kanina niya pa pinipigilan ang mga luha na gusto nang lumabas sa mata niya "iiyak mo lang kung di mo na kaya" nakatitig lang ako sa mata niya no'n at ganoon rin ang ginawa niya ngunit masama ang tingin niya
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Short Story"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...