Yuta
pagkarating namin dito sa cafe kuno daw sa imus ay maingay na. marami nang tao. violet, green, blue, different party light colors na ang nakikita namin. hindi na rin kape ang nasa menu ngayon. different kind of alcoholic drinks na
may nakita pa nga akong ka-school mate namin eh. pero syempre hindi kami magkakakilala ngayon. umupo lang ako no'n at pinanuod ang bar tender na gumawa ng drinks na in-order namin. tumingin ako sa gilid ko nang tapikin ako ni Ten at sumenyas sa kung saan kaya tumango ako
"buti pinayagan ka ni Nikeesha pumunta dito na hindi siya kasama?" tanong ko kay Winwin
"ah oo, may pupuntahan din kasi sila ni Ria kaya pumayag siya dito. pero susunod ata siya? malapit lang ata dito 'yung pinuntahan nila" matapos sabihin ni Winwin 'yon ay nilapag na 'yung drinks namin
"edi nandito rin si Sydney?" tanong ko at nagkibit balikat lang si Winwin no'n. agad naman na bumalik si Ten no'n at uminom agad sa drink niya nasa harapan niya. weird talaga ngayon ni Ten.
**
tumingin ako sa wrist watch ko at 1:05AM na pala. pagka-baba ko ng braso ko ay may nagsalita mula sa stage dahil may special guest daw ngayon. naghiyawan naman ang mga nanunuod no'n. nang banggitin ang pangalan 'yan syempre hindi ko kilala pero sa tingin ko ay sikat siya. ako lang ata ang hindi siya kilala
maganda siya pero hindi ko talaga kilala. marami nang tumayo no'n at lahat nasa dance floor na, kaya kami nalang ni Winwin ang nandito na nakaupo. busy kasi siya sa cellphone niya. tumingin ako sa paligid ko no'n at hindi ko na makita si Ten. saan nanaman pumunta 'yon?
"labas lang ako saglit" bulong ko kay Winwin at tumango naman siya.
hindi ko na kasi gusto ang amoy sa loob. naghalo-halo na. halos di rin ako tumayo sa upuan ko kanina. ngayon palang nakapag-stretch ng maayos yung legs ko.
sumandal ako sa pader na nandoon at tinignan ang cellphone ko. nag text pa 'yung kapatid ko na nagising daw siya bigla dahil napanaginipan niya ako. paalala daw na susunduin ko sila. ngumisi lang ako nang mabasa ang text niya at tinago na ulit 'yung cellphone ko
napatingin ako sa kabilang kalsada no'n nang may makita akong tumatakbo. hindi ko masyadong makita kung sino ba 'yon dahil nasa madilim siyang parte pero nang mapatigil siya sa tapat ng poste ay nagulat ako.
nakahawak pa si Sydney sa tuhod niya no'n at parang hinahabol ang hininga niya.
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Historia Corta"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...