Yuta
Nakatingin lang ako kay Sydney no'n habang nag susulat siya. sobrang focus niya at nakatitig lamang siya sa papel na nasa desk niya. iniwanan kasi kami ng seatwork dahil may meeting daw ang prof namin. Napatingin si Sydney doon sa kaibigan niyang mukhang super model. sobrang lamig ng tingin niya.
bahagya akong nabigla nang tumingin siya sa direksyon ko. nag tama ang mga mata namin. walang emosyon ang mga mata niya, pero kahit na ganoon ay hindi ako umiwas ng tingin sakaniya. sabi ni Ten, mahirap daw tignan si Sydney dahil nangbubugbog nga daw. kung ito ang paraan para mapalapit siya saakin, bakit hindi diba?
i would take the risk
inalis niya rin naman ang tingin niya at tinuloy na ang ginagawa niya. nakita ko ang pag kunot ng noo ng kaibigan niya at tumingin saakin ng masama. tinignan ko lang din siya at agad naman siyang umirap no'n sabay iling niya
"ano bang meron sainyo ni Ria?" napatingin ako kay Ten nang mag salita siya no'n
"bakit?"
"close ba kayo ni Ria? uy baka pwede din maki-close! para maging close ko si Nikeesha" nakangiting pag singit ni Winwin na ang higpit pa ng kapit sa balikat ko. excite na excite ang loko eh
"aish! kung crush mo si Nikeesha, ligawan mo! hindi yung nakikisingit ka!" halos bulong lang pagkakasabi niyan ni Ten pero may gigil. napa-nguso nalang no'n si Winwin at umayos ng upo. crush niya talaga yung Nikeesha no'? sabagay cute naman siya
"mag cr lang ako" sabi ko at tumayo. sa totoo lang ayoko talagang sagutin yung tanong ni Ten.
pumasok na ako sa comfort room at lumabas din agad matapos kong gawin ang dapat gawin. napa-atras pa nga ako nang makita ko itong kaibigan ni Sydney sa harap ng pinto. naka-crossed arms siya no'n at naka-taas ang isang kilay "bakit ang lakas ng loob mong tignan si Ria?"
"bakit? may problema ba 'don?" tanong ko sakaniya. hindi naman ako natatakot sakaniya. mas lalo lang silang masasanay na lahat hindi lumalaban sakanila
"sino ka ba? ang weird um-acting ni Ria sayo. crush mo ba siya?" natatawa niyang tanong pero alam kong sarcastic 'yon.
ngumisi ako no'n at tinitigan siya sa mata niya "Ms. Xia, bakit ba curious ka? ikaw ata ang may crush saakin e?" mas lalong lumaki ang ngisi ko nang makita ko ang gulat na ekspresyon niya. iniwan ko na siya doon para bumalik sa classroom
**
Naglalakad na ako no'n pauwi sa bahay namin. magka-iba kasi kami ng dinadaanan ni Ten. si Winwin naman sinusundan pa si Nikeesha. napaka-stalker no'? tsk
habang naglalakad ako ay pakiramdam ko may sumusunod saakin kaya lumingon ako. wala naman. creepy lang talaga siguro dito sa probinsya
pagka-harap ko ay halos mapatalon ako dahil nakakita ako ng mga gorilla. ay wait joke lang tao ata 'tong mga 'to. Hindi ko na sila pinansin no'n at maglalakad na dapat pero tinulak ako nung isa. tsk
"wag ka muna umalis. di pa nga tayo nakakapagpakilala sa isa't isa eh. konichiwa?" nagtawanan sila no'n nang sabihin ng mukhang unggoy na sinumpa iyon. napa-irap nalang ako sakanila no'n. may mga papansin din pala dito no'?
"oh ano? puro ka lang pa-pogi?" out of the blue-ng sabi nung isa na todo maka-gel akala mo pinang-shampoo niya 'yon. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit at muntik na akong masuntok. buti nalamang ay naka-iwas ako. lintik!
"hawakan niyo nga 'yang hapon na 'yan!" nang lapitan ako ng iba ay naitulak ko ang isa at nasapak ko naman yung isa pa. tsk ano bang mga problema nito!?
napa-upo ako nang may sumipa sa tiyan ko at parang nawalan ako ng lakas. bwisit. nang di ako makatayo ay may dalawang humawak saakin no'n at hinarap ako dito sa lalaking puno ng gel ang tuktok ng ulo "ano bang problema mo? nalagyan na rin ba ng gel 'yang utak mo? o wala ka talagang utak?"
"aba g-go 'to ah!" agad niya akong sinuntok sa mukha no'n kaya napa-ngiwi ako sa sakit. iba ba trip ng mga tao dito? "oh ano laban! wala ka pala eh" Dumbfounded akong tumingin sakaniya dahil sa sinabi niya. g na g pa nga siya.
"tanga mo rin no'?" asar na sabi ko sakaniya at doon naman naging laban na laban yung mukha niya at umambang susuntukin ako kaya pumikit ako pero lumipas ang ilang segundo at wala akong naramdam
dumilat na ako no'n at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Sydney na nakahawak sa wrist nitong lalaking 'to "wala nanaman ba kayong mapag-tripan?" malamig niyang tanong at naglipat ng tanong sa tatlong lalaking ito
nakita ko ang mahigpit na pag hawak ni Sydney sa wrist ng lalaki kaya agad itong uminda ng sakit "Ria! masakit!" sigaw nito kasabay ng pabalang na pag bitaw ni Sydney kaya naman natumba ang lalaki
"umalis na kayo bago ko pa kayo tupiin sa walo" walang emosyon ang pagkakasabi ni Sydney pero dali daling umalis ang tatlong lalaki no'n kaya napaluhod ako at humawak sa gilid ng labi ko nang may malasahan akong parang bakal. pag tingin ko sa daliri ko ay may dugo. tsk
nakarinig ako ng pag hakbang kaya napa-angat ako ng ulo ko no'n at nakita kong naglalakad na paalis si Sydney kaya agad akong tumayo kahit na masakit ang bandang tagiliran ko. nang mahabol ko siya ay hiniwakan ko siya sa bandang pulso niya kaya napatigil siya no'n at tumingin saakin
bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya muli ng malapitan. siya parin talaga. nakita ko ang pag iwas ng mata niya no'n kahit na walang emosyon ang mukha niya ay alam kong naa-awkward-an siya "Sydney"
"dapat hindi ka dito nag aral. hindi tulad ng dati ang mga tao ngayon dito. kung sensitive ka, wag ka dito" may pagka-authoritative ang pagkakasabi niya no'n "부질없는 착한 마음은 이 세상에선 결함이니까" (a kind heart is useless its a flaw on this world ) napa-kunot ang noo ko dahil sa hindi ko siya naintindihan
agad niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sakaniya at umalis na ng tuluyan.
ang dami kong gustong sabihin sakaniya pero nawawala lahat ng iyon kapag kaharap ko na siya. totoo nga yung mga nasa palabas na hindi nila masabi ang dapat kapag nandiyan na ang gusto nilang sabihan.
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Short Story"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...