Sydney
nagmamadali na akong lumabas ng bahay no'n dahil na-late ako ng gising kanina. hindi pa tuloy ako nakapag breakfast. agad kong sinara ang pinto nang makalabas ako pero napatigil ako nang makita ang isang tao sa harap ng bahay namin
nang mapansin niya ang presence ko ay tumingin siya saakin at ngumiti "bakit ka nandito?" tanong ko at lumapit naman siya saakin no'n kaya umatras ako
natawa naman siya no'n sa pag atras ko "akala mo naman sasaktan kita kung maka-atras ka. gusto ko lang tanungin kung saan ka ba nag aaral" tignan ko lamang siya no'n atsaka ako umirap
"bakit hindi mo nalang tanungin sa ate mo? o kaya 'kila Xia. type mo naman siya diba? sakanila nalang" sagot ko sakaniya atsaka siya nilagpasan para pumunta na sa school. mukhang sasakay nanaman ako nito. sayang seven pesos
"pero gusto ko ikaw" napatigil ako sa sinabi niya no'n. bakit parang may mga unspecified species sa tiyan ko ngayon? kumain naman ako ah? baka kaonti lang ang nakain ko "Sydney Dabria Conde" napalingon ako no'n sakaniya nang banggitin niya ang buo kong pangalan at ngumisi pa siya no'n
"ini-stalk mo ba ako?" mataray na tanong ko sakaniya
"hmm.. we came from the same school in highschool. crush pala kita dati" kumunot ang noo ko no'n sa mga pinagsasabi niya at hindi nawawala ang ngisi sa kaniyang labi "at naging girlfriend pala kita"
"tapos na 'yon. wag mo nang isipin. tapos na rin tayo" tumalikod akong muli sakaniya no'n para umalis na talaga pero talagang may pahabol pa siya
"gusto ko malaman kung bakit tayo natapos. bakit wala nang tayo?"
"ako ang may kasalanan. nakipag hiwalay ka. wag mo nang alamin kung bakit pa. mahuhuli na ako sa klase ko" hindi ko siya nilingon no'n dumiretso nang mag lakad. mabuti nalang at hindi na siya sumagot o nag tanong pa
sumisikip nanaman ang dibdib ko
Winwin
Sumakay na ako sa bike ko para pumunta na sa school. wala parin ako sa mood ngayon dahil sa paghihingi ni Nikeesha ng space. bakit pa? bakit ba nadadamay ang relasyon namin sa nangyari kay Yuta? hindi ba dapat mas kailanganin namin ang isa't isa?
napa-iling ako no'n dahil sa mga katanungan ko sa isip. bahala na. sumakay na ako sa bike ko dahil mal-late nanaman ako nito.
BINABASA MO ANG
I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)
Storie brevi"내가 항상 응원하고 있다는 것 잊지 마라 " (don't forget that im always here for you) "ここで僕は待ってるよいつまでも ." ...