Nikeesha
nag lalakad ako no'n sa corridor at hindi ko alam kung bakit parang ang tahimik. nag simula nanaman ba si Ria? o maaga lang akong naka-pasok? tinignan ko ang oras sa cellphone ko at hindi naman ganoon kaaga. lumipat ang tingin ko sa lockscreen ko na picture namin ni Winwin. nakaka-miss siya no'?
umiling nalang ako at nilagay ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko atsaka pumasok sa classroom. pag bukas ko ng classroom ay napatingin ang lahat ng kaklase ko saakin. agad naman akong napapunas sa mukha ko dahil baka may dumi ako
inalis din nila ang tingin nila saakin kaya umupo na ako sa upuan ko no'n. ang weird naman? wala pa si Ria o si Xia no'n. tumingin ako sa bandang unahan na upuan at nakita ko si Ten na parang may sinusulat sa notebook niya
masyadong tahimik ang classroom. ano 'bang nangyayari?
napatingin ako 'kila Roseanne no'n dahil napansin ko na nakatingin sila saakin kaya tinaasan ko sila ng kilay. ano 'bang meron? bakit parang ako lang ang walang alam sa mundo ngayon? nakita ko ang pag tayo ni Roseanne at lumapit sa kung nasaan ako
"hindi mo ba alam?"
"ano ba ang dapat kong malaman?"
"si Winwin..." napa-upo siya no'n bago niya pa matapos ang sasabihin niya. bakit parang bumigat ang pakiramdam ko? napatingin ako sa kamay niya na humawak saakin ng sobrang higpit "nakita siya kahapon sa locker area na walang malay at may saksak sa tagiliran"
"huh?" hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang mag tanong. tumingin ako kay Ten no'n dahil naramdaman kong nakatingin siya saakin at mukhang narinig niya ang pinag uusapan namin dahil nanlaki din ang mga mata niya "joke time ba 'to? pakulo ba 'to ni Winwin? asan ba siy nang masabi kong hindi magandang biro 'to" pinipigilan ko nalang 'yung luha ko kasi di ko na alam kung ano ba ang mararamdaman ko
"nasa hospital parin siya hanggang ngayon. hindi binalita dahil di pumayag ang school, pati narin ang parents ni Winwin. sa tingin ko di rin 'yon binalita dahil nga sa kasali si Winwin sa isang malaking grupo"
"Rose.... gusto ko siya makita"
Sydney
binilisan ko ang pag takbo ko no'n dahil nakikita ko na ang pangalan ng hospital no'n. mas lalo ko pang binilisan ang pag takbo ko nang makapasok na ako sa loob at agad akong umakyat sa room na sinabi saakin ni Sorn, na kasamahan namin sa group
napatigil ako nang makita ko si Nikeesha na nakaupo lamang at nakatulala. tumingin ako sa kabilang 'dako no'n at nakita ko ang parents ni Winwin na mukhang nag hihintay din
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Short Story"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...