十九

149 4 0
                                    

Sydney






"wait nauuhaw ako. sa canteen muna tayo" sabi nib Xia kaya lumiko kami papuntang canteen at dumiretso sa counter. nag sabi lang si Xia at inabot na agad sakaniya ang bottled of water. iba talaga ang anak ng may ari ng school.


aalis na dapat kami doon sa canteen nang bigla akong may narinig na nagpa-rindi ng tenga ko "pa-simpleng landi 'din 'yan doon sa Japanese nilang ka-course eh" agad akong napalingon doon sa nag sabi at nakita ko ang pagka-gulat nilang dalawa


"sabi sayo maririnig ka eh!" bulong ng kasama niya pero narinig ko parin dahil tumahimik sa canteen at alam kong nakatingin silang lahat saakin


"ulitin mo nga 'yung sinabi mo" utos ko habang matalim na nakatingin dito sa babaeng hindi ko ka-course. sa tingin ko ay business ad siya dahil sa uniform na kaniyang suot. hindi niya ginawa ang utos ko kaya lumapit ako sa table niya atsaka ko kinalampag 'yon. kitang kita ko ang pagka-bigla sakanilang dalawa "sabi ko, ulitin  mo 'yung sinabi mo" may pag gigil kong sabi


"narinig mo naman diba? hindi ba totoo?" pansin mo sa boses niya na parang natatakot siya kaya napa-ngisi ako


"wala kang pinagkaiba sa mga senador ngayon. inaakusahan ang isang tao sa bagay na hindi niya ginagawa and the funny thing is, walang proof ang nang-akusa. also, 'yung naakusahan pa ang kailangan mag bigay ng proof na di nila 'yon ginawa. funny right? 'yan 'yung mga cancer sa lipunan. cancer na dapat binubura, for good"


sobrang tahimik sa buong canteen no'n. nakakabingi.


kinuha ko 'yung baso niya na may lamang tubig at binuhos ko sakaniya 'yon. gulat na gulat ang babae dahil sa ginawa ko sakaniya "pasalamat ka at 'yan lang ginawa ko sayo. wag mong hintayin na burahin kita"


bago kami lumabas ni Xia sa canteen ay narinig ko pang nag salita ang kaibigan 'nung babae "sabi sayo wag si Ria eh!"


dumiretso na kami ni Xia sa classroom no'n. late na rin kami pero wapakels. "nakakawala ng mood" sabi ko nang malapit na kami sa classroom


"para ngang bumait ka ngayon eh. yie nagbabago na siya" pang-aasar ni Xia at pumasok na kami sa classroom no'n. tinignan lang kami ni sir no'n at nag patuloy na siya sa pagtuturo. umupo lang kami sa harap no'n atsaka ako naghalumbaba para makinig na


"Winwin, pahiram notes ah" walang gana kong sabi at tumango lamang siya


after ng mahaba-habang discussion ay nagpa-dismiss si sir pero pinaupo niya kaming muli. tsk "by the way class, exams is approaching so better study now. Ms. Conde" napatingin ako sa prof ko no'n nang tawagin niya ako. di naman ako failing grade dito ah? "you have the highest grade in my class, better teach your classmates your strategies or better help them" pagkatapos ng words of wisdom niya ay lumabas na siya kaya napa-irap ako


"uy nahihirapan ako sa subject na 'to. group study tayo sa library" niyugyog pa ako no'n ni Winwin dahil alam niyang hindi ako basta basta papayag. selfish kaya ako! joke. "dali na Ria! ayoko maging octoberian please" ngumuso na saakin si Winwin no'n kaya natawa ako atsaka ginulo ang buhok niya

I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon