Sydney
agad na hinawakan ni Ten ang kamay ko at hinila ako sa kung saan. hindi ko na talaga alam kung saan ito pero kasama ko naman si Ten kaya hindi dapat ako kabahan. hingal kaming tumigil dito sa hindi na gaanong madilim na lugar.
nilibot ko ang aking mata at para kaming nasa junk shop or bodega pero medyo open area ang lugar na 'to "Ten, hindi ba't mga taga-kalabang grupo ko ang mga 'yon?" tanong ko kay Ten at tumingin naman siya sabay tango saakin. sabi na eh. may balak talaga sila "bakit ka nandito? ginugulo ka rin ba nila?"
ngumisi siya no'n bago mag salita "bakit nila ako guguluhin kung kagrupo ko rin naman sila?" napatigil ako sa sinabi no'n ni Ten "di parin makapaniwala?" bahagya niyang pinakita ang tattoo niya sa bandang dibdib. tattoo 'yun ng kalabang grupo ko
hindi ko alam ang sasabihin ko o ire-react ko. all this time, si Ten 'yung hinahanap ko "Ten, ikaw--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mauna siyang mag salita
"ako ang nagpa-baril kay Yuta at ako ang may gawa no'n kay Winwin. alam mo, hindi ko in-expect na mabubuhay pa si Yuta. hindi ko rin in-expect na siya 'yung mababaril kasi para sayo dapat 'yon. hindi ko din in-expect na masasali si Winwin kaso nakakaramdam na"
nauubusan nanaman ako ng hangin. naso-suffocate nanaman ako
"hindi mo ba tatanungin kung bakit ko 'to ginagawa?" tumawa siya no'n bahagya bago muling mag salita "Ria, kapatid ko si Mint" nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ni Mint. si Mint na ipinalit saakin ni Yuta noon. "si Mint na kinalumutan niyong lahat" kitang kita ko sa mata ni Ten ang galit habang sinasabi niya 'yon
"bakit saakin ka nagagalit? hindi ba dapat ako ang magalit sa kapatid mo?" tumawa nanaman siya nang sabihin ko 'yon
"nagpakamatay siya Ria. nagpakamatay ang kapatid ko nang hiwalayan siya ni Yuta at kinalimutan ng lahat. she was mentally ill and seeking for attention, pero anong ginawa niyo?" lumapit siyang bahagya saakin no'n at napa-atras naman ako
"hindi ba't si Mina ang kaibigan niya? bakit saakin mo sinisisi ang pagkamatay niya?" papalapit siya ng papalapit no'n saakin kaya paatras naman ako ng paatras hanggang sa tumama ang paa ko sa lamesa na nandoon
"Mina told me that you ruined my sister. you and Yuta. kayong dalawa ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid ko!" I didn't know what to react when Ten wrapped his hands around my neck "you once told me that sometimes you feel so suffocated. ganito ba ang feeling na 'yon? Ria?" hinigpitan niya ang pagsakal saakin at ako naman ay pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakapulupot sa leeg ko
"T-Ten! wala akong g-ginawa sa kapatid m-mo!" sinubukan kong magsalita kahit na sobrang higpit ng pagkakapulot ng kamay niya sa leeg ko
"my sister took her own life! dapat din kayong mawala! you triggered her to do that!" ramdam na ramdam ko ang galit sa boses ni Ten at nakikita ko rin ang mga nagbabadyang luha sa mata niya at ganoon 'din ako. I feel like drowning. mauubos na ata ang hangin sa katawan ko "alam ko ring ikaw ang nagkalat ng mga picture noon!"
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Short Story"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...