十四

153 2 0
                                    

Yuta





"bakit hindi na bumalik si Ten?" tanong ko sabay tingin sa orasan ng cellphone ko at nakita kong 10:27PM na "tumae ba 'yon?" tanong kong muli at tumingin kay Winwin


"ewan ko. pero may pinaplano daw sila Nikeesha! party daw 'don sa kabilang room" random na sabi niya. "tigas ulo pag tayo napagalitan nila ma'am pero masaya 'to!" napa-iling nalamang ako sa mga sinasabi ni Winwin 'non nang may biglang kumatok


tumayo ako para pag bugsak ng pinto ang kung sino 'mang kumatok at isa sa blockmate namin iyon "punta na kayo 'don sa kabilang kwarto! di tayo mahuhuli ni ma'am, sa baba naman ang kwarto nila!" excited niyang sabi kaya tumango ako no'n at nag punta na siya sa kabilang kwarto upang sabihan siguro ang iba pa naming kasama.


bumalik ako sa loob ng kwarto namin no'n atsaka nag ayos ng aking buhok "tara na daw 'don sa kabila. alam kong excited kang makita si Nikeesha" sabi ko at tumayo na rin naman si Winwin atsaka kinuha ang mga gamit na dapat dalhin at ni-lock na namin ang kwarto


pag pasok namin sa dulong kwarto ay nandoon na ang iba at mas malaki ito kumpara sa mga kwarto na tinutulugan namin. mas malaki din ang TV dito. may laptop sa gilid no'n tapos nakikita ang youtube sa screen "Winwin!" tumingin ako kay Nikeesha na agad lumapit kay Winwin at naupo na sila. di nanaman 'yan mapaghihiwalay.


umupo nalamang ako sa kalapit na upuan kung nasaan si Winwin at sumandal lamang. hindi lahat ay nandito dahil yung mga matitino sa classroom ay nowhere to be found.


napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito at halos kasabay lamang ni Ten si Sydney pumasok. agad din pumasok si Xia no'n na may pag tulak pa kay Sydney kaya agad na nairita ang huli pero nginitian lamang siya ni Xia.


umupo si Ten sa kanan ko habang si Xia naman ay sa kaliwa ko at katabi niya si Sydney. tsk dapat sa tabi ko nalang si Sydney eh.






**






"oh dali si Johnny naman pakantahin!" sigaw ng isa naming ka-block at pinasa kay Johnny yung laruan na microphone. nag kantahan na eh tapos puro juice lang kami dahil di makapag dala ng liquor


"I was wrong when I hurt you

But did you have to hurt me too

Did you think revenge will make it better? "


tumawa kami no'n nang simulan na ni Johnny kumanta. p-ta akala mo nakahithit yung boses eh parang wala sa sarili tapos nag s-sway pa siya "bagong bago talaga mga tipong kanta ni Johnny!" sigaw ni Ten na pumapalakpak pa kaya nag tawanan ang mga kasama namin

I'm Okay [NCT Yuta Fanfic] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon